Sa Kabataang Pilipino
Ang A la juventud filipina o Sa Kabataang Pilipino ay isang tula na orihinal na nakasulat sa wikang Kastila at sinulat ni Pilipinong manunulat na si José Rizal. Una na niya itong tinula noong 1879 sa Maynila habang nag-aaral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas.
May-akda | José Rizal |
---|---|
Orihinal na pamagat | A la juventud filipina |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Kastila |
Dyanra | Tula |
Tagapaglathala | Liseo ng Maynila ng Sining at Panitikan |
Petsa ng paglathala | 1879 |
Uri ng midya | Imprenta |
Sinulat ang A la juventud filipina ni Rizal noong siya ay labing-walong gulang pa lamang,[1] at kanyang inalay para sa mga kabataang Pilipino na kanyang isinilarawan bilang "pag-asa ng bayan."[2].
Buod
baguhinPinuri ni Rizal sa tula ang mga pakinabang na nakukuha ng Pilipinas mula sa Espanya. Madalas niyang isalarawan ang mga bantog na Kastilang manggagalugad, heneral at hari bilang makabayan. Isinalarawan din niya ang edukasyon na dinala ng Espanya sa Pilipinas bilang "ang hininga ng buhay na nagtatanim ng kaakit-akit na kabutihan." Sinabi rin niya sa tula na ang isa sa kanyang mga Kastilang guro ay nagdala ng "ilaw ng walang-hanggang kaluwalhatian."
Ang pangunahing tuon ng tula ay ang mga kabataang Pilipino, na ang kanilang taglay na "kahanga-hanga katalinuhan" na ginagamit ang edukasyon upang buuin ang hinaharap. Sila ang "Bella esperanza de la Patria Mia" (magandang pag-asa ng inang bayan).
Mga impluwensiya
baguhinMay mga katawagang panitikan na may katangian ng mga gawa ni José de Espronceda ang makikita sa tula, tulad ng “tersa frente” o "amante anhelo" na orihinal na lumabas sa "Canto II a Teresa" ng Espronceda.[3]
Mga parangal
baguhinTinula ang A la juventud filipina noong 1879 sa Manila sa isang patimpalak pampanitkan na ginanap saLiceo Artistico Literario de Manila (Liseo ng Maynila ng Sining at Panitikan),[4] isang lipunan ng mga alagad ng sining at panitikan, kung saan nanalo si Rizal ng unang premyo na binubuo ng isang hugis-balahibong panulat na pilak[2][4] at isang diploma.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Philippine History Module-based Learning I' 2002 Ed (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. p. 124. ISBN 9789712334498. Nakuha noong 1 Setyembre 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Purino, Anacoreta P. (2008). Rizal, The Greatest Filipino Hero (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. p. 28. ISBN 9789712351280. Nakuha noong 1 Setyembre 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yndurain, D., Análisis formal de la poesía de Espronceda, Taurus, Madrid, 1971.
- ↑ 4.0 4.1 Rizal & the Dev. Of National Consciousness (sa wikang Ingles). Goodwill Trading Co., Inc. p. 52. ISBN 9789715741033. Nakuha noong 1 Setyembre 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)