Ahas

(Idinirekta mula sa Serpentina)

Ang ahas (Ingles: snake o serpent) ang mahaba at walang hitang mga reptilyang karnibora ng suborden na Serpentes. Ito ay maitatangi mula sa mga butiking walang hita sa kawalan ng mga takipmata (eyelid) at panlabas na tenga sa mga ahas. Tulad ng lahat ng kasapi ng Squamata, ang mga ahas ay ektotermiko, amniotang mga bertebrata na natatakpan ng mga kaliskis. Maraming mga espesye ng ahas ay may bungo na mas maraming mga dugtong kesa sa mga ninuno nitong butiki. Ito ay pumapayag sa mga ito na makalunok ng sinisinilang hayop na mas malaki sa mga ulo nito na may mataas na magagalaw na mga panga nito. Upang makaangkop sa mga makikitid na katawan nito, ang mga magkapares na organo ng mga ahas gaya ng bato ay nasa harap ang isa kesa magkatabi at ang karamihan ng mga espesye nito ay may isa lamang gumaganang baga. Ang ilang espesye ng ahas ay nakapagpanatili ng isang butong pelvis na may isang pares ng mga kukong bestihiyal sa alinmang panig ng cloaca. Ang mga nabubuhay na ahas ay matatagpuan sa bawat kontinente ng mundo maliban sa Antarctica, sa Karagatang Pasipiko at Indiyano at sa karamihan ng mas maliliit na mga masa ng lupain. Ang mga eksepsiyon dito ang ilang malalaking mga isla gaya ng Ireland at New Zealand at marami pang maliliit na mga isa sa Atlantiko at sentral Pasipiko.[1] Ang higit sa 20 pamilya ng ahas ay kasalukuyang kinikilala na binubuo ng mga 500 henera at mga 3,400 espesye.[2][3] Ang mga ito ay may sukat mula maliit na may habang 10 cm gaya ng ahas na sinulid hanggang sa sawang retikulado na umaabot hanggang 8.7 metro (29 tal) ang haba.[4][5] Ang espesyeng fossil na Titanoboa ay may habang 15 metro (49 tal). Ang mga ahas ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa mga butiking naglulungga o nabubuhay sa tubig sa panahong Gitnang Kretaseyoso. Ang pinakaunang fossil ay may petsang mga 112 milyong taon ang nakalilipas. Ang dibersidad ng mga modernong ahas ay lumitaw sa panahong Paleoseno mga 66 hanggang 56 milyong taon ang nakalilipas. Ang karamihan sa mga espesye ng ahas ay walang kamandag at ang mga merong kamandag ay pangunahing gumagamit nito upang patayin at pasukuin ang sinisila nito kesa sa pagtatanggol sa sarili. Ang ilang espesye ng ahas ay may mga kamandag na sapat na malakas upang magsanhi ng sakit o kamatayan sa mga tao. Ang mga hindi makamandag na ahas ay buhay na lumulunok ng mga sinisila nito at pumapatay sa pamamagitan ng konstriksiyon.

Ahas
Temporal na saklaw: Simulang Kretaseyoso - Kamakailan
112–0 Ma

Iba't-ibang uri ng mga ahas
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Reptilia
Orden: Squamata
Klado: Ophidia
Suborden: Serpentes
Linnaeus, 1758
Infraorders and Families
Maliit na ahas mula sa bundok ng isarog, Bicol

Ebolusyon

baguhin
A phylogenetic overview of the extant groups
Modern snakes
Scolecophidia

Leptotyphlopidae


 

Anomalepididae



Typhlopidae




Alethinophidia

Anilius


Core Alethinophidia
Uropeltidae

Cylindrophis


 

Anomochilus



Uropeltinae




Macrostomata
Pythonidae

Pythoninae



Xenopeltis



Loxocemus



Caenophidia

Colubridae



Acrochordidae



Atractaspididae



Elapidae



Hydrophiidae



Viperidae



Boidae

Erycinae



Boinae



Calabaria




Ungaliophiinae




Tropidophiinae





Note: the tree only indicates relationships, not evolutionary branching times.[6]

Ang fossil rekord ng mga ahas ay relatibong mababa dahil ang mga kalansay ng ahas ay tipikal na maliit at marupok na gumagawa sa fossilisasyon nito na hindi karaniwan. Ang mga fossil na matutukoy na ahas(bagaman kadalasan ay may mga likurang hita) ay unang lumitaw sa fossil rekord sa panahong Kretaseyoso.[7] Ang pinakaunang alam na mga fossil ng ahas ay nagmula sa Utah at Algeria na kinakatawan ng henerang respektibong Coniophis at Lapparentophis. Ang mga lugar ng fossil na ito ay tentatibong pinetsahan sa panahong Albian o Cenomanian ng Huling Kretaseyoso sa pagitan ng 112 at 94 milyong taon ang nakalilipas. Gayunpaman, ang mas mataas na edad ay iminungkahi para sa isa sa mga lugar sa Algeria na maaaring mula sa Aptian 125 hanggang 112 milyong taon ang nakalilipas.[8] Batay sa komparatibong anatomiya, may kasunduan sa pamayanang siyentipiko na ang mga ahas ay nagmula sa mga butiki.[5]:11[9] Ang mga sawa at boa na mga primitibong pangkat sa mga modernong ahas ay may mga bestihiyal na likurang biyas o hita. Ito ay maliit na mga daliring may kuko na kilala bilang mga anal spur na ginagamit upang ipangkapit sa pakikipagtalik.[5]:11[10] Ang mga pangkat na Leptotyphlopidae at Typhlopidae ay nag-aangkin rin ng mga labi ng pelvis na minsang lumilitaw bilang masungay na pag-usli kapag nakikita. Ang mga harapang biyas o hita ay hindi umiiral sa lahat ng alam na mga ahas. Ito ay sanhi ng ebolusyon ng mga gene na Hox na kumokontrol sa morpohensis ng mga biyas o hita. Ang kalansay na aksiyal ng mga karaniwang ninuno ng ahas tulad ng karamihang ibang mga tetrapoda ay may pang-rehiyong mga espesyalisasyon na binubuo ng mga vertebrae na serbikal(leeg), torasiko(dibdib), lumbar(mababang likod), sakral(pelvis) at caudal(buntot). Sa simula ng ebolusyon ng mga ahas, ang paghahayag ng gene na Hox sa kalansay na aksiyal ay responsable sa pag-unlad ng thorax ay nanaig. Bilang resultta, ang anterior na vertebrae sa mga bud na likurangbiyas (kung umiiral) ay lahat may parehong tulad ng thorasikong pagkakakilanlan(maliban sa atlas, aksis, at 1-3 vertebrae ng leeg). Sa ibang salita, ang karamihan sa kalansay ng mga ahas ay sukdulang pinalawig na thorax. Ang mga tadyang ay eksklusibong matatagpuan sa thorasikong vertebrae. Ang mga vertebra na leeg, lumbar at pelvis ay labis na napaliit sa bilang(tanging ang 2-10 lumbar at vertebrae na pelvis ang umiiral) samantalang ang tanging isang maikling buntot ay nanatili sa caudal vertebrae. Gayunpaman, ang buntot ay sapat pa ring mahaba upang may mahalagang paggamit sa maraming espesye ng ahas. Ito ay nabago sa ilang mga espesye ng ahas na pantubig at nabubuhay sa mga puno. Ang mga modernong ahas ay nag-dibersipika sa panahong Paleoseno. Ito ay nangyari kasabay ng radiasyong pag-aangkop ng mga mamalya kasunod ng paglaho o ekstinksiyon ng mga hindi-ibong dinosauro. Ang mga colubrid na isa sa mas karaniwang mga pangkat ng ahas ay naging partikular na diberso sanhi ng paninila ng mga daga na isang lalong matagumpay na pangkat ng mamalya.

Pinagmulan

baguhin
 
Ang fossil na nagpapakita ng likurang hita ng ekstinkt na ahas na Eupodophis na lumitaw sa panahong Kretaseyoso.

Ang pinagmulan ng mga ahas ay nanatiling hindi pa nalulutas na isyu sa kasalukuyan. May dalawang mga magkatunggaling pangunahing hipotesis:

Hipotesis na naglulunggang butiki

May ebidensiyang fossil na nagmumungkahi na ang mga ahas ay nag-ebolb mula sa mga naglulunggang butiki gaya ng mga varanid (o isang katulad na pangkat) sa panahong Kretaseyoso.[11] Ang isang sinaunang fossil ng ahas na Najash rionegrina ay isang ahas na may dalawang hita at ito ay isang naglulunggang hayop na may sacrum at buong panlupain.[12] Ang kasalukuyang nabubuhay na analogo ng mga putatibong ninunong ito ang walang tengang monitor Lanthanotus ng Borneo (bagaman ito ay isa ring hayop na semi-akwatiko). .[13] Ang mga espesyeng pang-ilalim ng lupa ay nag-ebolb ng mga katawan na napaigi para sa paglulungga.[13] Ayon sa hipotesis na ito, ang mga katangiang gaya ng malinaw(transparent) na pinagsanib na mga takipmata(eyelid)/brille at pagkawala ng panlabas ng mga tenga ay nag-ebolb upang makaya ang mga kahirapang fossorial gaya ng nakamot na mga cornea at lupa sa mga tenga. A[11][13] Ang ilang mga primitibong ahas ay alam na nag-aangkin ng mga likurang biyas o hita ngunit ang mga butong pelvis nito ay nagkukulang ng isang direktang koneksiyon sa vertebrae. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga espesyeng fossil na Haasiophis, Pachyrhachis at Eupodophis, na katamtamang mas matanda sa fossil na ahas na Najash.[10]

 
Fossil ng Archaeophis proavus.
Hipotesis na pang-tubig na Mosasauro

Ang alternatibong hipotesis batay sa morpolohiya ay nagmumungkahing ang mga ninuno ng ahas ay nauugnay sa mga mosasauro na mga ekstinkt na reptilyang pantubig na umiral sa panahong Kretaseyoso na pinaniniwalaan namang nagmula sa mga butiking varanid.[9] Ayon sa hipotesis na ito, ang magkasanib, at mga malinaw(transparent) na mga takipmata ay nag-ebolb upang labanan ang mga kondisyon sa dagat(ang pagkawala ng tubig sa cornea sanhi ng osmosis) at ang mga panlabas na tenga nito ay naglaho dahil sa hindi paggamit nito sa kapaligirang pantubig. Ito ay huling tumungo sa isang hayop na tulad ng mga kasalukuyang nabubuhay na ahas dagat. Sa panahong Huling Kretaseyoso, muling kinolonisa ng mga ahas ang lupain at patuloy na nagdibersipika sa mga ahas na nabubuhay ngayon. Ang mga fossiladong labi ng ahas ay alam mula sa panahong Simulang Kretaseyosong mga sedimentong pandagat na umaayon sa hipotesis na ito partikular na dahil ang mga ito ay mas matanda sa panlupaing Najash rionegrina. Ang magkatulad na istraktura ng bungo, nabawasan o hindi umiiral na mga biyas o hita at ibang mga katangiang pang-anatomiya na natagpuan sa parehong mga mosasauro at ahas ay tumungo sa isang positibong korelasyonng klastikal bagaman ang ilan sa mga katangian ito ay pinagsasaluhan sa mga butiking varanid. Ang mga pag-aaral henetiko ay nagpapakitang ang mga ahas ay hindi malapit na nauugnay sa mga butiking monitor at kaya ay hindi sa mga mosasauro na iminungkahing ninuno sa senaryong pantubig ng ebolusyon ng mga ito. Gayunpaman, ang maraming ebidensiya ay nag-uugnay ng mga mosasauro sa mga ahas kesa sa mga varanid. Ang mga pragmentadong labing natagpuan mula sa panahong Jurassic at Simulang Kretaseyoso ay nagpapakita ng mas malalim na mga fossil rekord para sa mga pangkat na ito na maaaring potensiyal na magpamali sa alinmang hipotesis.

Taksonomiya

baguhin

Ang lahat ng mga modernong ahas ay ipinangkat sa loob ng suborder na Serpentes na bahagi ng order na Squamata bagaman ang tumpak na kinalalagyan sa loob ng squamata ay kontroberisyal.[2] May dalawang mga infraorder ng Serpente: ang Alethinophidia at Scolecophidia.[2] Ang paghihiwalay na ito ay batay sa mga katangiang morpolohiko at at pagkakatulad ng sekwensiyang mitokondriyal na DNA. Ang Alethinophidia ay minsang hinahati sa Henophidia at Caenophidia na ang huli ay binubuo ng mga ahas na "colubroid" snakes (mga colubrids, mga ulupong, mga elapid, mga hydrophiid at mga attractaspid) at ang mga acrochordid samantalang ang iba pang mga pamilyang alethinophidian ay bumubuo ng Henophidia.[14] Bagaman hindi na umiiral sa kasalukuyan, ang Madtsoiidae na isang pamilya ng higante at primitibong mga tulad ng sawang mga ahas ay umiral hanggang 50,000 taon ang nakalilipas sa Australia na kinakatawan ng henera gaya ng Wonambi. May ilang mga debate sa sistematika sa loob ng pangkat. Halimbawa, maraming mga sanggunian ay nag-uuri ng Boidae at Pythonidae bilang isang pamilya samantalang pinanatili ng ilan ang Elapidae atHydrophiidae (mga ahas dagat) na hiwalay para sa mga dahilang praktikal sa kabilang ng sukdulang malapit na relasyon ng mga ito. Ang mga kamakailang pag-aaral molekular ay sumusuporta sa monophyly ng mga klado ng mga modernong ahas, mga scolecophidian, mga typhlopid + mga anomalepidid, mga alethinophidian, mga core alethinophidian, mga uropeltid (Cylindrophis, Anomochilus, uropeltines), mga macrostomatan, mga booid, mga boid, mga pythonid at mga caenophidian.[6]

Mga pamilya

baguhin
Infraorder Alethinophidia 15 pamilya
Pamilya[2] May akda ng taxon[2] Henera[2] Espesye[2] Karaniwang pangalan Saklaw na heograpiko[15]
Acrochordidae Bonaparte, 1831 1 3 Mga kulugong ahas Kanluraning India at Sri Lanka hanggang tropikal na Timog-Silangang Asya sa Pilipinas hanggang sa timog sa pangkat isla ng Indonesia/Malaysia hanggang Timor, sa silangang hanggang New Guinea hanggang sa hilagaang baybayin ng Australia hanggang Mussau Island, Bismark Archipelago at Guadalcanal Island sa Solomon Islands.
Aniliidae Stejneger, 1907 1 1 Hindi totoong koral na ahas Tropikal na Timog Amerika.
Anomochilidae Cundall, Wallach, 1993 1 2 Mga unanong tubong ahas Kanlurang Malaysia at sa isla ng Indonesia na Sumatra.
Atractaspididae Günther, 1858 12 64 Mga naglulunggang asp Aprika at Gitnang Silangan.[5][16][17]
Boidae Gray, 1825 8 43 Mga Boa Hilagaang, Sentral at Timog Amerika, Carribean, Timog-silangang Europa at Asya menor, Hilagaan, Sentral at Silangang Aprika , Madagascar at Reunion Island, Arabian Peninsula, Sentral at timog kanlurang Asya , India at Sri Lanka, Moluccas at New Guinea hanggang Melanesia at Samoa.
Bolyeriidae Hoffstetter, 1946 2 2 Mga ahas na hati ang panga Mauritius.
Colubridae Oppel, 1811 304[3] 1938[3] Mga tipikal na ahas Widespread on all continents, except Antarctica.[18]
Cylindrophiidae Fitzinger, 1843 1 8 Mga Asyanong tubong ahas Sri Lanka hanggang Myanmar, Thailand, Cambodia, Vietnam at Malay Archipelago hanggang sa silangan sa Aru Islands at baybayin ng New Guinea. Ito ay matatagpuan rin sa katimugang Tsina (Fujian, Hong Kong and on Hainan Island) at Laos.
Elapidae Boie, 1827 61 235 Elapid Sa lupain sa buong mundo sa mga rehiyon tropikal at subtropikal maliban sa Europa. Ang mga dagat ahas ay umiiral sa Karatang Pasipiko at Indiyano. l[19]
Loxocemidae Cope, 1861 1 1 Mehikanong naglulunggang ahas Sa kahabaan ng versant na Pasipiko mula Mehiko patimog hanggang Costa Rica.
Pythonidae Fitzinger, 1826 8 26 Mga sawa Subsaharan Aprika, India, Myanmar, katimugang Tsina, Timog Silangang Asya mula Pilipinas, Indonesia hanggang New Guinea at Australia.
Tropidophiidae Brongersma, 1951 4 22 Mga unanong boa Muka katimugang Mehiko at Sentral Amerika, timog hanggang hilagang-kanlurang Timog Amerika sa Colombia, (Amazonian) Ecuador at Peru gayundin sa timog-kanluran at timogsilangang Brazil at sa West Indies.
Uropeltidae Müller, 1832 8 47 Mga may kalasag na buntot na ahas Katimugang Indiya at Sri Lanka.
Viperidae Oppel, 1811 32 224 Mga ulupong Mga Amerika, Aprika at Eurasya.
Xenopeltidae Bonaparte, 1845 1 2 Mga ahas Sunbeam Timog Silangang Asya mula Andaman at Nicobar Islands, silangang mula Myanmar hanggang katimugang Tsina, Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam, Malay Peninsula at ang East Indies sa Sulawesi gayundin sa Pilipinas


Infraorder Scolecophidia 3 pamilya
Pamilya[2] May akda ng taxon[2] Henera[2] Espesye[2] Karaniwang pangalan Saklaw na heograpiko[15]
Anomalepidae Taylor, 1939 4 15 Mga primitibong bulag na ahas From southern Central America to northwestern South America. Disjunct populations in northeastern and southeastern South America.
Leptotyphlopidae Stejneger, 1892 2 87 Mga payat at bulag na ahas Aprika, kanluraning Asya mula Turkey hanggang hilagang-kanlurang Indiya, Islang Socotra, mula sa timog-kanlurang Estados Unidos hanggang Mehiko at Sentral hanggang Timog Amerika bagaman hindi sa mga mataas na Andes. Sa Pasipikong Timog Amerika, ang mga ito ay umiiral sa katimugang Peru at sa panig Atlantiko sa Uruguay at Arhentina. Sa Carribean, ang mga ito ay matatagpuan sa Bahamas, Hispaniola at Lesser Antilles.
Typhlopidae Merrem, 1820 6 203 Tipikal na bulag na ahas Karamihan ng mga rehiyong tropikal at maraming mga subtropikal sa buong mundo partikular na sa Aprika, Madagascar, Asya, mga isla sa Pasipiko, tropical na Amerika at sa katimugang Europa.

Kamandag

baguhin
 
Isang makamandag na ahas na Inland Taipan.
 
Ang isang malalang nekrosis ng tisyu kasunod ng pagkagat at pagturok ng kamandag ng Bothrops asper. Ito ay nangailangan ng amputayson o pagputol sa taas ng tuhod.[20]

Ang karamihan ng mga espesye ng ahas ay hindi makamandag at ang mga ito ay tipikal na pumapatay ng mga sinisila nito sa pamamagitan ng konstriksiyon kesa sa kamandag. Ang mga makamandag na ahas ay matatagpuan sa bawat kontinente maliban sa Antartica. Iminungkahi na noong panahong Mioseno, ang mga ahas ay nag-ebolb ng mga mekanismong kailangan para sa pagbuo ng kamandag at paghahatid nito sa mga sinisila nito.[21] Sa panahong Tersiyaryo, ang karamihan ng mga ahas ay malalaking mga nang-tatambang na mga maninila na kabilang sa superpamilyang Henophidia at gumagamit ng konstriksiyon upang patayin ang mga sinisila nito. Dahil ang mga lupaingdamo ay pumalit sa mga lugar na magubat sa maraming bahagi ng daigdig, ang ilang mga pamilya ng ahas ay nag-ebolb na maging mas maliit at mas maliksi. Gayunpaman, ang pagpapasuko at pagpatay ng mga sinisila ay naging mas mahirap para sa mga mas maliit na ahas na tumungo sa ebolusyon ng kamandag sa mga ito.[21] Ang ibang pagsasaliksik sa hipotetikal na kladong Toxicofera na pinaniniwalaang ninuno ng karamihang mga reptilya ay nagmumungkahi ng isang mas maagang panahon para sa ebolusyon ng kamandag ng ahas na posibleng sa panahong Kretaseyoso.[22] Ang mga kamandag ng ahas ay nalilikha sa nabagong glandulang partoid sa ahas na normal na responsable sa paglalabas ng laway. Ito ay nakaimbak sa mga istrakturang alveoli sa likod ng mga mata ng ahas at boluntaryong inilalabas sa pamamagitan ng lubog na pangtubong mga pangil. Ang kamandag ng ahas ay binubuo ng mga daan daang iba't ibang mga protina at ensaym at ang lahat ng ito ay nagsisilbi sa iba't ibang tungkulin gaya ng paghadlang sa sistemang pang-puso ng sinisila o pagpapapataas ng paglaganap upang ang kamandag ay mas mabilis na masipsip. Ang kamandag sa maraming mga makamandag na ahas gaya ng mga pitviper ay umaapekto sa halos lahat ng sistemang organo sa katawan ng tao at maaaring isang kombinasyon ng maraming mga lason na nagsasanhi ng iba't ibang mga sintomas sa tao kabilang ang kamatayan.[23] Ang lakas at halaga ng inilalabas na kamandag ng ahas ay magkakaiba sa pagitan ng mga espesye.[24]

Kultura

baguhin
 
Ayon sa tradisyon, si Cleopatra VII ay kilalang nagpatiwakal sa pamamagitan ng kagat ng ahas sa kanyang kaliwang suso. Isang larawang ipininta noong 1911.

Ang mga ahas ay parehong ginagalang at sinasamba at gayundin ay kinatatakutan sa mga sinaunang kabihasnan ng tao. Ang mga Sinaunang Ehipsiyo ay nagtala ng mga paggamot para sa kagat ng ahas sa Brooklyn Papyrus para sa hindi bababa sa pitong mga makamandang na espesye ng ahas na karaniwan sa panahon ngayon gaya ng mga ulupong na may sungay.[25] Sa kasaysayan, ang mga kagat ng ahas ay nakitang isang paraan ng eksekusyon o pagpatay sa ilang mga kultura. Sa Mediebal na Europa, ang isang anyo ng parusang kamatayan ang pagtapon sa mga tao sa mga ahasan na nag-iiwan sa mga biktima na mamatay mula sa maraming mga kagat ng ahas. Ang katulad na anyo ng parusa ay karaniwan sa Katimugang Han sa Tsina noong Panhong Limang mga Dinastiya at Sampung Kaharian gayundin din sa India. Ang mga kagat ng ahas ay ginamit rin sa pagpapatiwakal na ang pinakasikat na kaso ay si Cleopatra VII na iniulat na namatay mula sa kagat ng asp na malamang ay isang kobrang Ehipsiyo pagkatapos marinig ang kamatayan ni Mark Anthony.[25][26]

Tingan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bauchot, Roland (1994). Snakes: A Natural History. New York City, NY, USA: Sterling Publishing Co., Inc. pp. 220. ISBN 1-4027-3181-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 "Serpentes". Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 3 Disyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 snake species list at the Reptile Database. Accessed 22 Mayo 2012.
  4. Murphy; Henderson, JC; RW (1997). Tales of Giant Snakes: A Historical Natural History of Anacondas and Pythons. Florida, USA: Krieger Pub. Co. p. 221. ISBN 0-89464-995-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Mehrtens, JM (1987). Living Snakes of the World in Color. New York City, NY, USA: Sterling Publishers. pp. 480. ISBN 0-8069-6460-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Michael S. Y. Lee; Andrew F. Hugall; Robin Lawson; John D. Scanlon (2007). "Phylogeny of snakes (Serpentes): combining morphological and molecular data in likelihood, Bayesian and parsimony analyses". Systematics and Biodiversity. 5 (4): 371–389. doi:10.1017/S1477200007002290.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Durand, J.F. (2004). "The origin of snakes". Geoscience Africa 2004. Abstract Volume, University of the Witwatersrand, Johannesburg, South Africa, pp. 187.
  8. Vidal, N., Rage, J.-C., Couloux, A. and Hedges, S.B. (2009). "Snakes (Serpentes)". Pp. 390-397 in Hedges, S.B. and Kumar, S. (eds.), The Timetree of Life. Oxford University Press.
  9. 9.0 9.1 Sanchez, Alejandro. "Diapsids III: Snakes". Father Sanchez's Web Site of West Indian Natural History. Nakuha noong 2007-11-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "New Fossil Snake With Legs". UNEP WCMC Database. Washington, D.C.: American Association For The Advancement Of Science. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-25. Nakuha noong 2007-11-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Mc Dowell, Samuel (1972). "The evolution of the tongue of snakes and its bearing on snake origins". Evolutionary Biology. 6: 191–273.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Apesteguía, Sebastián; Apesteguía, S; Zaher, H (Abril 2006). "A Cretaceous terrestrial snake with robust hindlimbs and a sacrum". Nature. 440 (7087): 1037–1040. doi:10.1038/nature04413. PMID 16625194. Nakuha noong 2007-11-29.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 Mertens, Robert (1961). "Lanthanotus: an important lizard in evolution". Sarawak Museum Journal. 10: 320–322.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Pough (2002) [1992]. Herpetology: Third Edition. Pearson Prentice Hall. ISBN 0-13-100849-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 McDiarmid RW, Campbell JA, Touré T. 1999. Snake Espesye of the World: A Taxonomic and Geographic Reference, vol. 1. Herpetologists' League. 511 pp. ISBN 1-893777-00-6 (series). ISBN 1-893777-01-4 (volume).
  16. Spawls S, Branch B. 1995. The Dangerous Snakes of Africa. Ralph Curtis Books. Dubai: Oriental Press. 192 pp. ISBN 0-88359-029-8.
  17. Parker HW, Grandison AGC. 1977. Snakes -- a natural history. Second Edition. British Museum (Natural History) and Cornell University Press. 108 pp. 16 plates. LCCCN 76-54625. ISBN 0-8014-1095-9 (cloth), ISBN 0-8014-9164-9 (paper).
  18. Spawls S, Howell K, Drewes R, Ashe J. 2004. A Field Guide To The Reptiles Of East Africa. London: A & C Black Publishers Ltd. 543 pp. ISBN 0-7136-6817-2.
  19. Padron:NRDB Pamilya
  20. "Confronting the Neglected Problem of Snake Bite Envenoming: The Need for a Global Partnership". PLoS Medicine. Nakuha noong 2012-06-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 Jackson, Kate (2003). "The evolution of venom-delivery systems in snakes" (PDF). Zoological Journal of the Linnean Society. 137 (3): 337–354. doi:10.1046/j.1096-3642.2003.00052.x. Nakuha noong 2009-07-25.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Bryan G. Fry; Nicolas Vidal; Janette A. Norman; Freek J. Vonk; Holger Scheib; S. F. Ryan Ramjan; Sanjaya Kuruppu; Kim Fung; S. Blair Hedges; Michael K. Richardson; Wayne. C. Hodgson; Vera Ignjatovic; Robyn Summerhayes; Elazar Kochva (2006). "Early evolution of the venom system in lizards and snakes" (PDF). Nature. 439 (7076): 584–8. doi:10.1038/nature04328. PMID 16292255. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-05-30. Nakuha noong 2009-09-18.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Russell, Findlay E. (1980). "Snake Venom Poisoning in the United States". Annual Review of Medicine. 31: 247–59. doi:10.1146/annurev.me.31.020180.001335. PMID 6994610.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Stephen Spawls; Bill Branch (1997). The Dangerous Snakes of Africa. Johannesburg: Southern Book Publishers. p. 192. ISBN 1-86812-575-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 M. Schneemann; R. Cathomas; S.T. Laidlaw; A.M. El Nahas; R.D.G. Theakston; D.A. Warrell (2004). "Life-threatening envenoming by the Saharan horned viper (Cerastes cerastes) causing micro-angiopathic haemolysis, coagulopathy and acute renal failure: clinical cases and review" (PDF). QJM: an International Journal of Medicine. 97 (11): 717–27. doi:10.1093/qjmed/hch118. PMID 15496528. Nakuha noong 2009-09-04. This echoed the opinion of the Egyptian physicians who wrote the earliest known account of the treatment of snake bite, the Brooklyn Museum Papyri, dating perhaps from 2200 BC. They regarded bites by horned vipers 'fy' as non-lethal, as the victims could be saved.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Crawford, Amy (1 Abril 2007). "Who Was Cleopatra? Mythology, propaganda, Liz Taylor and the real Queen of the Nile". Smithsonian.com. Nakuha noong 4 Setyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)