Sinigang na hito
Ang karaniwang sangkap ng sinigang na hito ay hito, kamatis, dahon ng kangkong o chinese cabbage (bokchoy), labanos, patis, sibuyas, tubig, at pampalasang sampalok.
Niluluto ito sa paraan ng pagpapakulo. Unang inilalagay ang kamatis, sunod ang sibuyas. Makalipas ang ilang minuto ay maaari nang ilagay ang isda. Binubudburan ito ng pampalasang sampalok at patis. Inilalagay naman ang labanos at bokchoy kapag malapit nang maluto.