Si Rogelio González Garza Gámez (ipinanganak Hulyo 15, 1980 sa Monterrey), na kilala rin bilang Roger González ay isang aktor, tagapag-presenta sa telebisyon at mang-aawit sa Mehiko.

Talambuhay

baguhin

Si Gonzalez ay ipinanganak sa Mehiko noong 1986. Ang kanyang ina ay isang musikera (na naglalaro ng piano, akordyon at gitara) habang isang arkitekto naman ang kanyang ama[1]. Nag-simula ang kanyang karera sa edad na 11 na kasama sa ibang advertising[2]. Noong 1996 ay pumasok siya sa isang instituto sa Monterrey upang mag-aral ng Pang-agham na Komunikasyon at nilikha niya ang unang radyo ng ganoong anyong kasama ang kanyang programang "Cuadro por Cuadro". Makalipas ng isang taong pagtagal niya roon, siya ay nasa pormatang pang-radyo na Exa FM na isang programang pang-umaga at nagbalak ng isang konsyerto na tanging para sa Exa lang na may humigit 25,000 katao sa awditoryo ng Coca-Cola[3] sa Monterrey.

Noong buwan ng Hunyo 2001, siya ay tinawag upang magsa-prisinta sa programang "En Boga" (Sa Kantanyagan; Ingles: In Vogue) ng TVNL[4], kung saan ay naging tagapag-panayam siya ng mga kilalang personalidad. Nang matapos ang mismong programa, tinawag siya ng Televisa at naging panauhin siya sa ibang mga programang pambata. Noong Marso 2002 ay nilisan niya ang Exa FM at naging kasama siya sa Grupo Radyo Mehikano. Noong taong din iyon ay sinimulan niyang pag-bidahan ang programang "Zapping Zone" sa Disney Channel Latinoamerica at ang kanyang anyo ay ipinalabas sa buong Amerika Latina.[5]

Sanggunian

baguhin
  1. Roger, presentador de Zapping Zone (naka-tago)
  2. "Roger Gonzalez". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-02. Nakuha noong 2014-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mula sa Geocities (naka-tago)
  4. "Roger Gonzalez, Marso 29, 2013". Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2015. Nakuha noong Hulyo 28, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Hacen "zapping" con la fama

Kawing Panlabas

baguhin

Roger González sa Twitter

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mehiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.