Ikalawang Republika ng Pilipinas

(Idinirekta mula sa Second Philippine Republic)

Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas, opisyal bilang Republika ng Pilipinas (Hapones: フィリピン共和国, Firipin kyōwakoku), o kilala sa Pilipinas bilang Republika ng Pilipinas na itinataguyod ng mga Hapones, ay isang papet na estadong itinatag noong ika-14 ng Oktubre, taong 1943, pagkatapos ng pagsakop ng Hapon sa Pilipinas.

Republika ng Pilipinas
1943–1945
Salawikain: "Kapayapaan, Kalayaan, Katarungan"
Awiting Pambansa: Diwà ng Bayan
(Ingles: "Spirit of the Nation")

Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas
(Ingles: "Hymn to the Creation of the New Philippines")
Ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya
Ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya
KatayuanPapet na estado ng Imperyo ng Hapon
KabiseraMaynila (1942–1945)
Baguio (1945)
Karaniwang wikaFilipino, Hapones, Kastila
PamahalaanIsang partido na awtoritaryang republika
Pangulo 
Tagapagsalita 
LehislaturaPambansang Kapulungan
PanahonIkalawang Digmaang Pandaigdig
• Simula ng okupasyon
Oktubre 14 1943
Agosto 17 1945
Lawak
1946300,000 km2 (120,000 mi kuw)
Populasyon
• 1946
18846800
SalapiPisong inilabas ng pamahalaang Hapones
Kodigo sa ISO 3166PH
Pinalitan
Pumalit
Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas
Komonwelt ng Pilipinas

Batid ng mga Hapones na matindi ang hangarin ng mga Pilipinong maging malaya. Ang damdaming ito ay kinasangkapan ng mga Hapones upang mahikayat ang mga Pilipinong makiisa sa kanilang layunin. Noong Hulyo 4, 1943 nagdaos ng kumbensyon ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) upang piliin ang 20 kasapi na bubuo sa komisyon sa paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas. Ang tungkulin ng komisyon ay bumuo ng saligang batas na magiging batayan ng Republika ng Pilipinas. Hinirang na pinuno ng komisyon si Jose P. Laurel.

Ang saligang batas ng 1943 ay pinagtibay ng komisyon noong ika-4 ng Setyembre, 1943. Ang saligang batas na ito ay nasusulat sa wikang Filipino at Ingles at binubuo ng panimula at 12 artikulo. Itinatag nito ang Ikalawang Republika ng Pilipinas at nagtatadhana ng pagkakaroon ng Pambansang Kapulungan ay hihirang ng magiging pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nasa kamay niya ang kapangyarihang ehekutibo. Walang pangalawang pangulo. Nasa Kataas-taasang Hukuman ang kapangyarihang hudikatura. Itinatadhana rin ang pagtatayo ng isang Konseho ng Estado na magsisilbing tagapayo ng pangulo.

Noong ika-20 ng Setyembre, 1943 pinili mula sa mga kasapi ng KALIBAPI ang 108 kinatawan sa Pambansang Kapulungan. Hinirang ng kapulungan bilang Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas si Jose P. Laurel. Noong ika 14 ng Oktubre 1943 ay pinasiyahan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Sa ilalim ni Pangulong Laurel, nalikha ang mga bagong kawanihan, tanggapan at komisyon at binago ang sistema ng hukuman.

Matamlay ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa republikang ito. Batid nila na ang kalayaang ipinagkaloob ng mga Hapones ay huwad at ang republika ay isang pamahalaang papet. Ito ay dahil ang mga Pilipinong opisyal ay tau-tauhan lamang ng mga Hapones. Walang kalayaan si Laurel na mamuno ayon sa mithiin ng mga Pilipino. Ang mga tagapayo ay hindi nagpapayo kundi nag-uutos ng dapat gawin. Ang kanilang mga iniuutos ay pawang pabor sa kagustuhan at layunin ng mga Hapones. Ngunit may mga pagkakataong nangibabaw kay Laurel ang kayang maka-Pilipino. Minsan hindi niya sinusunod ang mga utos ng Hapones kung alam niyang hindi ito makabubuti sa mga Pilipino. Ikinagagalit ito ng mga Hapones sa kanya.

Ang mga pinuno ng republikang papet ay tinaguriang kolaborador ng mga Pilipino dahil tumutulong sila sa mga gawaing pampulitika ng mga Hapones. Bagamat tau-tauhan lamang sila at walang tuwirang pagkakasala sa bayan, nilitis at pinarusahan pa rin sila pagkatapos ng digmaan.