Ang switik[1] (Ingles: loon, sa "Hilagang Amerika" [bigkas: lun]; diver [mansusukbo o maninisid, sa UK ]) ay isang grupo ng mga pantubig na mga ibon na matatagpuan sa maraming bahagi ng Hilagang Amerika at hilagang Eurasya. Kasinglaki ng isang malaking bibi o maliit na gansa, na kahawig ng mga nabanggit sa hugis kapag lumalangoy.

Switik
Common Loon o Great Northern Diver
Gavia immer
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Subklase:
Infraklase:
Orden:
Gaviiformes

Wetmore at Miller, 1926
Pamilya:
Gaviidae

Sari:
Gavia

Forster, 1788
Mga uri

Gavia adamsii
Gavia arctica
Gavia immer
Gavia pacifica
Gavia stellata

Malawakang itim-at-puti ang mga balahibo ng mga ito, na abuhin sa may ulo at leeg sa ilang mga uri, at may puting tiyan; kahugis ng tulis ng sibat ang tuka sa lahat ng mga uri. Kabilang sa nag-iisang saring Gavia[2] ang lahat ng mga uri ng mga switik, na nasa pamilyang Gaviidae, at ordeng Gaviiformes; tanging para sa mga switik lamang ang kahanayang ito.

Nagmula ang pangalang Europeano, ang "diver", mula sa gawi ng ibon sa paghuli ng isda sa pamamagitan ng matiwasay na paglangoy sa ibabaw ng katubigan na susundan ng kaagad na pagsisid. Nanggaling ang pangalan nito sa Hilagang Amerika, ang "loon", mula sa nakakatakot na huni o "iyak" ng ibong ito.

Paglalarawan

baguhin

Natatangi ang mga switik sa kanilang nakatatakot na huni at sa kakahayan nila sa pagsisid. Mas nakasusukbo ng malalim ang mga ito at sa mas matagal na panahon kapag inihambing sa iba pang mga ibon. Namumuhay sila sa mas malamig at hilagang rehiyon ng mundo. May mabigat na pangangatawan, maputi ang kanilang ilalim at maitim sa ibabaw, na may mas malabnaw na mga tuldok o guhit. Nasa mas hulihang bahagi ng katawan ang kanilang mga paa, kung kaya'y halos hindi sila makakilos ng maigi kapag tumuntong sa lupa. Matatag sila kapag lumilipad subalit kailangang sumahimpapawid agad mula sa tubig sa pamamagitan ng pagtakbo ng mabilis habang nasa ibabaw ng tubig. Pangunahing pagkain nila ang mga isda, na nahahabol nila kahit abutin man ng malayong distansiya, sa tulong ng kanilang mga sumisikad na mga paa at mga gumagabay na mga pakpak nagagamit para sa paninimbang at pagliko.[3]

Ito ang ibong pang-estado ng Minnesota sa Estados Unidos.[3]

Sanggunian

baguhin
  1. Loon, switik[patay na link], Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. Etimolohiya: gavia, Latin para sa smew [Ingles], Mergellus albellus, mga maliliit na bibi; subalit ang mga smew ay hindi mga kaugnay na uri ng switik. Sa katunayan, nangyari lamang na mga itim-at-puting mangingisdang ibong pantubig din ang mga switik. Malabong may sapat na kaalaman ang mga Sinaunang mga Romano hinggil sa mga switik, sapagkat natatagpuan lamang sila sa mas hilagang mga latitud.
  3. 3.0 3.1 "Loons". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)