Espesya

(Idinirekta mula sa Spice)

Ang espesya (Ingles: spice), mas kilala bilang pampalasa, ay tuyong buto, bunga, ugat, banakal o kahit na anumang gawa sa gulay ginagamit nang may nalaang dami bilang panagdag para pampalasa, kulay, o isang pampatagal ng pagkain na pumapatay ng mga bakterya o tumutulong sa pagpigil sa pagtubo nito.[1]

Mga ibat-ibang klase ng rekado

Ginagamit ang mga rekado sa panggagamot, mga ritwal panrelihiyon, pampaganda, pabango o bilang pagkain bilang gulay. Halimbawa, ginagamit ang turmeriko para pamapatagal ng pagkain; ang anis bilang pang-medisina; ang bawang bilang gulay. Sa ibang pagkakataon, may iba't-ibang silang pangalan.

Sa ating mga kusina, may ibang ibig-sabihin sa mga damong-gamot o yerba ang mga rekado, na madahon, kulay luntian na halaman na ginagamit bilang panlasa. Maaaring gamitin ng hilaw ang mga yerbang tulad ng alabhaka (basil) o oregano, at madalas na kinukutsilyo sa mas maliliit na piraso. Sa kabilang banda, pinapatuyo ang mga rekado at madalas na ginagawang pulbura. Maaaring gamiting bilang buo o bilang pulbura ang mga malilit na buto, tulad ng penelo at buto ng mustasa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Food Bacteria-Spice Survey Shows Why Some Cultures Like It Hot". ScienceDaily. 5 Marso 1998.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.