Sabak ng Lupanlunti

Ang Sabak ng Lupanlunti, o kilala rin sa tawag na Malawak na Sabak ng Lupanlunti, ay ang pansamantalang pangalan ng isang sabak kung saan naitala ang haba at natuklasan sa ilalim ng makapal na yelo ng Lupanlunti ayon sa anunsiyo ng isang talaarawan nangangalang Science noong 30 Agosto 2013 (naisumite 29 Agosto 2013), sa pamamagitan ng mga siyentipiko galing Unibersidad ng Bristol, Unibersidad ng Calgary at Unibersidad ng Urbino na inilarawan na isang Mega-canyon.[1][2][3]

Animado ng sabak

Ang mga datos ng radar ng mga yelong mahayap (ice-penetrating radar) ay tinipon ng NASA sa panahon ng Operation IceBridge, na nagpakita ng isang napakalaking kanyon na subglacial,[4] tumatakbo ito sa gitnang rehiyon ng isla pahilaga papuntang Karagatang Artiko, hanggang sa fjord ng Petermann Glacier, ang sabak ay malamang mayroong naiimpluwensiyahan ng saligan ng pagtulo ng tubig mula sa panloob ng ilalim ng yelo hanggang sa puwang sa paligid (margin). Ani ni Jonathan Bamber, isang Geolohista sa Unibersidad ng Bristol, "The distinctive V-shaped walls and flat bottom suggests water carved the buried valley, not ice."[4]

Ito ay mahigit sa 750 kilometro (466 mi) haba, at 800 metro (2,600 tal) lalim na may 10 kilometro (6 mi) lapad, kaya ito itinuturing na pinakamahabang sabak na natuklasan sa Daigdig sa kasalukuyan.[5]

Tinatantiya na ang sabak ay humigit kumulang 4 milyon taong gulang, o maaaring mas matanda pa.[5][6][7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Beneath Greenland's ice, a grand canyon". CNN. Nakuha noong 30 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Scientists Discover a Mega-Canyon Beneath the Melting Ice Sheets of Greenland". TIME. 30 Agosto 2013. Nakuha noong 30 Agosto 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jonathan L. Bamber, Martin J. Siegert, Jennifer A. Griggs, Shawn J. Marshall, and Giorgio Spada, "Paleofluvial Mega-Canyon Beneath the Central Greenland Ice Sheet", Science, 30 Agosto 2013, Vol. 341 no. 6149, pp. 997-999. doi:10.1126/science.1239794
  4. 4.0 4.1 Oskin, Becky, 'Grand Canyon of Greenland' discovered under ice sheet, NBC News, 29 Agosto 2013
  5. 5.0 5.1 Oskin, Becky. ""Grand Canyon of Greenland Discovered under Ice"". News.discovery.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-11. Nakuha noong 2 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Greenland's Mega Canyon (narrated video)". NASA. 29 Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2016. Nakuha noong 30 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Canyon longer than Grand Canyon found buried under Greenland ice sheet". The Daily Telegraph. 30 Agosto 2013. Nakuha noong 30 Agosto 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)