Rodolfo Cabonce
Si Rodolfo Cabonce (27 Agosto 1906–?) ay isang Pilipinong linggwista, guro, at paring Katolikong Romano.
Rodolfo Cabonce | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Agosto 1906 |
Kamatayan | 1983[1] |
Trabaho | leksikograpo, paring Katoliko |
Ipinanganak si Cabonce sa Cabadbaran. Pumasok siya sa nobisyadong Heswita noong 27 Mayo 1925 at ginawang pari sa Roma noong 25 Hulyo 1938. Nagturo siya sa Ateneo de Manila mula 1932 hanggang 1935. Nanungkulan siya bilang kapelyan sa Ospital Heneral ng Pilipinas sa Lungsod ng Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa Manolo Fortich at Cagayan de Oro isinulat ni Cabonce ang kaniyang dalawang diksiyonaryo: isang Sugboanon–Ingles (1955) at isang Inggles–Sugboanon (1983). Inilipas niya ang kaniyang mga huling taon sa Baranggay Carmen, Cagayan de Oro.
Mga sanggunian
baguhin- Cabonce, Rodolfo. 2007. English–Cebuano Visayan Dictionary, An. National Bookstore: Mandaluyong.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.