si Talia al Ghul (Arabe: تاليا الغول‎; /ˈtɑːliə ˌæl ˈɡl/ TAH-liə-_-al-_[1][2]) ay isang kathang-isip na karakter na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics, karaniwang naiuugnay kay Batman. Nilikha ang karakter ng manunulat na si Dennis O'Neil at tagaguhit na si Bob Brown, at unang lumabas aa Detective Comics #411 (Mayo 1971).[3] Si Talia ay anak ng supervillain na si Ra's al Ghul, ang apo ni Sensei, ang kapatid-sa-labas ni Nyssa Raatko, ang paminsan-minsang romantikong interes ng superhero na si Batman, at ang ina ni Damian Wayne (ang ikalimang Robin). Papalit-palit siyang sinasalarawan bilang kaaway at kakampi ni Batman.

Talia al Ghul
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasDetective Comics #411 (Mayo 1971)
TagapaglikhaDennis O'Neil (panulat)
Bob Brown (guhit)
Dick Giordano (konsepto)
Impormasyon sa loob ng kwento
Kasaping pangkatSecret Society of Super Villains
League of Assassins
Leviathan
KakampiNamatay na ina
Ra's al Ghul (ama)
Deathstroke
Batman (katambal sa pag-ibig/dating asawa)
Damian Wayne (ilihitimong anak)
Kilalang alyas
  • Talia's Head
    • Leviathan
    • Daughter of the Demon's Head
Kakayahan
  • Henyong-antas ng katalinuhan
    • Maestro sa sining pandigma at mano-manong pakikipaglaban
    • Sanay na eskrimador at tirador
    • Karisma

    Ipinagkaloob ng Hukay ni Lazarus ang:

    • Pagkabuhay-muli
    • Mahabang buhay
    • Pinabagal na pagtanda

Lumabas si Talia sa higit sa 500 indibiduwal na isyu ng komiks,[4] at tinampok sa iba't ibang midyang adapsyon. Binosesan ang karakter ni Helen Slater at Olivia Hussey sa DC Animated Universe, na unang niyang pagpapakita sa isang midya liban sa komiks. Pagkatapos nito, ginampanan ang karakter ni Marion Cotillard sa pelikula noong 2012 na The Dark Knight Rises, at Lexa Doig sa seryeng pantelebisyon ng Arrowverse na Arrow.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rocksteady Studios. Batman: Arkham Knight (sa Ingles). (Warner Bros. Interactive Entertainment). Antas/sakop: Shadow War. (2015-06-23) "Batman: I'm sorry about Talia."
  2. Nolan, Christopher (Direktor). The Dark Knight Rises (sa wikang Ingles). Warner Bros.
  3. Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Korte, Steve; Manning, Matt; Wiacek, Win; Wilson, Sven (2016). The DC Comics Encyclopedia: The Definitive Guide to the Characters of the DC Universe (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 302. ISBN 978-1-4654-5357-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Talia al Ghul appearances masterlist. Hinango 2012-12-16 (sa Ingles).