Republika ng Tsina (1912–1949)

bansa sa Asya noong 1912-1949

Ang Republika ng Tsina ng 1912 hanggang 1949, ay isang nakapangyayaring estado sa Silangang Asya. Sakop nito ang mga kasalukuyang teritoryo ng Tsina, Taiwan at Mongolia. Bilang isang yugto ng kasaysayan ng Tsina, ang Republika ng Tsina ang pumalit sa Dinastiyang Qing na siyang huling dinastiya ng Imperyong Tsino. Ang pagbagsak naman ng Republika ng Tsina ang nagtapós sa Tsinong Digmaang Sibil, kung saan ang mga natálong Kuomintang ay lumikas patungong pulo ng Taiwan, habang ipinroklama ang Republikang Bayan ng Tsina sa Mainland ng Tsina.

Republika ng Tsina
中華民國
Chunghwa Minkuo
1912–1949
Watawat ng Tsina
Top: Flag (1912–28)
Bottom: Flag (1928–49)
Top: National Emblem (1912–28) Bottom: National Emblem (1928–49) ng Tsina
Top: National Emblem (1912–28)
Bottom: National Emblem (1928–49)
Awiting Pambansa: 
(1937–49)
Kinaroroonan at lawak ng teritoryong inaangkin ng Republika ng Tsina.
Kinaroroonan at lawak ng teritoryong inaangkin ng Republika ng Tsina.
Kabisera
PamahalaanUnitary semi-presidential republic
Pangulo 
• 1912
Sun Yat-sen (una)
• 1949
Li Tsung-jen (hulí)
Premier 
• 1912
Tang Shaoyi (first)
• 1949
He Yingqin (last)
Lehislatura 
• Mataas na Kapulungan
National Assembly
• Mababang Kapulungan
Legislative Yuan
Panahon20th century
10 October 1911
• Republic established
1 January 1912
• Nationalist rule from Nanking
18 April 1927
7 July 1937
• Constitution adopted
25 December 1947
December 1948
21 April 1949
1 October 1949
• Seat of government moved to Taipei
7 December 1949
Lawak
191211,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw)
192011,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw)
193011,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw)
194811,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw)
194911,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw)
Populasyon
• 1912
432375000
• 1920
472000000
• 1930
489000000
• 1948
489000000
• 1949
541670000
Salapi
Pinalitan
Pumalit
Dinastiyang Qing
Mongolia (1911–24) Mongolia (1911–24)
Taiwan under Japanese rule
Tsina
Republikang Bayang Mongolian
Republika ng Tsina
Bahagi ngayon ng
  1. 1912 and 1927–49 (although see footnote c immediately below).
  2. 1912–27.
  3. Chongqing served as capital during the Second Sino-Japanese and Pacific Wars (1937–46).
Republika ng Tsina
Tradisyunal na Tsino中華民國
Pinapayak na Tsino中华民国

Sandaling nanungkulan si Sun Yat-sen bilang unang pangulo ng Republika. Ang kaniyang partido, na noo'y pinangunahan ni Song Jiaoren ay nanalo sa halalang parlamentaryo noong Disyembre 1912. Subalit, ang pambansang pamahalaan sa Beijing ay nanatili sa kamay ng hukbo na nasa pamumuno ni Pangulong Yuan Shikai. Nang mamatay ni Yuan noong 1916, pinaggiitan ng mga lokal na pinunong militar, o mga warlord ang kanilang awtonomiya.

Noong 1925, nagsimulang magtatag ng isang katunggaling pamahalaan ang Kuomintang sa Guangzhou sa timog ng bansa. Bumagsak naman noong 1927–28 ang ekonomiya ng hilaga, na labis na binuwisan upang itaguyod ang adbenturismo ng mga warlord. Sinimulan naman ni Heneral Chiang Kai-shek—na humaliling pinuno ng KMT nang yumao si Sun—ang kaniyang Northern Expedition, isang kampanyang militar upang mapataob ang pamahalaang sentral sa Beijing. Napataob ang pamahalaan ito noong 1928 at nagtatag si Chiang ng isang bagong pamahalaang Nationalist sa Nanjing. Di-naglaon pinutol niya ang kaugnayan sa mga komunista at pinatalsik ang mga ito sila sa KMT.

Nagkaroon ng industriyalisasyon at modernisasyon, ngunit kasabay nito namuo rin ang tensiyon sa pagitan ng pamahalaan ng mga Nationalist sa Nanjing at Partido Komunista ng Tsina, mga nalalabíng warlord, at ng Imperyo ng Japan. Naisantabi ang pagtatatag ng bansa nang sumiklab na digmaan sa pagitan nito at ng Imperyo ng Japan nang salakayin ng Japan ang Tsina noong 1937. Noong Mayo–Hunyo 1944 matagumpay ang naging opensiba ng Nationalist Y Force laban sa mga Hapones sa Yunnan, ngunit sa pangkalahatan bigo ang mga iba pa nitong kampanya laban sa mga Hapones. Nang tuluyang sumuko ang mga Haponese noong 1945, nakamit ng mga Allies ang lubos na pagkapanalo sa digmaan, ngunit dahil sa Cold War sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet sumiklab muli ang sagupaan sa pagitan ng KMT at mga komunista. Noong 1947, pinalitan ang Organikong Batas ng 1928 ng Konstitusyon ng Republika ng Tsina bilang saligang-batas ng bansa. Noong 1949, itinatag ng mga Komunista ang Republikang Bayan ng Tsina, matapos mapatalsik sa mainland ng mga Nationalist, na ang karamihan ay nagsilikas patungong Taiwan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin