Sheshonk III
Si Usermaatre Setepenre o Usimare Setepenamun Shoshenq III ang paraon ng Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto sa loob ng 39 taon ayon sa kontemporaryong mga historikal rekord. Ang dalawang mga toro ni Apis ay inilibing sa ikaapat at ika-28 na taong kanyang paghahari at ipinagdiwang ang kanyang Heb Sed sa kanyang taong paghahari na 30. Kaunti ang alam sa eksaktong basehen ng kanyang matagumpay na pag-aankin sa trono dahil siya ay hindi isang anak na lalake ni Osorkon II at ang kanyang mga magulang at ugnayang pampamilya ay hindi alam. Mula ika-8 taon ng paghahari ni Shoshenq III, ang kanyang paghahari ay minarkahan ng kawalan ng pagkakaisang pampolitika ng Ehipto sa paglitaw ni Pedubast I sa Thebes. Mula sa panahong ito, ang mga hari ng ika-22 dinastiya ay kumontrol lamang sa Mababang Ehipto. Ang Dakilang Saserdoteng Theban na si Osorkon B (na hinaharap naOsorkon III) ay nagpetsa ng kanyang mga aktibidad sa Thebes at Itaas na Ehipto sa paghahari ni Shoshenq III ngunit ito ay tanging para sa mga dahilang administratibo dahil hindi idineklara ni Osorkon ang kanyang sarili na hari pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang amang si Takelot II. Sa basehan ng mahusay na kilalang Kronika ni Osorkon B, ang karamihan ng mga Ehiptologo ngayon ay tumatanggap na ang ika-25 taon ng paghahari ni Takelot II ay katumbas ng ika-22 taon ng paghahari ni Shoshenq III.[1]
Shoshenq III | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | 837–798 BCE (22nd Dynasty) |
Hinalinhan | Osorkon II |
Kahalili | Shoshenq IV |
Konsorte | Djed-Bast-Es-Ankh, Tjesbastperu |
Anak | Ankhesen-Shoshenq, Bakennefi A, Pashedbast B, Pimay, Takelot C |
Namatay | 798 BCE |
Libingan | NRT V, Tanis |