Sangyaw
Ang Sangyaw ay isang pista na ginaganap tuwing Hunyo sa Lungsod ng Tacloban sa probinsiya ng Leyte sa Pilipinas.
Kasaysayan
baguhinItinatag ang Pista ng Sangyaw noong 1974 ni Imelda Marcos na noon ay Unang Ginang ng Pilipinas bilang pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang ng pista ng Tacloban.[1][2][3]
Ang salitang sangyaw ay nangangahulugan ng magpahayag o magbalita ng isang balita sa lokal na dayalekto. Ipinagdiriwang ang Pista ng Sangyaw dahil itinuring ng mga Waray na karapat-dapat na ipahayag o ipasa sa susunod na henerasyon ang paniniwala na ang rebulto ng Sto. Niño, ang santong patron ng Lungsod ng Tacloban, ay nakaligtas sa pagkawasak ng barko noong siglo 1880.[4]
Pagkatapos ng Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Inggles: People Power Revolution) ay nahinto ang pagdiriwang ng Sangyaw at pinalitan ng pagdiriwang ng Pintados-Kasadyaan.[2]
Noong 2008 ay binuhay ang Pista ng Sangyaw ni Alfred Romualdez na noon ay alkalde ng Lungsod ng Taloban. Kasama sa mga nagtanghal sa Sangyaw noong taong ito ang mga kinatawan mula sa Pista ng MassKara ng Lungsod ng Bacolod at Pista ng Sinulog ng Lungsod ng Cebu. Ang Sangyaw ay ang opisyal na pista ng lungsod.[5][2][3]
Mga pagdiriwang
baguhinKasama sa pagdiriwang ng Sangyaw ay ang Sangyaw Awards, ang mga pangkulturang palabas gabi-gabi, Sangyaw Music Festival, patimpalak ng kagandahan sa Miss Tacloban, ang Balik Tacloban Night, Sangyaw Ball, ang paghahanap sa Sangyaw Queen, at ang parada sa lansangan na tinawag na Parade of Lights.[6][7]
Parade of lights
baguhinGinaganap ang Sangyaw Parade of Lights mula takipsilim hanggang gabi ng Hunyo 29. Ito ay isang kompetisyon ng pagsayaw sa lansangan na nilalahukan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang paaralan, barangay at lokal na pamahalaan. Dito ay ipinapakita ng mga kalahok ang kanilang makasining na pagpapahayag ng kanilang debosyon sa Sto. Nino.[8][2][9]
Noong 2023 ay nagbigay ng PHP150,000 ang pamahalaan ng Lungsod ng Tacloban para subsidyo sa transportasyon, pagkain, at tirahan o akomodasyon ng mga kasali. Noong taon din iyon ay nagkamit ng PHP500,000 ang nanalong kampeon at PHP300,000 at PHP200,000 para sa mga kasunod na nanalo. Ang paghusga sa mga kalahok ay nakabatay sa tema, epekto ng mga pailaw, pagganap, pagkamalikhain, koreograpia at musikalidad sa parada.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Sangyaw Festival". Senate of the Philippines. Hulyo 5, 2011. Nakuha noong Hunyo 28, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Labro, Vicente S. (2012-07-06). "In Tacloban, a double treat of festivals". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 "SEN. BONGBONG: SANGYAW FESTIVAL PLACES TACLOBAN ON TOURIST MAP". Senate of the Philippines. Hulyo 5, 2011. Nakuha noong Hunyo 28, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Sangyaw Festival of Lights 2018". Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacanang. Hunyo 29, 2018. Nakuha noong Hunyo 28, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)[patay na link] - ↑ 5.0 5.1 Meniano, Sarwell (Hunyo 27, 2023). "All set for Tacloban's Sangyaw Festival 2023". Philippine News Agency. Nakuha noong Hunyo 28, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Desacada, Miriam Garcia. "Thousands enjoy Tacloban's Sangyaw Festival of Lights". Philstar.com. Nakuha noong 2024-06-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Desacada, Miriam Garcia. "At the 10th Sangyaw Festival Outstanding Taclobanons in culture, arts given awards". Philstar.com. Nakuha noong 2024-06-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Taclobanons reminisce sacred past at Sangyaw Festival, Parade of Lights 2023". Philippine Information Agency. 2023-07-01. Nakuha noong 2024-06-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Marticio, Marie Tonette (Hunyo 29, 2023). "Tacloban stages Sangyaw Festival Parade of Lights". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)