Sant'Ambrogio di Torino
Ang Sant'Ambrogio di Torino (Piamontes: Sant Ambreus) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 25 km sa kanluran ng Turin sa Lambak ng Susa.
Sant'Ambrogio di Torino | |
---|---|
Comune di Sant'Ambrogio di Torino | |
Sant'Ambrogio na kita mula sa Monte Musinè | |
Mga koordinado: 45°6′N 7°22′E / 45.100°N 7.367°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Kalakhang lungsod | Turin (TO) |
Mga frazione | Bertassi, San Pietro |
Pamahalaan | |
• Mayor | Antonella Domenica Falchero |
Lawak | |
• Kabuuan | 8.37 km2 (3.23 milya kuwadrado) |
Taas | 356 m (1,168 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 4,721 |
• Kapal | 560/km2 (1,500/milya kuwadrado) |
Demonym | Santambrogesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 10057 |
Kodigo sa pagpihit | 011 |
Santong Patron | San Juan ng Besate |
Saint day | Nobyembre 21 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Sant'Ambrogio di Torino ay may hangganan sa mga munisipalidad ng Caprie, Villar Dora, Chiusa di San Michele, Avigliana at Valgioie. Ang sinaunang libong-taong abadia ng Sacra di San Michele, na itinatag sa mga taon sa pagitan ng 983 at 987, ay matatagpuan sa loob ng munisipalidad sa tuktok ng Bundok Pirchiriano. Kasama sa mga tanawin ng bayan ang ilang toreng medyebal, ang ika-13 siglo na kastilyo at mga pader, isang Romanikong kampanilya mula noong ika-12 siglo, at mga labi ng ika-11 siglong simbahan ng San Pietro.
Kultura
baguhinMga makasaysayang dokumento
baguhinAng Sinupang Pangkasaysayan ng Munisipalidad ng Sant'Ambrogio di Torino ay nagpapanatili ng mga dokumento mula sa taong 1553. Ang sinupan ng Parokya ng San Giovanni Vincenzo ay nagtataglay ng mga talaan mula sa taong 1580 pataas, nang ang Parokya ay naging malaya sa Sacra di San Michele. Mula noong 1810 ang parokya ng San Giovanni Vincenzo sa Sant'Ambrogio di Torino, ay nag-ingat sa konserbasyon ng Brebyaryo ng San Michele della Chiusa, isang liturhikong teksto ng 1315 sa dalawang tomo na nagpapakita ng taunang siklo ng mga panalangin ng mga monghe ng Sacra di San Michele, at naglalaman ng mga bahagi ng mga melodya na inaawit na may mga notasyong tipikal ng monasteryo na ito, na may mga pormang hindi matatagpuan sa mga Gregorianong teksto ng iba pang monasteryo.
Kakambal na bayan — kinakapatid na lungsod
baguhinAng Sant'Ambrogio di Torino ay kakambal sa:
- Sant'Ambrogio sul Garigliano, Italya (2003)
- Sant'Ambrogio di Valpolicella, Italya (2004)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
Mga panlabas na link
baguhin- Midyang kaugnay ng Sant'Ambrogio di Torino sa Wikimedia Commons