Ricardo Brillantes

Si Ricardo Brillantes (1912 – 1961) ay isang artistang Pilipino. Siya ay nagsimulang sa pelikula bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isinilang noong 1912 una siyang lumabas sa Liwayway Pictures para sa pelikulang ang tema ay tungkol sa digmaan ay ang Mutya ng Katipunan na nasundan din ng isa pang pelikula ang Tawag ng Bayan na siya ring produksiyon ng pelikula.

Ginawa niya ang Bisig ng Batas ng McLaurin Bros at Tayug (Ang Bayang Api) ng Pedro Vera Pictures. Lakambini ang huli niyang pelikula bago magliberasyon.

Taong 1947 ng magbalik pelikula siya at nakagawa ng isang pelikula sa bakuran ng Sampaguita Pictures ang Maria Kapra at di siya nakagawa ng kahit isang pelikula sa LVN Pictures ngunit kinuha ng isnag beses ang kanyang serbisyo ng Premiere Production ng gawin niya ang Labi ng Bataan.

Bisig ng Manggagawa ni Leopoldo Salcedo ang huling pelikulang kanyang ginawa.

Pelikula

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.