Buhanginan ng Ayungin

karang sa Dagat Kanlurang Pilipinas
(Idinirekta mula sa Second Thomas Shoal)

Ang Buhanginan ng Ayungin (Ingles: Ayungin Shoal), Second Thomas Shoal (Ingles), Bãi Cỏ Mây (Biyetnames) at Rén'ài Jiāo (Tsino),[1] ay isang nakalubog na bahura sa Kapuluang Spratly ng Karagatang Kanlurang Pilipinas, 105 milyang pandagat (194 km; 121 mi) sa kanluran ng Palawan, Pilipinas.[2] Isa itong pinag-aagawang teritoryo at inaangkin ng maraming bansa.[3]

Buhanginan ng Ayungin
Buhanginan ng Ayungin
Heograpiya
LokasyonKaragatang Kanlurang Pilipinas
Mga koordinado9°44′N 115°52′E / 9.733°N 115.867°E / 9.733; 115.867 (Second Thomas Shoal)
ArkipelagoKapuluang Spratly
Pamamahala
RehiyonMIMAROPA
LalawiganPalawan
MunisipalidadKalayaan

Inookupahan ang buhanginan ng mga tauhan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na nakasakay sa isang barko, ang BRP Sierra Madre, na sinadyang ipinuwesto sa bahura noong 1999 at pana-panahong sinusuplayan mula noon.

Kasaysayan

baguhin

Sa wikang Ingles, isa ang karang sa tatlo na nakapangalan kay Thomas Gilbert, kapitan ng Charlotte:

Pag-aangkin sa teritoryo

baguhin

Inaangkin ang Buhanginan ng Ayungin ng Pilipinas, Taiwan, Tsina at Biyetnam.[6]

Nagpapanatili ang Hukbong Dagat ng Pilipinas ng presensiya ng mas mababa sa isang dosenang marino sa Sierra Madre, isang sasakyang panlunsad ng Hukbong Dagat na may habang 100 m (330 tal) at ginawa ng Amerika noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig. Sadyang sinadsad ito sa karang noong 1999, bilang tugon sa reklamasyon ng Tsina ng Bahura ng Panganiban.[7][8] Iginigiit ng Pilipinas na bahagi ang karang ng kalapagang kontinental nito.[9] Inaangkin ang mga bahagi ng Kapuluang Spratly, kung saan nakatagpo ang Buhanginan ng Ayungin, ng Biyetnam, Brunay, Malasya, Pilipinas, at Tsina.

Iniiwasan ng mga barkong pansuplay ng Pilipinas ang mga blokadang Tsina upang maghatid ng pagkain, tubig at iba pang gamit sa garison.[10] Hinarang ng mga tanod baybayin ng PRC ang dalawang pagtatangka ng mga barkong Pilipino na isuplay muli ang garison noong Marso 9, 2014. Hinulog-langit ang mga suplay sa garison pagkaraan ng tatlong araw. Matagumpay na nakarating sa karang ang isang barkong pansuplay na may kapalit na tropa noong Marso 29, 2014 sa paglalayag sa mababaw na tubig kung saan hindi makasunod ang mga mas malalaking sasakyang pandagat ng PRC.[11] Mula noong, nagpapadala ang militar ng Pilipinas ng tulong at mga probisyon sa pamamagitan ng mga barkong pansuplay.[12]

Noong 1999, ipinangako ni pangulong Joseph Estrada na aalisin ang barko.[13][14] Noong 2014, hiniling ng gobyerno ng Tsina sa Pilipinas na alisin ang barkong nakasadsad.[15][16] Sinabi ni Pilipinong Pangulong Bongbong Marcos noong 2023, "Hindi ko alam na may ganoong kasunduan. Kung mayroon man, binabawi ko ito sa sandaling ito.”[17][18]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sailing Directions – South China Sea [Direksyon ng Paglalayag – Dagat Timog Tsina] (sa wikang Ingles). Taunton: UK Hydrographic Office.
  2. Sailing Directions Enroute : Publication 158 – Philippine Islands [Mga Direksyon sa Paglalayag sa Paglalakbay: Publikasyon 158 – Mga Isla ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Springfield, Virginia: US National Geospatial-Intelligence Agency (NGA). 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "TOPIC: Sierra Madre, Second Thomas Shoal, and the U.S. Commitment to Defense of the Philippines" [PAKSA: Sierra Madre, Buhanginan ng Ayungin, at ang Pangako ng U.S. na ipagtatanggol ang Pilipinas] (PDF). pacom.mil (sa wikang Ingles). Pebrero 23, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 NGA Chart 93046 – SE Dangerous Ground
  5. NGA Chart 93045 – NE Dangerous Ground
  6. Robert C. Beckman; Ian Townsend-Gault; Clive Schofield; Tara Davenport; Leonardo Bernard (Enero 2013). Beyond Territorial Disputes in the South China Sea: Legal Frameworks [Lampas sa Pag-aangkin sa Teritoryo sa Dagat Timog Tsina: Mga Legal na Balangkas] (sa wikang Ingles). Edward Elgar Publishing. p. 19. ISBN 978-1-78195-594-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "A game of shark and minnow" [Isang laro ng pating at minnow]. The New York Times (sa wikang Ingles). 27 Oktubre 2013. Nakuha noong 21 Marso 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Cohen, Michael. "Manila monitoring Chinese shoal moves" [Maynila, binabantayan ang gawalan ng Tsino sa buhanginan] (sa wikang Ingles). IHS Jane's Defence Weekly. Nakuha noong 21 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "DFA statement on China's allegation that the PH agreed to pull out of Ayungin Shoal" [Pahayag ng DFA ukol sa alegasyon ng Tsina na pumayag ang PH na umalis mula sa Buhanginan ng Ayungin]. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (sa wikang Ingles). Official Gazette (Philippines). Marso 14, 2014. Nakuha noong Abril 9, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. de Castro, Erik; Ng, Roli (31 Marso 2014). "Philippine ship dodges China blockade to reach South China Sea outpost" [Barkong Pilipino, umiwas sa barikadang Tsina para makarating sa outpost sa Dagat Timog Tsina]. www.reuters.com (sa wikang Ingles). Thomson Reuters. Nakuha noong 1 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Gomez, Jim, Associated Press, "Philippine supply ship evades Chinese blockade" [Barkong pansuplay ng Pilipinas, nakaiwas sa barikadang Tsino] (sa wikang Ingles), 29 Marso 2014
  12. Campbell, Eric (20 Mayo 2014). "Reef Madness" [Kabaliwan sa Bahura]. ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Letter | Philippine-China 'gentleman's agreement' on South China Sea is best adhered to" [Liham | Pinakamabuting Sundin Ang ‘Maginoong Kasunduan’ ng Pilipinas-Tsina sa Dagat Timog Tsina]. South China Morning Post (sa wikang Ingles). 2024-04-26. Nakuha noong 2024-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "PH did promise to remove BRP Sierra Madre from Ayungin" [Ipinangako ng PH na aalisin ang BRP Sierra Madre]. The Manila Times (sa wikang Ingles). 14 Agosto 2023. Nakuha noong 30 Hunyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "China 'posturing' to seize Ayungin – Golez" [Tsina, nagpostura para agawin ang Ayungin – Golez]. Rappler (sa wikang Ingles). 19 Marso 2014. Nakuha noong 21 Marso 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Esmaquel, Paterno (18 Marso 2014). "China digs up details vs PH on Ayungin" [Tsina, humuhukay ng mga detalye laban sa PH ukol sa Ayungin]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Marso 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Corrales, Nestor (10 Agosto 2023). "Pact on Ayungin rescinded, if there's any – Marcos" [Binawi ang kasunduan sa Ayungin, kung mayroon man – Marcos]. INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. https://pco.gov.ph/news_releases/no-existing-agreement-to-remove-brp-sierra-madre-from-ayungin-shoal-pbbm/ Naka-arkibo 2024-06-04 sa Wayback Machine. “And let me go further, if there does exist such an agreement, I rescind that agreement now,” President Marcos said. PND