Sandatahang Lakas ng Pilipinas

(Idinirekta mula sa Sandatahang-Lakas ng Pilipinas)

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Wikang Ingles: Armed Forces of the Philippines; Wikang Kastila: Fuerzas Armadas de las Filipinas) ay ang mga nagtatanggol sa bansa laban sa dayuhang mananakop, mga taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa at sila ang tumutulong sa mga tao sa oras ng sakuna. na| itinatag nuong Disyembre 21, 1935 sa bisa ng National Defense Act ng Komonwelt ng Pilipinas at ika-49 sa mga pinakamalalakas na Sandatahan sa Buong Mundo na may puwesang 220,000 at 430,000 mga reserbang hukbo. ang sandatahang lakas ng pilipinas ay isang boluntaryong serbisyo.

Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Armed Forces of the Philippines
Fuerzas Armadas de las Filipinas

Bandila ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Ang Sagisag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Itinatag 21 Disyembre 1935; 88 taon na'ng nakalipas (1935-12-21)
Mga sangay na palingkuran Hukbong Katihan ng Pilipinas
Hukbong Himpapawid ng Pilipinas
Tanod Baybayin ng Pilipinas
Hukbong Dagat ng Pilipinas
Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas
Punong himpilan Kampo Heneral Emilio Aguinaldo, Lungsod ng Quezon
Leadership
Pinuno ng Sandatahan Pangulong Bongbong Marcos
Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa Carlito G. Galvez Jr.
Hepe ng Sandatahan Hen. Andres C. Centino, PA
Militar na gulang 18–56 taong gulang
Sapilitang pagpapasundalo Hindi Puwersahan, Puwedeng Piliin ang ROTC
Maari na sa
serbisyong militar
25,614,135 (2010 est.) lalaki, edad 15–49,
25,035,061 (2010 est.) babae, edad 15–49
Angkop para sa
serbisyong militar
20,142,940 (2010 est.) lalaki, edad 15–49,
2,427,792 (2010 est.) babae, edad 15–49
Aktibong tauhan 224,915
Nakaresebang tauhan 420,000
Mga gastusin
Badyet US$3 bilyon/₱ P130.6 bilyon
(2017 Pambansang Badyet)

Badyet ng Modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
US$23 Bilyon (Hanggang Taong 2028)

Bahagdan ng GDP 1.29% (2015-2016 Badyet ng Pilipinas)
Industriya
Domestikong tagatustos Pagawaan ng Punglo at Sandata (Government Arsenal)
Steelcraft Industrial and Development Corp.
Floro International Corporation
United Defense Manufacturing Corporation
Ferfrans
Armscor (Philippines)
Joavi Philippines Corp.
Banyagang tagatustos  Australia
 Brasil
 Bulgaria
 Canada
 Tsina
 Pransiya
 Alemanya
 Indiya
 Indonesya
 Israel
 Italya
 Hapon
 Timog Korea
 Netherlands
 Poland
 Rusya
 Singapore
 Timog Aprika
 Sweden
 Taiwan
 Reyno Unido
 Estados Unidos
Mga kaugnay na artikulo
Kasaysayan Himagsikang Pilipino
Digmaang Kastila-Amerikano
Digmaang Pilipino-Amerikano
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Digmaang Korea
Communist Insurgencies
Digmaang Vietnam
Islamic Insurgencies
Gulf War
1989 Coup d' Etat
United Nations Peacekeeping
Operation Enduring Freedom
Kampanya Laban sa MILF 2000
Digmaang Iraq
Pagtatangkang Oakwood
Pagtatangka Sa Manila Peninsula
Away Sa Kalayaan Island Group
2012 Scarborough Shoal standoff
Krisis Sa Zamboanga
Operation Darkhorse
Labanan Sa Butig 2016
Digmaan Kontra Droga
Krisis sa Lungsod ng Marawi

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Wikang Ingles: Armed Forces of the Philippines; Wikang Kastila: Fuerzas Armadas de las Filipinas) ay ang mga magtatanggol sa bansa laban sa dayuhang mananakop, mga taong nais mang-agaw ng kapangyarihan ng bansa at sila ang tumutulong sa mga tao sa oras ng sakuna. na itinatag nuong Disyembre 21, 1935 sa bisa ng National Defense Act ng Komonwelt ng Pilipinas at ika-49 sa mga pinakamalalakas na Sandatahan sa Buong Mundo na may puwesang 220,000 at 430,000 mga reserbang hukbo. ang sandatahang lakas ng pilipinas ay isang boluntaryong serbisyo.

Kasaysayan

baguhin

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nagumpisa noong 1897 nang nilikha ng pamahalaang himagsikan ang Hukbong Katihan sa ilalim ni Heneral Artemio Ricarte. Linikha ang hukbo upang ipagpatuloy ang paghimagsik ng Katipunan laban sa mga Kastila. Ipinagpatuloy din ng hukbo ang laban sa mga Amerkano noong Digmaang Pilipino-Amerikano.

Pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano, ang sandatahang lakas ay isinaayos sa ilalim ng National Defense Act na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas noong 1935. Linikha ng batas na iyon ang isang bagong Hukbong Katihan na may Bantay- Dagat at Panghimpapawid.

Ang Sandatahang Lakas na kilala ngayon ay nilikha noon Dec. 23, 1950. Ito ay nangingibabaw sa isang hukbong katihan, hukbong himpapawid, hukbong dagat at ang hukbong kawal pandagat at pati na din ang tanod baybayin ng Pilipinas.

Organisasyon

baguhin

Pamunuan

baguhin

Ang Sandatahang Lakas ay pinamumunuan ng isang Chief of Staff na hinihirang ng Pangulo ng Pilipinas, na ginawaran ng batas ng kapangyarihan na pumili kung sino ang mamuno sa Sandatang Lakas, maging siya's heneral o tenyente. Ngunit kinaugalian na ng mga pangulo ng Pilipinas na pumili ng chief of staff mula sa grupo ng mga heneral na may pinakamatagal na karanasan sa militar. Nakikipagugnay ang Chief of Staff sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa sa pagpapatupad ng mga utos ng Pangulo. Ang chief of staff ang katumbas ng Chairman of the Joint Chiefs of Staff ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos.

Sa ilalim ng chief of staff ay isang Vice Chief of Staff na humahalinhin sa kanya kung siya ay liban o hindi magampanan ang kanyang mga tungkulin.

Pinamumunuan

baguhin

Kalihim ng Tanggulang Pambansa - Kalihim Delfin N. Lorenzana

baguhin

Hepe ng Sandatahang Lakas - Tenyente Heneral Jose Faustino

Pangkalahatang Punong Himpilan

baguhin

Ang chief of staff ay tinutulungan ng isang Deputy Chief of Staff na nagpapaganap ng kanyang mga utos sa pamamagitan ng Command Center na binubuo ng mga kinatawan ng Hukbong Katihan, Hukbong Himpapawid at Hukbong Dagat. Ang Deputy Chief of Staff din ang namamahala ng Pinagkaisang Lupong Tagapagugnay (o Joint Coordinating Staff) na mayroon din sariling lupon. Ang Deputy Chief of Staff din ang namamahala sa iba pang lupong teknikal o administratibo na binuo ng chief of staff sa ilalalim ng Punong Himpilan (o General Headquarters) sa Kampo Aguinaldo sa Lungsod Quezon, katulad ng Special Operations Training Center.

Lupong personal

baguhin

Maliban sa mga lupon sa ilalim ng Punong Himpilan, mayroon ding personal na lupon ang chief of staff na binubuo ng pitong tanggapan na tumutulong sa pagpapatupad ng kanyang mga tungkuling administratibo at sa operasyong militar. Kabilang dito ang Inspektor Heneral, Sarhento Mayor at iba pang tanggapan na namamahala sa panagutang pampubliko, sa relasyon ng sandatahan sa Kongeso ng Pilipinas, sa pamamahala ng mag pagaari, impormasyong pangmadla at mga stratehiko at iba pang aralin.

Natatanging lupon

baguhin

Meron ding natatanging lupon and Chief of Staff na tumutulong magpatupad ng kanyang mga tungkuling administratibo. Ito ay binubuo ng labing-apat na tanggapan na kabilang ang Adyutante Heneral, Judge Advocate General, Provost Marshall General, punong chaplain, punong inhinyero, mamamahala ng pananalapi, Quartermaster General, Surgeon General, punong dentista, punong nars at mga tanggapan na namamahala ng mga lupain, benepisyong pagaaral, natatanging serbisyoo at ng programang pang-modernisasyon.

Mga yunit serbisyo ng buong sandatahan

baguhin

May mga yunit na itinalaga para tugunan ang mga serbisyo at adya na kailangan ng iba't ibang yunit ng Sandatahang Lakas. Kabilang dito ang Komand ng Serbisyo sa Pangkalahatang Punong Himpilan, Serbisyong Intelihensya, Serbisyong Komisaryo, Serbisyo para sa Komunikasyong Elektroniko at Sistemang Pangimpormasyon, Komand Lohistiko, Sentrong Panggamot, Serbisyong Ugnayang Sibil, Kuerpo ng Lupong Heneral, Komand Reserba, Sentrong Pananalapi, Grupong Seguridad ng Panguluhan at Akademya Militar ng Pilipinas.

Ang Tatlong Pangunahing Sangay

baguhin

Ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay binbuo ng mga sumusunod na sangay: Ang Hukbong Katihan, ang Hukbong Dagat(Sangay: Hukbong Kawal Pandagat, Tanod Baybayin) at Hukbong Panghimpapawid.

Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army)

baguhin

Ang Hukbong Katihan ay ang pangunahing puwersang panlupa ng Hukbong Sandatahan. Ito ay nahahati sa sampung Light Infantry Division, isang Light Armor Division, isang Special Operations Division, limang Engineering Battalion, isang Artillery Regiment (nagsisilbi sa AFP Headquarters sa Kampo Aguinaldo), ang Presidential Security Group (PSG), at tatlong Light-Reaction Companies. Nasa ilalim din nito ang Philippine Scout Rangers.

Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy)

baguhin

Ang Hukbong Dagat ay ang pangunahing pwersang pandagat ng Hukbong Sandatahan. Ito ay nahahati sa dalawa pang sangay: ang Philippine Fleet at ang Philippine Marine Corps.

Philippine Fleet

baguhin

Ang Philippine Fleet ay ang pangunahing plotang pandagat ng Hukbong Pandagat. Meron itong apat na yunit: ang Ready Force, ang Assault Craft Force, ang Patrol Force at ang Service Force.

Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas (Philippine Marine Corps)

baguhin

Ang Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas o Philippine Marine Corps, PMC ay ang pangunahing amphibious force ng Hukbong Sandatahan. Sila ang namamahala sa paglusob mula sa dagat patungo sa baybayin.

Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Philippine Air-Force)

baguhin

Ito ang pangunahing pwersang panghimpapawid ng Hukbong Sandatahan na dumadaan ngayon sa modernisasyon upang mapatibay ang himpapawid ng bansa at higit sa lahat maging produktibo sa pag-atake sa kalaban kalahi man o dayuhan.

Tanod Baybayin ng Pilipinas (Philippine Coast Guard)

baguhin

ay isang ahensiya ng pamahalaan na itinatag sa ilalim ng Pangasiwaan ng Transportasyon at Komunikasyon para tagapagpatupad ng batas sa baybaying karagatan ng Pilipinas. katuwang sa malawakang pagpapatupad ng batas sa karagatan sa bansa, laban sa mga nagpupuslit ng mga pinagbabawal na bagay, iligal na pangingisda, pagpupuslit ng mga pinagbabawal na gamot at pamimirata.

Pinagkaisang Lupong Tagapagugnay

baguhin

Sa pamamagitan ng Command Center, nakikipagugnay ang pamunuan ng Sandatahang Lakas sa mga yunit sa ibang dako ng bansa sa pamamagitan ng Pinagkaisang Lupong Tagapag-ugnay na binubuo ng Deputy Chief of Staff para sa tauhan for Personnel (J1), Deputy Chief of Staff para sa intelihensya (J2), Deputy Chief of Staff para sa operasyon (J3), Deputy Chief of Staff para sa lohistika (J4), Deputy Chief of Staff para sa mga plano (J5), Deputy Chief of Staff para sa komunikasyong elektroniko at sistemang pangimpormasyon (J6) at Deputy Chief of Staff para sa mga usaping reserbista (J7).

Mga Pinagkaisang Komand

baguhin

Komand ng Hilagang Luzon(NOLCOM)

baguhin

Komand ng Katimugang Luzon(SOLCOM)

Komand ng Sentral(CENTCOM)

Komand ng Kanluran(WESCOM)

Komand ng Silangang Mindanao(EASTMINCOM)

Komand ng Kanlurang Mindanao(WESTMINCOM)

Tauhan

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin