Santa Ana, Taguig
Ang Barangay Sta. Ana (PSGC: 137607012) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Barangay Sta. Ana, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Hon. Roberto M. Flogen | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1637 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinAng Santa Ana ay siyang pinakapangulong nayon o kabisera ng bayan. Dito nakatayo ang simbahang pambayan at ito ang siyang unang tinawag na Taguig. Nang dumami ang mga tao at mga nayon at nang maitatag na ang unang simbahang Katoliko dito, ang pangulong nayon ay binigyan ng pangalang Sta. Ana, sunod sa pangalan ng Patronang pintakasi ng bayan.
Ang patron ng mga taga-Sta. Ana ay si San Felipe, ang apostol. Ito ang kanilang napili dahil ang kaarawan o kapistahan nito ay tuwing unang araw ng Mayo. Araw ng Paggawa at karamihan sa mga tao rito ay manggagawa, mangingisda, at magsasaka. Si San Felipe ang kanilang dinarasalan upang humingi ng biyaya sa masaganang ani at mabuting huli sa kanilang pangingisda.
Marami ring mga samahang pang relihiyon na aktibo sa nayong Sta. Ana na siyang tumutulong sa gawaing pang-espiritual ng mga mamamayan.
Sa harapan ng simbahan ng Sta.Ana nakaluklok ang isang puno ng Acacia, Centenial Tree na siyang naging saksi sa ilang mahahalagang kaganapan sa pamabansang kasaysayan. Sa nasabing puno minsan ay namahinga ang mga katipuneros sa pamumuno na rin Gat. Andres Bonifacio.
Edukasyon
baguhin- Taguig Integrated School
- Collegio de Sta. Ana
- Sta. Ana Day Care Center
- Pulong Kendi Day Care Center
- Sta. Ana Learning Center
- Southville Woodland School
- Living Miracle Foundational Learning Center
Pamahalaan
baguhinSangguniang Barangay
baguhin- Kapitan: Hon. Roberto M. Flogen
- Kagawad ng barangay:
- HON. Pepito S. Cada
- HON. Tristan C. Inan
- HON. Pepito M. Rodriguez
- HON. Archie T. Aguinaldo
- HON. Edith A. Laurin
- HON. Agapito S. Herrera
- HON. Aida R. Lano
Barangay Secretary
- Arwin F. Abella
Barangay Treasurer
- Maria Redgene O. Ualat
Tingnan rin
baguhin
Mga Sanggunian
baguhin- Barangay Sta. Ana, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2010-01-07 sa Wayback Machine.