Napakalaking sunog

(Idinirekta mula sa Sunog-gubat)

Ang napakalaking sunog[1] o wildfire (sa Ingles) ay isang hindi matabanan o makontrol na sunog o apoy na nagaganap sa kanayunan o sa kagubatan at kasukalan.[2][3] Batay sa uri ng mga halaman o behetasyon o panggatong, maaari ring gamitin ang mga pangalang sunog sa palumpungan, sunog sa kagubatan, sunog sa damuhan, sunog sa kaburulan, sunog sa kabundukan, sunog sa halamanan, sunog sa ulingan (pook na may mga nakabaong halamang nagagawang uling) o sunog sa kasukalan, upang ilarawan ang kaparehong kaganapan. Naiiba ang sunog sa gubat mula sa iba pang mga sunog sa pamamagitan ng sukat nito, ang bilis ng pagkalat nito mula sa talagang pinagmulan o pinanggalingan nito, ang kakayanan nitong magbago ng patutunguhan o pupuntahang hindi inaasahan at tumalon sa mga puwang o lumaktaw, katulad ng pagtalon sa mga lansangan, mga kailugan, at mga pook na walang apoy.[4] Nilalarawan ang mga sunog sa gubat sa pamamagitan ng kanilang mga katangiang pisikal katulad ng bilis ng pagpaparami, pagkalat, o propagasyon; ang umiiral na materyal na nagdiringas o nag-aapoy; ang epekto ng klima at panahon sa apoy; at ang sanhi ng pagsiklab o ignisyon.[5]

Isang sunog sa gubat na naganap noong Setyembre 2003.

Nangyayari ang mga sunog sa kagubatan sa lahat ng mga kontinente maliban na lamang sa Antartika. Naglalaman ang mga rekord o tala sa kusilba o posil at kasaysayan ng tao ng mga salaysay ukol sa mga sunog sa gubat, na maaaring paulit-ulit na mga pangyayari.[6][7] Nakapagdurulot ang mga sunog sa gubat ng malaki o malawak na kapinsalaan, kapwa sa mga ari-arian at buhay ng tao, ngunit mayroon din silang sari-saring mga epektong nakabubuti sa mga pook na magubat o masukal. Ilan sa mga uri ng halaman ang nakasalalay o nakadepende sa mga epekto ng sunog upang lumaki, lumago, at makapagparami (reproduksiyon),[6] bagaman maaaring magkaroon ng mga epektong ekolohikal ang malalaking mga sunog sa gubat.[5]

Naging sari-sari ang mga estratehiya sa pag-iwas, pagpuna, at pagpigil ng sunog sa gubat sa paglipas ng mga taon, at hinihikayat ng mga dalubhasa sa pandaigdigang pamamahala ng sunog sa gubat ang pagpapaunlad pa ng teknolohiya at pananaliksik.[8] Maaaring magpahintulot o maging manghikayat ng mas maliliit na mga sunog sa ilang rehiyon ang pangkasalukuyang mga kaparaanan o mga teknika, upang mapaliit o matanggal ang mga pinagmumulan ng mga materyal na maaaring mag-apoy na maaring umunlad upang maging sunog sa gubat.[9][10] Habang nasusunog ang ilang mga sunog sa gubat sa malalayong mga rehiyong magubat, nakasasanhi ang mga ito ng malaki at malawak na pagkasira ng mga tahanan at iba pang mga pag-aaring nakalagay sa hangganan ng kagubatan o kanayunan at kalunsuran: isang sona ng pagpapalit o pagbabago sa pagitan ng mga pook na maunlad at hindi pa napapaunlad na mga kasukalan.[9][11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. LingvoSoft Online Dictionary - "napakalaking sunog" bilang salin ng wildfire
  2. Federal Fire and Aviation Operations Action Plan, 4.
  3. Wildfire, Cambridge University Press, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-13, nakuha noong 2009-07-14{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-08-13 sa Wayback Machine.
  4. The Science of Wildland fire, National Interagency Fire Center, inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-05, nakuha noong 2008-11-21{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 M.D. Flannigan; B.D. Amiro; K.A. Logan; B.J. Stocks; B.M. Wotton (2005), "Forest Fires and Climate Change in the 21st century" (PDF), Mitigation and Adaptation Strategies for Global Change, 11: 847, doi:10.1007/s11027-005-9020-7, inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-02-26, nakuha noong 2009-06-26{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-02-26 sa Wayback Machine.
  6. 6.0 6.1 Stephen J. Pyne, How Plants Use Fire (And Are Used By It), NOVA online, nakuha noong 2009-06-30{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Krock, Lexi (Hunyo 2002), The World on Fire, NOVA online (PBS), nakuha noong 2009-07-13{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. International Experts Study Ways to Fight Wildfires, VOA News, 2009-06-24, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-25, nakuha noong 2009-07-09{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Interagency Strategy for the Implementation of the Federal Wildland Fire Policy, entire text
  10. National Wildfire Coordinating Group Communicator's Guide For Wildland Fire Management, buong teksto
  11. Wildfires in Canada, Government of Canada, 2009-02-04, inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-02, nakuha noong 2009-07-09{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-03-02 sa Wayback Machine.