Sikolohiyang pang-edukasyon

(Idinirekta mula sa Sikolohiyang edukasyonal)

Ang sikolohiyang pang-edukasyon (Ingles: educational psychology) ay ang pag-aaral ng kung paano natututo ang mga tao sa mga tagpuang pang-edukasyon, ng katalaban ng mga pamamagitan na pang-edukasyon, ng sikolohiya ng pagtuturo, at ng sikolohiyang panlipunan ng mga paaralan bilang mga organisasyon. Ang sikolohiyang pang-edukasyon ay nakatuon sa kung paano natututo at umuunlad ang mga mag-aaral, na kadalasang tumutuon sa kabahaging mga pangkat na katulad ng mga batang may talento at sa mga mayroong mga kapansanan. Ang mga mananaliksik at mga teorista ng sikolohiyang pang-edukasyon ay tinatawag na mga sikologong pang-edukasyon o sikolohistang pang-edukasyon sa mga bansang katulad ng Estados Unidos at Canada, habang ang mga praktisyunerong nasa mga paaralan at mga tagpuang may kaugnayan sa mga paaralan ay tinatawag na mga sikologong pampaaralan. Ang pagkakaibang ito hindi kinikilala sa Kahariang Nagkakaisa kung saan ang katawagang panlahatan para sa mga praktisyunero ay "sikologong pang-edukasyon" o "sikolohistang pang-edukasyon".

Pananaliksik na Pang-edukasyon
Mga disiplina
Paghuhusgang pang-edukasyon
Organisasyong pang-edukasyon
Sikolohiyang pang-edukasyon
Teknolohiyang pang-edukasyon
Kasaysayan ng edukasyon
Edukasyong pandaigdig
Pilosopiya ng edukasyon
Pagpapayong pampaaralan
Sikolohiyang pampaaralan
Edukasyong espesyal
Edukasyong pangguro
Mga Nasasakupang Pangkurikulum
Edukasyong pangsining
Edukasyong pangnegosyo
Edukasyon na pangmaagang pagkabata
Edukasyong pangwika
Edukasyong pangliterasiya
Edukasyong pangmatematika
Edukasyong pang-agham
Edukasyong pang-agham na panlipunan
Edukasyong pangteknolohiya
Edukasyong bokasyunal
Mga metodo
Pagsusuri ng pag-uusap
Pagsusuri ng diskurso
Pagsusuri ng paktura
Eksperimentong Pakturyal
Pangkat ng pagtutuon
Meta-analisis
Estadistikang multibaryado
Pagmamasid ng kalahok

Maaaring unawain ang sikologong pang-edukasyon sa pamamagitan ng kaugnayan nito sa iba pang mga disiplina. Pangunahing nabibigyan ito ng kabatiran sa pamamagitan ng sikolohiya, na mayroong kaugnayan sa disiplinang ito na may pagkakahalintulad sa ugnayan sa pagitan ng medisina at ng biyolohiya. Nagbibigay naman ng impormasyon ang sikolohiyang pang-edukasyon sa isang malawak na sakop ng mga espesyalidad sa loob ng araling pang-edukasyon, kabilang na ang disenyong pampagtuturo o pang-instruksiyon, teknolohiyang pang-edukasyon, pagpapaunlad ng kurikulum, pagkatutong organisasyunal, edukasyong espesyal, at pamamahala ng silid-aralan. Ang sikolohiyang edukasyon ay humahango mula sa at nag-aambag din sa agham na kognitibo at mga agham na pampagkatuto. Sa mga pamantasan, ang mga kagawaran ng sikolohiyang pang-edukasyon ay karaniwang nasa loob ng mga pakultad ng edukasyon, maaaring dahil sa kawalan ng representasyon ng nilalaman ng sikolohiyang pang-edukasyon sa mga aklat na pang-aralin ng sikolohiyang pampagpapakilala (introductory psychology).[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lucas, J.L.; Blazek, M.A. & Riley, A.B. (2005). The lack of representation of educational psychology and school psychology in introductory psychology textbooks. Educational Psychology, 25, 347–51.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.