Si Robert Campos (1940 – 8 Hulyo 2015) ay isang artistang Pilipino na matangkad at tinaguriang Matinee Idol na mula sa bakuran ng LVN Pictures. Si Robert ang butihing asawa ng isa pang aktres sa LVN na si Luz Valdez. Isinilang noong 1940, Rose Tattoo ng Buhay Ko ang unang pelikula niya na unang pelikula rin ni Diomedes Maturan na kapapanalo pa lamang noon sa Tawag ng Tanghalan.

Robert Campos
Kapanganakan1940
Kamatayan8 Hulyo 2015[1]
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng San Beda
Trabahoartista

Sa pelikulang Combo Festival kapareha niya ang kanyang kabiyak na si Luz. Malimit din niyang makatambal sina Lourdes Medel at Marita Zobel na pawang taga-LVN. Naging lead star siya sa pelikulang Malditong Banal ng Dalisay Pictures.

Nang ang LVN ay magsara, lumipat siya sa Sampaguita Pictures at gumawa ng ilang pelikula.

Pelikula

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. http://entertainment.inquirer.net/173896/actor-robert-campos-succumbs-to-cancer-75.