Sistemang panlasa
- Kaugnay ito ng anatomiya. Para sa panlagay sa pagkain, tingnan ang pampalasa.
Ang sistemang panlasa (Ingles: gustatory system) ay ang sistemang pandama para sa pandama ng lasa (panlasa o gustasyon). Kilala rin ito bilang sistemang gustatibo at sistemang gustatoryo. Karaniwang binabanggit ang sistemang panlasa na kasama ng sistemang pang-amoy bilang kasapi ng mga pandamang kemosensoryo dahil kapwa naglilipat (transduksiyon) sila ng mga kimikal na senyal upang maging persepsiyon. Ito ay isang pakiramdam na nalilikha kapag ang isang sustansiya sa bibig ay gumanti sa mga taste buds. Ang panlasa, kasama ang pang-amoy at pakiramdam na panghipo, ay nagtitiyak ng lasa na pangpakiramdam na impresyon sa mga pagkain at ibang mga sustansiya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.