Bungo
Ang bungo ay isang pangkat ng mga buto na bumubuo sa ulo ng isang bertebrado at nagpapanatili sa kinalalagyan ng lahat ng mga bahagi ng katawang nasa ulo. Dahil sa matitigas nitong mga buto, napapanatiling ligtas at nakasanggalang ang utak. Nasa loob ng bungo ang mga bulsa ng hangin tinatawag na mga sinus (hiwa o uka), na naglilingkod bilang mga sapin o kutson para sa utak. Kapag mayroong pananakit o hapdi ng ulo, karaniwang napupuno ito ng pluwido dahil sa mga alerhiya. Kung minsan tumutukoy rin ang bungo sa ulo ng kalansay.[1] Itinuturing din ito bilang "luklukan ng talino".[1]
Sa tao, karaniwang binubuo ang bungo ng nasa gulang na tao ng 28 mga buto. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga kranyato o kranyata ang mga hayop na mayroong bungo.[1]
Ginagamit ding sagisag ang bungo ng lason o kamatayan kapag ginamit na kasama ng pinagtiyap o pinagkrus na mahahabang mga buto.
Mga bahagi
baguhinNahahati sa dalawang pangunahing bahagi ang bungo: ang bao ng ulo o kranyo at ang pang-ibabang panga. Kapag walang panga, tinatawag lamang ang bungo bilang bao ng ulo o kranyo.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.