Imperyo ng Hapon

Monarkiyang Hapon simula 1868 hanggang 1947
(Idinirekta mula sa Imperyo ng Japan)

Ang Imperyo ng Hapon (大日本帝國, Dai Nippon Teikoku, literal na "Dakilang Imperyong Hapones")[4] ay isang makasaysayang Hapones na lungsod-estado na umiral mula sa panahon ng Panunumbalik ng Meiji noong 1868 hanggang sa pagsasabatas ng 1947 na saligang batas ng makabagong Hapon.[5]

Imperyo ng Hapon
Dakilang Imperyong Hapones

Dai Nippon Teikoku
1868–1947
Watawat ng Imperyal na Hapon
Watawat
Imperyal na Sagisag ng Imperyal na Hapon
Imperyal na Sagisag
Salawikain: 八紘一宇
"Hakko ichiu"
"Ang buong mundo sa ilalim ng isang bubong"
Awiting Pambansa: 君が代
"Kimigayo"
"Maharlikang Pamumuno"
Ang Imperyo ng Hapon sa pinakamalaking sakop nito noong 1942.
Ang Imperyo ng Hapon sa pinakamalaking sakop nito noong 1942.
KabiseraTokyo
Karaniwang wikaHapones
Relihiyon
De jure: wala
De facto: espousing Shintoismo
Iba: Budismo
PamahalaanDaijō-kan[1]
(1868–1885)
Monarkiyang konstitusyonal
(1890–1947)[2]
Isang partidong diktadurang militar (1940–1945)
Emperador 
• 1868–1912
Meiji (Mutsuhito)
• 1912–1926
Taishō (Yoshihito)
• 1926–1947
Shōwa (Hirohito)
Punong Ministro 
• 1885–1888
Itō Hirobumi (una)
• 1946–1947
Shigeru Yoshida (huli)
LehislaturaImperial Diet
• Mataas na Kapulungan
House of Peers
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Kinatawan
PanahonMeiji, Taishō, Shōwa
Enero 3 1868[3]
29 Agosto 1871
29 Nobyembre 1890
27 Setyembre 1940
12 Oktubre 1940 – 13 Hunyo 1945
Agosto 14 1947[2]
2 Setyembre 1945
Lawak
1,984,000 km2 (766,000 mi kuw)
Populasyon
• 1920
77,700,000a
• 1940
105,200,000b
SalapiYen ng Hapon
Yen ng Korea
Yen ng Taywan
Hukbong Yen ng Hapon
Pinalitan
Pumalit
Shogunatong Tokugawa
Kahariang Ryūkyū
Republika ng Ezo
Dinastiyang Qing
Imperyong Ruso
Imperyong Koreano
Aleman na Bagong Guinea
Silangang Indiyas ng Olanda
Pagsakop ng Hapon
Sibil na Pamamahala ng Estados Unidos sa Kapuluang Ryukyu
Republika ng Tsina
Unyong Sobyet
Hilagang Korea
Timog Korea
Bahagi ngayon ng

Ang mabilis na industriyalisasyon at militarisasyon ng Imperyo ng Hapon sa ilalim ng salawikain na Fukoku Kyōhei (富国強兵, "Pagyamanin ang Bansa, Pagtibayin ang Hukbo") ay humantong sa pag-usbong nito bilang isang dakilang kapangyarihan at ang pagtatag ng imperyong kolonyal. Ang mga ekonomiya at pampulitikang kaguluhan sa dekada '20 ay nagtulak sa paglaganap ng militarismo, na kalaunan ay hahantong sa pagkasapi ng Hapon sa Kapangyarihang Aksis at ang pananakop ng malaking bahagi ng rehiyong Asya-Pasipiko.

Matapos ang ilang mga malalakihang tagumpay ng militar noong Ikalawang Digmaang Sino-Hapones (1937–1945) at sa Digmaang Pasipiko, kinilala ang Imperyo para sa mga krimen ng digmaan nito laban sa mga taong sumakop nito.

Terminolohiya

baguhin

Ang makasaysayang estado ay madalas tinutukoy bilang "ang Imperyo ng Hapon" o "ang Imperyong Hapones" o "Imperyal na Hapon". Sa Hapones, ito ay tinutukoy bilang Dai Nippon Teikoku (大日本帝國),[4] na naisasalin sa "Dakilang Imperyong Hapones" (Dai "Dakila", Nippon "Hapones", Teikoku "Imperyo").

Paagpapanumbalik ng Meiji

baguhin

Matapos ang dalawang siglo, ang patakaran ng pag-iisa, o Sakoku, sa ilalim ng mga shogun ng panahon ng Edo ay nagtapos noong ang bansa ay pinilit magbukas upang makipagkalal ng Kumbensiyon ng Kanagawa sa 1854.

Ang mga sumunod na taon ay nakakita ng nadagdagan na kalakalang panlabas at pakikipag-ugnayan; mga tratadong komersyal sa pagitan ng kasugunan ng Tokugawa at mga Kanluraning bansa ay nalagdaan. Malaking bahagi dahil sa kahiya-hiyang mga tuntunin ng Mga 'Di Pantay na Tratado, ang Kasugunan ay humarap sa panloob na poot, na kung alin ay naging isang kilusan na radikal at may pagsuklam at takot sa mga dayuhan, ang sonnō jōi (literal na "Igalang ang Emperador, palayasin ang mga barbaro").[6]

Noong Marso 1863, ang "kautusan upang palayasin ang mga barbaro" ay inihayag. Bagaman walang intensiyon ang Kasugunan na ipatupad, ito ay gayunpaman nag-udyok ng mga pagsalakay laban sa Kasugunan mismo at laban sa mga banyaga na nasa Hapon. Ang Pangyayari ng Namamugi noong 1862 ay nahantong sa pagpaslang ng isang Ingles, si Charles Lennox Richardson, ng isang grupo ng mga samurai mula sa Satsuma.

Digmaang Boshin

baguhin

Ang Boshin War (戊辰戦争, Boshin Sensō) ay naganap sa pagitan ng Enero 1868 at Mayo 1869. Ang alyansa ng mga samurai mula sa katimugan at kanluraning mga lupain at mga opisyal ng korte ay nakapagtamo ng pakikipagtulungan ng batang Emperador Meiji, na iniutos ang paglusaw ng dalawang-daang-taong Kasugunan ng Tokugawa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hunter 1984, pp. 31–32.
  2. 2.0 2.1 "Chronological table 5 1 December 1946 - 23 June 1947". National Diet Library. Nakuha noong Setyembre 30, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. One can date the "restoration" of imperial rule from the edict of 3 Enero 1868. Jansen, p.334.
  4. 4.0 4.1 Shillony, Ben-Ami (2013). Ben-Ami Shillony - Collected Writings. Routledge. p. 83. ISBN 1134252307.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Chronological table 5 1 December 1946 - 23 June 1947". National Diet Library. Nakuha noong Setyembre 30, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Hagiwara, p. 34.