Sangley
Ang Sangley (Sangley mestizo, mestisong Sangley, mestizo de Sangley o mestisong Intsik) ay isang lipas nang katawagan na ginagamit sa Pilipinas simula noong panahon ng mga Kastila upang isalarawan at iuri ang mga Tsino at Tsinong may lahing Pilipino (tinuturing ang huli bilang Indio).[2]
Kabuuang populasyon | |
---|---|
18,000,000–27,000,000 18–27% ng populasyon (sang-ayon sa sensus ng 2015)[1] | |
Wika | |
Tagalog, mga wikang Bisaya,, Hokkien, Pilipinong Ingles at ibang mga wika sa Pilipinas |
Pumasok ang mga Tsino sa Pilipinas bilang mga mangangalakal bago ang kolonisasyon ng mga Kastila. Sa pagpasok nila, nadagdag ang ilang oportunidad sa trabaho at negosyo. Marami ang dumayo sa Pilipinas, na itinatatag ang pinagtipong pamayanan sa Maynila noong una tapos sa ibang mga lungsod.
Ibang katawagan na tumutukoy sa mga Tsino o sa mga Tsino na may lahing Pilipino:
- Intsik (hinango mula sa Hokkien na katawagang "in-chek" na nangangahulang "kanyang tiyuhin") ay likas na katawagan para sa mga Tsino sa pangkalahatan.
- Chinoy o Tsinoy (mula sa salitang Kastila na Chino, at ang salitang Pinoy) ay kasalukuyang katawagan na ginagamit ng ilan upang tukuyin ang isang tao na ipinanganak sa Pilipinas na mula sa Tsina o Pilipinong may lahing Tsino.
- Chino o Tsino ay isang katawagan na hinango mula sa Kastila na nangangahulagang na tao mula sa Tsina.
Etimolohiya
baguhinAng Sangley ay ang romanisasyon ng salitang "生理" mula sa Kantones na "sang1 lei5" o sa Pilipinong Hokkien na "sng-lí" na kinuha mula sa Boxer Codex Dasmariñas na tala para sa Hari ng Espanya, na naglalaman din ng marahil na pinakamaagang romanisasayon ng Hapon bilang "Iapon." Literal na na nangangahulugang "mangangalakal na manlalakbay" o "madalas na bisita" amg Sangley.[3]
Ang karamihan sa mga Tsinong peregrino, mangangalakal, at naninirahan sa Pilipinas ay kadalasang mula sa katimugang Fujian at nagsasalita ng Hokkien, na iniiwan ang isang marka sa kalinangang Pilipino (lalo na ang lutuin). Bagaman literal na nangagahulugan ang mestizo de sangley bilang "pinaghalong-lahi (ng tao) sa negosyo," ipinapahiwatig nito ang isang halong-lahi (na tao) ng Tsino at katutubo/Indio (Pilipino) na pinagmulan" dahil marami sa maagang imigranteng Tsino ay mga mangangalakal at nakipaghalo sa lokal na populasyon. Sa labas ng Pilipinas, ang salitang Kastila na mestizo (na wala ang katagang de sangley) ay karaniwang ginagamit para tukuyin ang mga taong may magkahalo lahing Europeo at hindi Europeo, ngunit ang mababang bilang ng mestisong Europeo sa Pilipinas ay ginawa ang katawagang mestizo na nagbibigay kahulugan bilang mestizo de sangley. Halimbawa, ginamit ito ni Benito Legarda ang depenisyon na ito nang nakipag-usap siya sa Pilipinong Komisyon sa Estados Unidos (1899–1900), binabanggit ang Diccionario de filipinismos (1921) ni Wenceslao Retana.[4] Ginagamit din ang katawagang chino mestizo bilang kapalit sa mestizo de sangley.
Noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo sa Kastilang Pilipinas, ipinagkakaiba ng katawagang mestizo de sangley ang etnikong Tsino mula sa ibang uri ng mestiso sa isla (tulad ng halong lahing Indio at Kastila, na mababa lang ang bilang. Ginawa ng kanilang pagka-Indio (pangkalahatan sa panig ng ina) ng mga Tsinong mestiso na maging legal na kolonyal na nasasakupan ng Espanya, na may ilang karapatan at pribilehiyo na hindi binibigay sa mga purong imigranteng Tsino (sangley).
Ngayon, Tsinoy (mula sa salitang Tsino o Chino sa Kastila, at ang salitang "Pinoy") ay malawak na ginagamit upang isalarawan ang isang Sangley, isang tao na may kaparehong katangian sa isang katutubong Tsino, isang tao na ipinanganak sa lahing Tsino o halong Pilipino at Tsinong lahi.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "The ethnic Chinese variable in domestic and foreign policies in Malaysia and Indonesia" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-11-01. Nakuha noong 2012-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chinese/Native intermarriage in Austronesian Asia" (sa wikang Ingles). colorq.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 24, 2010. Nakuha noong Enero 8, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ocampo, Ambeth R. (2020-08-19). "Reclaiming 'Intsik'". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Retana, Wenceslao Emilio (Testimony of Benito Legarda) (1921). Diccionario de filipinismos (sa wikang Ingles). New York and Paris: Report of Philippine Commission. p. 127.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)