Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas
Ang Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas ay isang sagisag na nagsisimbulo sa kasaysayan at dignidad ng Pangulo ng Pilipinas. Ang orihinal na disenyon nito ay nilikha ni Kapitan Galo B. Ocampo, Kalihim ng Philippine Heraldry Committee at ang ibang elemento nito ay inihalintulad sa Sagisag ng Pangulo ng Estados Unidos[1]. Una itong ginamit ni Manuel Roxas noong 1947.
Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas | |
---|---|
Details | |
Armiger | Pangulo ng Pilipinas |
Adopted | 1947 (kasalukuyang itsura, 2004) |
Escutcheon | Isang bughaw na bilog na kalasag at sa gitna ay may dilaw na araw na may walong sinag. Sa ibabaw ng araw ay isang pulang tatsulok. Sa loob nito ay ay ang tradisyonal na leon-dagat (Ultramar) na mula sa Sagisag na binigay ng mga Kastila sa Lungsod ng Maynila noong 1596, naka handa-sandata at may espada sa kanyang kanang kamay. Sa bawat sulok ng tatsulok ay mayroong dilaw na bituwin na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao. |
Other elements | Ang kabuuang sagisag ay napapabilugan ng mga bituwin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa dami ng mga lalawigan ng Pilipinas. |
Use | Sa mga dokumento mula sa Pangulo para sa mga kabahagi ng pamahalaan, at ginagamit bilang sagisag para sa mga sasakyan, podyum at iba pa ng Pangulo. |
Ebolusyon ng Sagisag
baguhin-
Ang 1969 bersyon ng Sagisag. Ang nakatalang teksto na nakapalibot sa sagisag na nasa Wikang Ingles ay sinalin sa Wikang Filipino at ginawang "script font" sa hindi masabing panahon mula 1965 hanggang 1969.
-
Noong 1981, ang sagisag ay binago; ang tatsulok ay binaligtad at ang leon-dagat ay pinalitan ng agila.
-
Noong 1986, ibinalik ang orihinal na disenyo ng sagisag noong panahon ng pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino. Ang teksto na nakapalibot ay ginawang "serif font".
Ang bersyon na ito ay ginamit hanggang 2004. -
Ang kasalukuyang bersyon, ayon sa
Executive Order № 310.
Tignan din
baguhinAng Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:
Referensyon
baguhin- ↑ Executive Order No. 310, Manuel L. Quezon III, May 29, 2005
Kawing panlabas
baguhin- The Presidential Seal
- Full text of Executive Order No. 310 of 2004 Naka-arkibo 2010-07-04 sa Wayback Machine.
- Philippines: President and Vice President
- A presentation box with the Presidential Seal, circa 1969: "This seal predates the (1981) change in the presidential seal ordered by Ferdinand Marcos during his tenure as president."[patay na link]