Buksan ang pangunahing menu

Ang Republika ng Seychelles (Creole: Repiblik Sesel) o Seychelles ay isang bansa ng mga pulo sa Karagatang Indiyano, mga 1,600 km silangan ng pangunahing lupain ng Aprika, hilaga-silangan ng pulo ng Madagaskar. Kabilang sa mga kalapit na mga pulong bansa at teritoryo ang Mauricio at Réunion sa timog, Komoros at Mayot sa timog-kanluran, at Maldibas sa kanluran-silangan.

Seychelles
Watawat ng Seychelles
Watawat
Eskudo de armas ng Seychelles
Eskudo de armas
SYC orthographic.svg
Mga koordinado: 7°06′00″S 52°46′00″E / 7.1°S 52.76667°E / -7.1; 52.76667Mga koordinado: 7°06′00″S 52°46′00″E / 7.1°S 52.76667°E / -7.1; 52.76667
BansaSeychelles
Bahagi ngSilangang Aprika
Itinatag1976
KabiseraVictoria, Seychelles
Bahagi
Pamahalaan
 • President of SeychellesDanny Faure
 • President of SeychellesDanny Faure
Lawak
 • Kabuuan459.0 km2 (177.2 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2017)
 • Kabuuan95,843
 • Kapal210/km2 (540/milya kuwadrado)
WikaPranses, Ingles
Plaka ng sasakyanSY
Websaythttp://www.egov.sc/

KasaysayanBaguhin

Hindi sigurado kung mga lahing Malay (o Austronesian) o mga Arabo ang unang naglayag sa Seselas. Noong 1502 unang nasaksihan ng mga Europeo ang kapuluan sa pamamagitan ng Portuges na si Admiral Vasco da Gama, na naglayag lampas sa Amirant na ipinangalan niya sa sarili niya (kapuluan ng Admiral).

Dahil sa pagiging daan nito mula Aprika patungong Asya, karaniwang ginagamit ang mga ito ng mga pirata hanggang makuha ito ng mgaPranses simula sa taong 1756 noong naglagay ng Batong ng Pagmamay-ari si Kapitan Nicholas Morphey. Ipinangalan ang mga pulo kay Jean Moreau de Séchelles, Ministro ng Salapi ni Louis XV.[1]

Sinimulang agawin ng Reyno Unido ang kapuluan noong 1794 hanggang 1810. Si Jean Baptiste Quéau de Quincy, ang Pranses na namumuno sa Seselas noong panahong iyon, ay tumangging manlaban.[2] Bagamat, nakipagkasundo siya kaya's nanatili ang pribilehiyong nutralidad sa mga naninirahan noon sa mga pulo.

Ganap na nasakop ng Reyno Unido ang Mawrisyo noong 1810, na pinatatag noong 1814 ayon sa Kasaunduan sa Paris. Ang Seselas ay naging hiwalay na kolonya mula sa Mawrisyo noong 1903. Nakamit ang kalayaan ng bansa noong 1976 matapos ito maging isang republika.[3] Noong 1977, pinatalsik ng isang kudeta si James Mancham at pinalitan ni France Albert René.[4] Noong 1979, idineklara sa pamamagitang ng konstitusyon na gawing isang isang-partidong sosyalistang bansa ang Seselas at nanatili ito hanggang 1991. Hindi napas ang pumalit na konstitusyon noong 1992 pero naipasa ito noong 1993.

Mga sanggunianBaguhin

  1. Virtual Seychelles
  2. "The Statehouse Cemetary". statehouse.gov.sc. 2010. Hinango noong 2010-09-09.
  3. "History of Seychelles". seychelles.com. 2009. Hinango noong 2010-09-09.
  4. "The coup d'etat". seychellesweekly.com. 2007-06-29. Hinango noong 2010-09-09.



   Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.