Ra's al Ghul
Si Raʼs al Ghul (Arabe: رأس الغول, romanisado: Raʾ s al-Ġūl ngunit orihinal na binibigkas ng mga lumikha bilang Re'sh, kaya /ˈreɪʃ ˌæl ˈɡuːl/ RAYSH-_-al-_-GOOL[2] o /ˈrɑːz ˌæl ˈɡuːl/ RAHZ-_-al-_-GOOL;[3] "Ang Ulo ng Demonyo" o, sa isang mas hindi tumpak na salin, "Ang Punong Demonyo") ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics, karaniwang bilang kalaban ng bihilanteng lumalaban sa krimen na si Batman. Nilikha ng patnugot na si Julius Schwartz, manunulat na si Dennis O'Neil at tagaguhit na si Neal Adams, unang lumabas ang karakter sa Batman #232's "Daughter of the Demon" (Hunyo 1971).[4] Isa ang karakter sa pinakatumatagal na kalaban ni Batman at kabilang sa mga kolektibong mga kaaway na binubuo ng mga galeriya ng tampalasan ni Batman, bagaman, sa kanyang mataas na katayuan bilang isang supervillain, nakipaglaban din siya kay Green Arrow, ang Justice League, at ibang mga bayani sa DC Universe.
Raʼs al Ghul | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | Batman #232 (Hunyo 1971) |
Tagapaglikha | Dennis O'Neil (panulat) Neal Adams (tagaguhit) Julius Schwartz (konsepto/pangalan) |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Kasaping pangkat | League of Assassins Underground Society Council of Immortals |
Kilalang alyas | The Demon's Head[1] (Ang Ulo ng Demonyo) The Demon (Ang Demonyo) |
Kakayahan |
|
Pinakakilala bilang pinuno ng League of Assassins (Liga ng mga Asesino), naisasalin ang pangalan ni Ra's al Ghul's sa Arabe bilang "Ulo ng Demonyo."[5][6] Anak siya ni Sensei; ang ama ni Talia al Ghul, Nyssa Raatko, at lolo ni Damian Wayne. Kadalasang kinakasangkutan ng mga istorya na tinatampok si Raʼs al Ghul ang Hukay ni Lazaro o Lazarus Pit, na pinapanumbalik ang buhay ng mga mamamatay na. Lubhang pinahaba ang buhay ni Raʼs ng mga Lazarus Pit, na partikular na ginawa siyang mapanganib dahil hinasa niya ang kanyang kasanayan sa pakikipaglaban sa paglipas ng mga dantaon.
Tinampok si Raʼs al Ghul sa iba't ibang midyang adaptasyon. Ginampanan ang karakter nina David Warner sa Batman: The Animated Series, Liam Neeson sa Trilohiyang The Dark Knight, Jason Isaacs sa Batman: Under the Red Hood, Dee Bradley Baker sa seryeng larong bidyo na Batman: Arkham, Matt Nable sa mga seryeng pantelebisyon ng Arrowverse, at Alexander Siddig sa Gotham.
Niranggo ng IGN si Raʼs al Ghul sa #7 sa Pinakamataas na 100 na Kontrabida sa Komiks sa Lahat ng Panahon.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Detective Comics (vol. 1) #840 (Marso 2008) (sa Ingles)
- ↑ Rocksteady Studios. Batman: Arkham Knight, "Season of Infamy" DLC (sa Ingles). (Warner Bros. Interactive Entertainment). Antas/sakop: Shadow War. (2015-12-23) "Alfred Pennyworth: Civil war amongst the League? How is that possible? Ra's Al Ghul is not known for restraint when it comes to punishing dissent."
- ↑ Nolan, Christopher (Direktor). Batman Begins (sa wikang Ingles). Warner Bros.
- ↑ McAvennie, Michael; Dolan, Hannah, ed. (2010). "1970s". DC Comics Year By Year A Visual Chronicle (sa wikang Ingles). Dorling Kindersley. p. 145. ISBN 978-0-7566-6742-9.
Writer Denny O'Neil once stated that he and artist Neal Adams 'set out to consciously and deliberately to create a villain...so exotic and mysterious that neither we nor Batman were sure what to expect.' Who they came up with was arguably Batman's most cunning adversary: the global eco-terrorist named Ra's al Ghul.
{{cite book}}
:|first2=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Detective Comics (bol. 1) #411 (Mayo 1971) "Editor's Note: In Arabic, 'The Demon's Head'! Literally, Al Ghul signifies a mischief-maker and appears as the Ghoul of the Arabian Nights!" (sa Ingles)
- ↑ Batman Villains Secret Files & Origins #1 (1998) and Arrow (TV series). "Ra's al Ghul's true name is lost in the sands of time. Of all the Dark Knight's foes, 'The Ghoul's Head', as his name translates from Arabic, is perhaps the most dangerous." (sa Ingle)
- ↑ "Ra's Al Ghul Is Number 7". IGN.com (sa wikang Ingles).