Sinuso (hugis)

(Idinirekta mula sa Spiral)

Ang sinuso (literal na "pinag-anyong suso"; Ingles: spiral), tinatawag ding papilipit, paikot, pilipit, anyong-suso, paikid, ikid, o likaw ay isang natatanging kurba, liko, o pagbaluktot sa larangan ng matematika. Nagsisimula ang pagkurbang ito mula sa isang pangunahing tuldok o lugar, na sumusulong na papalayo habang umiikot o umiinog sa paligid ng isang punto o tuldok. Samakatuwid, matapos na magsimula sa isang lugar, pumapalibot o pumapaikot ito sa lugar na iyon, subalit palayo nang palayo mula sa lugar na iyon. Kaiba ito mula sa isang bilog, na palaging nasa katulad na layo o distansiya. Kaiba rin ito mula sa isang tambilugan. Ang isang hugis na sinuso ay isang "bukas" na kurba, hindi katulad ng mga bilog at ng mga tambilugan na tinatawag na mga nakasarang kurba.

Isang hagdanan sa Museo ng Batikano na binubuo ng mga baitang na may hubog na sinuso.

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.