Tagagamit:Felipe Aira/Template:UnangPahinaTunog


Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Nagsimula ito bilang isang instrumental na martsa na pinagawa ni Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Pilipinas noon, kay Julian Felipe para sa proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ipinangalan ang martsang ito na "Marcha Filipina Magdalo". Nang maging pambansang martsa ang musika, naging "Marcha Nacional Filipina" ang pangalan nito. Tapos, noong 1899, isang batang manunula't sundalong si Jose Palma ay sumulat ng tulang "Filipinas" sa Kastila. Itong tula ang naging liriko ng pambansang awit.