Reserbang Pangkalikasan ng Visim
Ang Reserbang Pangkalikasan ng Visim (Ruso: Висимский заповедник) (tinatawag din Visimskiy) ay isang Rusong 'zapovednik' (mahigpit na reserbang pangkalikasan) na prinoprotekta ang isang lugar sa katimugang taiga sa mababang Gitnang Bulubunduking Ural. Noong 2001, ipinangalan ito bilang isang Biyosperang Reserba ng UNESCO MAB.[1] Ipinangalan ito sa sinaunang nayon ng Visim, na kilala na tahanan ng manunulat na Rusong si Dmitry Mamin-Sibiryak, na nagsulat ng buhay kanyunan sa Ural. Karamihan matatagpuan ang reserba sa kanlurang dalisdis nito sa puno ng Ilog Sulёm, isang tributaryo ng Ilog Chusovoi, na bahagi ng napalaking palanggana ng Volga-Kama. Bagaman, ang bahagi nito ay nasa silangang dalisdis sa tubig-saluran ng Ilog Ob. Kaya, nakalaan ang reserba sa pangkontinenteng paghati ng Europa-Asya: dumadaloy ang tubig mula sa reserba tungo sa parehong Dagat Kaspiyo sa pamamagitan ng Ilog Volga, at ang Dagat Kara sa pamamagitan ng Ilog Ob. Matatagpuan ang reserba sa Distrito ng Kirovgrad ng Oblast ng Sverdlovsk, mga 100 km hilagang-kanluran ng Yekaterinburg.[2][3]
Topograpiya
baguhinMay isang kalupaan ang Reserba ng Visim na karamihang mababang mga bundok na may may gubat na koniperus (puno ng pino). Halos hugis-parihaba ang pangunahing reserba, 20 km sa kabuuan, na may mas malaking mga sonang buffer (kung saan ipinagbabawal ang pangangaso at pangingisda) sa hilaga. Mababang mga bundok ang silangang bahagi ng reserba na may kaugnay na mga taas na mula 250 hanggang 300 metro, at may isang pinakamataas na taas na 700 metro sa taas ng lebel ng dagat.[2] Kabilang sa nakikitang biyospera ang pangunahing rehiyon ng Visimskiy (33,487 ektarya), dagdag pa dito ang sonang buffer na lumalagpas sa hilaga ng mga 46,000 ektarya, at isang sonang transisyon na lumalagpas pa hanggang mga 100,000 ektarya sa hilaga.
Klima at ekorehiyon
baguhinMatatagpuan ang Visim sa mga bundok na tundra at taiga ng Ural na ekorehiyon, isang rehiyon na sumasaklaw sa mga Bulubunduking Ural sa isang banda na makitid mula kanluran tungong silangan, subalit pinapatakbo ang halos lahat ng paghati sa pagitan ng Rusyang Europeo at Rusyang Asyatiko. Pagkikitang sona ang lugar ng espesyeng taiga at tundrang puno at halaman.[4]
Ang klima ng Visim ay klimang pang-kontinenteng mahalumigmig, mainit-init na tag-init (Klasipikasyonng klima ng Köppen (Dfb)). Nailalarawan ang klima na ito sa pamamagitan ng malaking mga pag-kampay sa temperatura, kapwa araw-araw at pana-panahon, na may banayad na tag-init at malamig, maniyebe na taglamig.[5][6] Sa Reserba ng Visim, ang lumalagong kapanahunan ay may karaniwan na 141 araw; ang karaniwan na taunang pag-ulan ay 600 mm.[7]
Kahalamanan at palahayupan
baguhinNagsisilbi ang Reserba ng Visim bilang isang sanggunian para sa kinatawan ng mga pamayanan ng halaman ng katimugang mga Ural na taigang bundok.[1] Matatagpuan sa loob ng Visimsky ang 56% ng espesye ng halaman ng Gitnang mga Ural na pambotanikang rehiyon. Maaring pag-aralan sa siyentipikong pag-aaral ang kaugnay na paglago ng mga huwaran sa gubat na may lumang-lago (sa pangunahing reserba), sekondaryang gubat (partikular sa mga sonang buffer kung saan naganap ang pagtrotroso noong dekada 1950), at mga gubat sa sonang transisyunal na naapektuhan ng pagminina at ibang ekonomikong aktibidad. Naitala ng mga siyentipiko sa reserba ang 435 espesye ng halamang baskular.[8]
Nakaranas ang reserba ng malaking pagkawask dulot ng ihip ng hangin noong mga unos ng 1995, at mga sunog-gubat noong 1998 at 2010, na nag-iwan ng mga 1,500 ektarya lamang ng malinis na lumang-lagong na katayuan. Kagubatan ang 86% ng teritoryo, na may Siberyanong pisea, Siberyanong abeto at abedul na nangingibabaw sa sekondaryang gubat.[2]
Tipikal sa mga Gitnang Ural na taiga ang buhay hayop: alse, lobo, oso, kuneho, kastor, marta, ermina, komadreha, musaraña at iba pang mga rodentia. Naitala ng mga siyentipiko sa reserba ang 48 espesye ng mga mamalya.[1] May 185 espesye ng mga ibon ang naitala, na 125 sa mga ito ang namumugad.[8]
Ekoedukasyon at pagpunta
baguhinBilang isang mahigpit na reserba ng kalikasan, sarado sa pangkalahatang publiko ang karamihan sa Reserba ng Visim, bagaman, maaring makipag-ugnayan sa namamahala ng parke para sa mga pagdalaw ang mga siyentipiko at ang mga may layuning 'edukasyon sa kapaligiran' . Nagtatayo ng tatlong ekoturistang ruta ang reserba, bagaman magbubukas iyon sa publiko, nangangailangan ito ng pahintulot na makukuha ng maaga. Makakapasok ng madali ang publiko sa mga sonang buffer at transisyon. Matatagpuan ang pangunahing tanggapan sa lungsod ng Kirovgrad.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Biosphere Reserve Visimskiy" (sa wikang Ingles). UESCO.RU. Nakuha noong Marso 21, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Visim Zapovednik (Official Site)" (sa wikang Ruso). Ministry of Natural Resources and Environment (Russia). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 13, 2016. Nakuha noong Enero 21, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Visim Zapovednik" (sa wikang Ruso). Ministry of Natural Resources and Environment (Russia). Nakuha noong Enero 21, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Map of Ecoregions 2017" (sa wikang Ingles). Resolve, using WWF data. Nakuha noong Setyembre 14, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kottek, M., J. Grieser, C. Beck, B. Rudolf, and F. Rubel, 2006. "World Map of Koppen-Geiger Climate Classification Updated" (PDF) (sa wikang Ingles). Gebrüder Borntraeger 2006. Nakuha noong Setyembre 14, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Dataset - Koppen climate classifications" (sa wikang Ingles). World Bank. Nakuha noong Setyembre 14, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Climate of Visim" (sa wikang Ingles). GloalSpecies.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-23. Nakuha noong Marso 10, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Visim Zapovednik" (sa wikang Ruso). Ministry of Natural Resources and Environment (Russia). Nakuha noong Marso 11, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)