Ensalada

hinalong pagkain na inihahain nang malamig o temperaturang-silid
(Idinirekta mula sa Salad)

Ang ensalada[1] ay isang putahe na binubuo ng mga samu't saring sangkap, kadalasan mga gulay. Tipikal na inihahain ang mga ito nang malamig o sa temperaturang-silid, ngunit maaaring ihain ang ilan nang mainit-init. Karaniwang nagpapasarap sa mga ensalada ang mga kondimento at panimpla (o dressing) na may iba't ibang lasa.

Ensalada
Ensaladang pako na may kamatis, sibuyas, at itlog na maalat
Pangunahing SangkapMga pira-piraso ng gulay, prutas, karne, itlog, o grano na may halong sarsa.

Pinagsasaligan ng mga ensaladang mahardin ang mga gulay na dahon tulad ng letsugas, arugula, kale o espinaka; napakakomun ang mga ito na kadalasang tumutukoy ang salitang ensalada sa mga mahaharding ensalada. Kabilang sa mga iba pang uri ng ensalada ang ensaladang bins, ensaladang tulingan, ensaladang tinapay (tulad ng fattoush, panzanella), ensaladang gulay na walang gulay na dahon (tulad ng ensaladang Griyego, ensaladang patatas, coleslaw), ensaladang de-bigas, de-pasta, at de-pansit, ensaladang prutas at panghimagas.

Maaaring ihain ang mga salad sa anumang oras habang kumakain:

  • Ensaladang pampagana – mga magaan at maliit na ensalada na inihahain bilang unang kurso ng kainan
  • Ensaladang pamutat – pampasabay sa ulam bilang pamutat; kabilang dito ang ensaladang patatas at coleslaw
  • Ensaladang pang-ulam – kadalasang nilalaman ng isang porsiyon o higit pang mga pagkain na mataas sa protina, tulad ng itlog, legumbre, o keso
  • Ensaladang panghimagas – matatamis na ensalada na nilalaman ng mga prutas, helatina, pampatamis o binating krema

Kapag nagpapalasa ang sarsa sa ensalada, karaniwan itong tinatawag na panimpla o dressing; karamihan ng mga panimpla ay nakasalig sa halo ng langis at suka o makremang deyri.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.