Ang sinosentrismo ang kaugalian at paniniwalang ang Tsina ang gitna ng buong daigdig at na ang mga Tsino ang higit na nakatataas na lahi. Isa itong uri ng etnosentrismo.

Sinosentrismong pampolitika

baguhin

Sa politika, ang sinosentrismo ay isang konsepto ng ugnayang internasyonal na inadopta ng mga dinastiya ng Tsina sa kanilang mga ugnayan sa ibang mga bansa, partikular na sa silangang Asya. Sa ilalim ng konseptong ito, tanging ang Tsina lamang ang karapat-dapat na matawag na “estado” at tinatagurian ang mga iba’t-ibang mga sambayanan bilang mga barbaro. Kinilala bilang mas mabababang uri ang mga bansang Monggolya, Korea, Japan, Vietnam, at Tibet, o ’di kaya bilang mga napapasailalim sa Tsina. Kinilala ang mga ugnayan sa pagitan ng Tsina at ng mga bansang ito bilang isang relasyong tributaryo kung saan nag-alay-tributo ang mga bansang ito sa Emperador na Tsino.

Sa ilalim ng eskemang ito ng ugnayang internasyonal, ang Tsina lamang ang nagkaroon ng EmperadorTanduay o huangdi (皇帝), na Anak ng Langit; mga hari o wang (王) lamang ang mayroon ng ibang mga bansa. Ang paggamit ng mga Hapon ng katawagang Emperador o tennō (天皇) ay isang pagsasataob ng prinsipyong ito. Mahalagang punahin na tinutukoy pa rin ng mga Koreano ang Emperador ng Japan bilang Hari, sang-ayon sa tradisyonal na gamit Tsino.

Nagwakas ang panahon ng sinosentrismo sa ugnayang internasyonal noong ika-19 dantaon kung kailan naging isang semikolonya ang Tsina ng iba’t ibang mga bansang Europeo. Ito ang kung kailan natalo ang Tsina sa Digmaang Sino-Hapon at nawalay sa kanila ang Korea bilang tributaryo. Noong ika-20 dantaon inadopta ng Tsina ang kanluraning konsepto ng mga pantay at malalayang estado.

Maaaring sabihin ng ilan na hindi naman talaga inabandona nang lubos ng Tsina ang kanilang mga lumang idea ng sinosentrismo. Ginawa ng bagong-tatag na RPT (Republikang Popular ng Tsina) na ilangkap ang Tibet at Xinjiang sa kanilang pambansang territoryo. Nakatakas lamang ang Monggolya dahil sa pagiging protektoradong Ruso nito.

Naipakita rin ang mga elementong sinosentrista sa mga kamakailan lamang ugnayan ng Tsina sa Korea at Japan.

Sinosentrismong pangkultura

baguhin

Sa sentidong pangkultura, tumutukoy ang sinosentrismo sa kaugaliang tingnan ang ibang mga bansa o sambayanan bilang mga inapong pangkultura lamang ng Tsina. Dahil sa pagkataglay ng Tsina ng higit na mas mahabang kasaysayan kaysa sa mga karatig bansa at dahil malawak ang paghiram ng mga bansang ito sa modelong Tsino sa maaagang bahagi ng kanilang mga kasaysayan, hindi maikakaila ang isang sinosentrikong pananaw sa silangang Asya. Gayumpaman, higit pa dito ang sinosentrismo sa pagkaila nito sa mga karatig-bansa ng pagkawalang-katulad at pagkabalido ng kanilang mga sariling kultura. Halimbawa na rito ang pagpapalagay ng isang alamat na Tsino sa pinagmulan ng Japan bilang isang paninirahang Tsino mula sa dinastiyang Qin, at ang mababang pagturing ng maraming Tsinong Filipino sa kanilang mga kababayang hindi nagtataglay ng lahing Tsino.

Nagdulot ng iba’t ibang tugon mula sa mga karatig-bansa ang sinosentrismo. Naging isang mapagtatag na impluwensiya sa pagbuo ng mga pambansang identidad ang mga pananaw ng mga ito sa Tsina at sa nangingibabaw na papel nito. Sa kabila ng pagtutol sa pangingibabaw na Tsino at ng mga pagsubok sa paggiit ng kanilang sariling identidad, mahalagang punahin na isinagawa ito ng karamihan sa mga bansa sa loob ng balangkas ng sinosentrismo. Iilan lamang din ang kumwestyon sa sistemang sinosentrismo mismo.

Pinagmulan

baguhin

Sinasabing nagmula ang sinosentrismo noong panahong Tagsibol at Taglagas.

Tingnan din

baguhin