Ang bangungot, sindroma ng biglaang hindi inaasahang kamatayan, sindroma ng biglaang hindi inaasahang kamatayan sa gabi, o sindroma ng biglaang hindi nalalamang pagkamatay (Ingles: sudden unexpected death syndrome, dinadaglat bilang SUDS, at tinatawag ding sudden unexpected nocturnal death syndrome o SUNDS, o sudden unknown death syndrome na dinadaglat ding bilang SUDS; karaniwang katawagan: nightmare, bagaman hindi sapat ang pagtutumbas na ito; maaaring katumbas din ng Taylandes na lai tai o ng Biyetnames na tsob tsuang) ay isang biglaang hindi inaasahang kamatayan sa mga adolesente at matanda habang natutulog. Ang sindromang ito ay unang napansin noong 1977 sa mga repuhiyadong Hmong sa Estados Unidos.[1][2] Ito ay napansin din sa Singapore kung saan ang isang retrospektibong pagsisiyasat ng mga rekord ay nagpakitang ang mga malulusog na lalakeng Thai ay biglaang namatay sa hindi maipaliwanag na dahilan sa pagitan ng 1982 at 1990. Sa Pilipinas, umaapekto sa 43 kada 100,000 lalakeng kabataan kada taon.

Ang ganitong bangungot, na tinatawag o nilalarawan din bilang masamang panaginip o masamang pangarap, ay itinuturing na isang karamdaman na kinasasangkutan ng ganitong mga katangian: pagiging nagigising sa gabi, pag-ungol, pananaginip ng masama, pagkakaroon ng pakiramdam na mayroong nakadagan sa dibdib. Bilang sakit, ang bangungot ay isang uri ng karamdaman na wala tiyak na katumbas na katawagan sa wikang Ingles at sa modernong panggagamot. Ang bangungot, bilang isang sakit, ay itinuturing na isang emerhensiyang medikal, na kinakailangan ng dagliang pagtulong, pagdadala sa ospital, at pag-usisa sa katayuan ng puso.

Mga apektado

baguhin

Ang kalalakihan may gulang na 17 hanggang 30 ang karaniwang dinadapuan ng bangungot (bagaman maaari ring dapuan ang mga babae), partikular na iyong mga nalalayo sa kanilang mga mag-anak.

Mga sanhi

baguhin

Ayon sa karaniwang paniniwala ang mga matatanda, ang bangungot ay dulot ng kaagad na pagtulog pagkaraan ng pagkain nang marami, o kaya pagkaraan ng pag-inom ng maraming alak o serbesa. Maaaring may kaugnayan ang bangungot sa acute pancreatitis, o sa sindromang Brugada (isang uri ng sakit sa puso na partikular sa mga lalaking Asyano) Maaari rin na ang sakit na bangungot ay dahil sa tambalan ng iba't ibang mga kondisyon.

Ayon sa mga matatanda, kailangang gisingin kaagad ang taong binabangungot, at subukang pagalawin ang anumang mga bahagi ng katawan (katulad ng mga daliri) ng taong binabangungot. Ang mga gawain ito ay pinaniniwalaang nakakatulong sa taong binabangungot upang "makawala sa bangungot".

Pag-iwas

baguhin

Ayon sa nakaugalian ng mga matatanda, maiiwasan ng isang tao ang bangungutin kapag hindi kumakain ng marami at hindi pag-inom ng marami bago matulog. Kapag nakaranas naman ng bangungot ang isang tao, ang taong ito ay kailangan kumonsulta sa manggagamot upang tiyakin na malusog ang taong ito at walang ibang mga karamdaman na makakapagpalubha sa pagkakaroon ng bangungot.[3] Kailangan uminom ng marami para hindi bangungotin.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Centers for Disease Control (CDC) (1981). "Sudden, unexpected, nocturnal deaths among Southeast Asian refugees". MMWR. Morbidity and mortality weekly report. 30 (47): 581–4, 589. PMID 6796814. {{cite journal}}: Unknown parameter |unused_data= ignored (tulong)
  2. Parrish RG, Tucker M, Ing R, Encarnacion C, Eberhardt M (1987). "Sudden unexplained death syndrome in Southeast Asian refugees: a review of CDC surveillance". MMWR CDC Surveil Summ. 36 (1): 43SS–53SS. PMID 3110586.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. BANGUNGOT: KAALAMAN, SANHI AT GAMOT