Santan
Ang santan[1] o Ixora coccinea ay isang uri ng palumpong na may kulay puti, pula, at rosas na mga bulaklak. Kilala rin ito bilang heranyo ng gubat, ningas ng kagubatan, at liyab ng gubat. Nagbuhat ang pangalang pang-agham nito mula sa isang itinuturing na diyos sa Indiya. Isa itong pangkaraniwang halamang palumpong na likas at katutubo sa Asya. Bagaman may ilang 400 uri nitong nasa saring Ixora, kakarampot lamang ang pangkaraniwang itinatanim at inaalagaan at karaniwang ginagamit ang pangalang Ixora para sa I. coccinea, isang makapal at maraming sangang palaging-lunting palumpong, karaniwang 4 hanggang 6 talampakan (1.2-2 metro) ang taas, subalit may kakayahang umabot hanggang 12 talampakan (3.6 metro) ang taas. May bilugan itong hugis, na may bukang maaaring lumampas sa kaniyang kataasan. May mga 4 pulgada (10 sentimetro) ang haba ng mga dahon nitong makintab, tila katad, at may oblong na hugis, may buong gilid, at dinadala sa magkabilang pares o nakapalibot sa sa mga sanga ng halaman. Sa buong taon, nagkakaroon ito ng mga maliliit na malatubo at iskarlatang mga makapal at biluging kumpol ng mga bulalaklak (2-5 pulgada; 5-13 sentimetro). Maraming mga kultibar na nagkakaiba-iba sa sukat at kulay ng mga bulaklak (dilaw, rosas, at narangha). May ilang mga tanyag na mga bansot na kultibar na nananatili sa ilalim ng 3 pulgada (1 metro) ang taas. Isang kilalang bansot na santan ang Ixora Nora Grant, samantalang isang popular na haybrid ang Super Hari (Ingles: Super King) na may mas malaking kumpol ng mga bulaklak kung ihahambing sa ibang mga uri.
Santan | |
---|---|
Ixora coccinea | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Gentianales |
Pamilya: | Rubiaceae |
Sari: | Ixora |
Espesye: | I. coccinea
|
Pangalang binomial | |
Ixora coccinea |
Katutubo at likas ang I. coccinea sa tropikal na Timog-silangang Asya, kabilang ang Katimugang Indiya at Sri Lanka. Isa ito sa mga naging pinakabantog na mga namumulaklak na palumpong sa mga hardin ng Timog Florida at ng mga anyo at ayos na pangtanawin.
Gamit
baguhinGinagamit ang I. coccinea sa mga maiinit na mga klima para magsilbing mga bakod o pangharang, pundasyon o haligi ng mga tanim, pinalalago sa mga himlayang-taniman ng mga bulaklak, pinalalaki bilang mga ispesimeng palumpong o maliit na puno. Sa mga mas malalamig na mga klima, pinatutubo ito sa mga greenhouse o nasasalaminang bahay-taniman o bilang isang nakapasong halamang pambahay na nangangailangan ng malinaw na liwanag. Pinalalaki rin ang mga I. coccinea sa mga lalagyan at lubos na nakikilala bilang isang halamang pampatyo o katabi ng languyan. Natatanggap ng masikip at masinsing palumpong na ito ang madalas na pagpapasanga at pagpuputol ng sanga, kaya ideyal ito para sa pagbabakod, bagaman mas pinakamainam para rito ang hindi ginugupitan.
Mga katangian
baguhinMaraming mga bagong mga pinainam na mga patubo (mga kultibar at haybrid) ng I. coccinea ang dumating sa mga tindahan sa mga huling dalawang dekada, na naging muling panimula ng kabantugan nito bilang magandang "ningas ng mga kagubatan."
Sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Santan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)