Republikang Katalan (2017)
Ang Republika ng Katalunya (Katalan: República Catalana) ay isang sandaling malayang estado sa tangway ng Iberia. Nagpahayag ng kasarinlan ang Parliyamento ng Katalunya mula sa Espanya sa gitna ng isang krisis sa saligang batas sa isyu ng reperendum para sa kasarinlan ng Katalunya, taong 2017. Hanggang nakuha muli ng mga kinauukulan ng Espanya ang pagkontrol sa teritoryo ng Katalunya nang mayroong kaunting paglaban.
Republika ng Katalunya | |
---|---|
Katayuan | Unrecognized/disputed |
Kabisera | Barcelona |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Katalan Kastila Oksitan |
Pangkat-etniko | Mga Katalan, Mga Oksitan, Mga Kastila |
Relihiyon | Predominantly Christianity[1] |
Katawagan | Katalan |
Pamahalaan | Pansamantalang republika |
Carles Puigdemont | |
Kasaysayan | |
Oktubre 1, 2017 | |
• Inihayag ang kasarinlan at paghiwalay mula sa Espanya | Oktubre 27, 2017 |
• Pakikialam ng Pamahalaan ng Espanya | Oktubre 28, 2017 |
• Naibalik ang kontrol sa Espanya | Oktubre 30, 2017 |
Lawak | |
• | 32,108 km2 (12,397 mi kuw) |
Populasyon | |
• Senso ng 2016 | 7.523 milyon |
• Densidad | 234/km2 (606.1/mi kuw) |
Salapi | Euro (€)a (EUR) |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras sa Tag-araw ng Gitnang Europa) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +34 93 (Barcelona lamang) +34 97 (buong Katalunya) |
|
Nang inihayag ng Parliyamento ng Katalunya ang kasarinlan mula sa Espanya, pinagtibay ng Senado ng Espanya ang Artikulo 155 ng 1978 Saligang Batas ng Espanya, kung saan magpapahintulot sa pamahalaan ng Espanya na magpataw ng tuwirang pamumuno sa Katalunya. Matapos ang ilang sandali, binuwag ng Punong Ministro ng Espanya na si Mariano Rajoy ang Parliyamento ng Katalunya, pati ang Ehekutibong Lupon ng Katalunya, at nagpatawag ng dagliang rehiyonal na halalan na gaganapin sa ika-21 ng Disyembre, 2017. Bilang tugon, si Carles Puigdemont, ang Pangulo ng Katalunya, inihayag na tanging mga parliyamento lamang ang maaaring makapaghalal o magalis ng mga pamahalaan sa isang demokratikong lipunan at nanawagan sa mga Katalan na "demokratikong tutulan" ang pagpataw ng Artikulo 155, ngunit hindi niya nilinaw kung anong magiging tugon niya sa mga utos ng pamahalaan ng Espanya.
Sa araw ng pagpapahayag nito ng kasarinlan, wala ni isang bansa ang kumikilala sa republika, sa halip, kinikilala ito bilang bahagi pa rin ng Kaharian ng Espanya.
Mga kawing panlabas
baguhin- Pamahalaan ng Katalunya Naka-arkibo 2021-03-08 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- Parliyamento ng Katalunya (sa Catalan)