Telang pantakip sa mukha
Ang isang telang pantakip sa mukha ay isang uri ng pantakip na gawa sa mga karaniwang tela, tulad ng koton, na sinusuot sa bibig at ilong. Hindi tulad ng kirurhikong pantakip at mga respireitor tulad ng N95 mask, ang mga ito ay hindi napapailalim sa regulasyon, at kasalukuyang maliit ang pananaliksik o paggabay sa kanilang bisa bilang isang pangharang laban sa nakahahawang sakit o polusyon ng mga napakaliit na butil sa hangin.
Regular silang ginagamit ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan simula sa huling bahagi ng ika-19 na siglo hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Noong dekada 60, hindi sila ginamit sa bansang maunlad pabor sa mga modernong kirurhikong pantakip sa mukha, ngunit ang kanilang paggamit ay nagpatuloy sa mga bansang umuunlad pa lamang. Sa panahon ng pandemyang coronavirus ng 2019–20, ang kanilang paggamit sa mga bansang maunlad ay nabuhay muli bilang isang huling paraan dahil sa kakulangan ng mga kirurhikong pantakip at respireitor.
Paggamit
baguhinBago ang pandemyang coronavirus ng 2019-20, ang mga nagagamit muling mga telang pantakip sa mukha higit na ginagamit sa mga umuunlad pa lamang mga bansa, lalo na sa Asya. Ang mga telang pantakip ay may kaibahan sa mga kirurhikong pantakip at respireitor tulad ng N95 mask, na gawa sa telang hindi pinaghabi na binuo sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag na melt blowing, at kinokontrol para sa kanilang bisa.[2] Tulad ng mga pantakip na kirurhiko, at hindi katulad ng mga respireitor, ang mga telang pantakip ay hindi nagbibigay ng selyo sa paligid ng mukha.[3]
Sa mga tagpuan ng pangangalaga sa kalusugan, ginagamit ang mga ito sa mga pasyenteng may sakit bilang pagpigil sa pagkakahawa mula sa pinagmulan upang mabawasan ang paghahatid ng sakit sa pamamagitan ng mga patak-panghinga, at ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan kapag ang mga kirurhikong pantakip at respireitor ay hindi magagamit. Ang mga telang pantakip ay karaniwang inirerekomenda bilang huling paraan kung ang mga suplay ng mga pantakip na kirurhiko at respireitor ay naubos.[3] Sila ay ginagamit din ng pangkalahatang publiko sa bahay at mga tagpuan sa pamayanan bilang "proteksyon" laban sa mga nakakahawang sakit at polusyon ng mga napakaliit na butil sa hangin.[3][4]
Maraming mga uri ng mga telang pantakip ay nabibili, lalo na sa Asya.[4] Ang mga pantakip na gawa sa bahay ay maaari ring gawin gamit ang mga bandana,[1] T-shirt,[1][2] panyo,[2] bupanda,[2] o mga tuwalya.[5]
Bisa
baguhinNoong 2015, walang randomized na mga klinikal na pagsubok o gabay sa paggamit ng mga telang pantakip na nagagamit muli.[3][5] Karamihan sa mga pananaliksik ay ginanap sa unang bahagi ng ika-20 siglo, bago naging laganap ang paggamit ng tinatapong kirurhikong pantakip sa mukha. Natagpuan ng isang pag-aaral noong 2010 na 40-90% ng mga particle ang tumatagos sa isang telang pantakip.[3] Ang bisa ng mga telang pantakip ay nag-iiba nang malaki sa hugis, akma, at uri ng tela,[4] pati na rin ang katapusang tela at bilang ng mga patong.[5] Simula pa noong 2006, wala pang na-clear ang US Food and Drug Administration sa mga telang pantakip sa mukha para magamit bilang mga pantakip sa operasyon.[2]
Sa isang eksperimento na isinagawa noong 2013 ng Public Health England, ang ahensya ng proteksyon sa kalusugan ng bansa, natagpuan na ang isang komersyal na kirurhikong pantakip ay nakasala ng 90% ng mga partikulo ng virus mula sa hangin na inubo ng mga kasali, habang 86% naman sa isang sako ng vacuum cleaner, 72% sa isang tuwalya ng tsaa, 51% sa isang koton na t-shirt - ngunit ang pagsusuot ng anumang DIY na pantakip at pagtitiyak na mahusay ang pagkaselyo sa paligid ng bibig at ilong ay mahalaga pa rin."[6][7]
Ang pangunahing papel ng mga pantakip na isinusuot ng pangkalahatang publiko ay ang "ihinto ang mga nahawahan na magpakalat ng virus sa hangin sa kanilang paligid."[7] Ito ay mahalaga sa epidemya ng COVID-19, dahil ang tahimik na paghahatid ng virus ay tila isang pangunahing katangian ng mabilis nitong pagkalat. Halimbawa, sa mga taong nakasakay sa barko ng Diamond Princess cruise, 634 katao ang natagpuan na nahawahan - 52% ay walang mga sintomas sa oras ng pagsubok, kabilang ang 18% na hindi kailanman ay nagkaroon ng mga sintomas.[8]
Kasaysayan
baguhinAng unang naitalang paggamit ng isang telang pantakip sa mukha ay kinasangkot sa ni Paul Berger, isang siruhano sa Pranses habang nag-oopera sa Paris noong 1897.[9] Nagamit ang mga pantakip upang maprotektahan laban sa mga nakakahawang sakit sa unang bahagi ng ika-20 siglo.[3][5] Ang disenyo ni Wu Lien-teh, na nagtrabaho para sa Imperyal na Hukuman ng Tsina sa panahon ng pagsiklab ng Manchurian pneunomic plague ng 1910-11, ay ang unang nagprotekta sa mga gumagamit mula sa bakterya sa isang pagsubok mula sa obserbasyon; inspirasyon ito ng mga unang pantakip na ginamit noong nagkaroon ng pandemyang trangkaso noong 1918.[10] Ang unang pag-aaral ng paggamit ng pantakip ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ay naganap noong 1918.[3][5] Noong dekada 40, ang mga pantakip sa mukha na gawa sa cheesecloth ay ginamit upang maprotektahan ang mga nars mula sa tuberkulosis.[11]
Ang mga telang pantakip ay higit na pinalitan ng mga modernong kirurhikong pantakip gawa sa mga hindi pinagtagping tela noong dekada 60,[2][5] ngunit ang kanilang paggamit ay nagpapatuloy sa umuunlad pa lamang mga bansa.[3] Ginamit sila sa Asya noong nagkaroon ng pagsiklab ng SARS noong 2002-2004, at sa Kanlurang Aprika sa panahon ng epidemya ng Ebola noong 2013-2016.[3]
Sa panahon ng pandemyang coronavirus ng 2019-20, ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Marso 2020 ay inirekomenda na kung walang mga respireitor o mga kirurhikong pantakip, bilang isang huling paraan, maaaring kailanganin ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan na gumamit ng mga pantakip na hindi kailanmang nasuri o inaprubahan ng NIOSH o pantakip na gawang bahay, ngunit dapat na gamitin nang may pag-iingat kapag isinasaalang-alang ang pagpipiliang ito.[12] Noong Abril 2020, inirekumenda ng CDC na ang pangkalahatang publiko ay magsusuot ng mga telang pantakip sa mukha sa mga pampublikong mga tagpuan kung saan ang iba pang mga hakbang sa panlipunang pagdidistansya ay mahirap mapanatili tulad ng mga tindahan at parmasya, lalo na sa mga lugar na makabuluhan ang transmisyon sa mga komunidad, dahil sa kahalagahan ng asymptomatic at pre-symptomatic na paghahatid ng sakit.[1][13] Sa parehong buwan, ipinag-utos ng Alemanya ang pagsusuot ng mga maskara sa mukha ng tela sa pampublikong transportasyon, pati na rin sa pamimili sa karamihan sa mga estadong Aleman.[14] Sa Scotland, inirekumenda ng pamahalaan ang paggamit ng mga telang pantakip sa mukha habang namimili o gumagamit ng pampublikong transportasyon, bagaman ang sentral na pamahalaan ng United Kingdom ay hindi naglabas ng parehong payo.[15]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Use of Cloth Face Coverings to Help Slow the Spread of COVID-19". U.S. Centers for Disease Control and Prevention (sa wikang Ingles). Abril 4, 2020. Nakuha noong Abril 5, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) Padron:PD-inline - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Reusability of Facemasks During an Influenza Pandemic: Facing the Flu. Washington, D.C.: National Academies Press. Hulyo 24, 2006. pp. 6, 36–38. doi:10.17226/11637. ISBN 978-0-309-10182-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 MacIntyre, C. R.; Chughtai, A. A. (Abril 9, 2015). "Facemasks for the prevention of infection in healthcare and community settings" (PDF). BMJ (sa wikang Ingles). 350 (apr09 1): h694. doi:10.1136/bmj.h694. ISSN 1756-1833. PMID 25858901.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 Shakya, Kabindra M.; Noyes, Alyssa; Kallin, Randa; Peltier, Richard E. (Mayo 1, 2017). "Evaluating the efficacy of cloth facemasks in reducing particulate matter exposure" (PDF). Journal of Exposure Science & Environmental Epidemiology (sa wikang Ingles). 27 (3): 352–357. doi:10.1038/jes.2016.42. ISSN 1559-064X. PMID 27531371. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 11, 2020. Nakuha noong Mayo 1, 2020.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Chughtai, Abrar Ahmad; Seale, Holly; MacIntyre, Chandini Raina (Hunyo 19, 2013). "Use of cloth masks in the practice of infection control – evidence and policy gaps". International Journal of Infection Control. 9 (3). doi:10.3396/IJIC.v9i3.020.13. ISSN 1996-9783.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Davies, Anna; Thompson, Katy-Anne; Giri, Karthika; Kafatos, George; Walker, Jimmy; Bennett, Allan (2013-05-22). "Testing the Efficacy of Homemade Masks: Would They Protect in an Influenza Pandemic?". Disaster Medicine and Public Health Preparedness. 7 (4): 413–418. doi:10.1017/dmp.2013.43. ISSN 1935-7893. PMC 7108646. PMID 24229526.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "Should the public wear masks to slow the spread of SARS-CoV-2?". The Economist. ISSN 0013-0613. Nakuha noong 2020-04-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How important is "silent spreading" in the covid-19 epidemic?". The Economist. ISSN 0013-0613. Nakuha noong 2020-04-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lowry, H. C. (Nobyembre 1, 1947). "Some Landmarks in Surgical Technique". The Ulster Medical Journal. 16 (2): 102–13. PMC 2479244. PMID 18898288.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilson, Mark (Marso 24, 2020). "The untold origin story of the N95 mask". Fast Company (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 27, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McNett, Esta H. (Enero 1, 1949). "The Face Mask in Tuberculosis: How the cheese-cloth face mask has been developed as a protective agent in tuberculosis". AJN the American Journal of Nursing. 49 (1): 32–36. ISSN 0002-936X.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Strategies for Optimizing the Supply of N95 Respirators: Crisis/Alternate Strategies". U.S. Centers for Disease Control and Prevention (sa wikang Ingles). Marso 17, 2020. Nakuha noong Marso 28, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) Padron:PD-inline - ↑ "Recommendation Regarding the Use of Cloth Face Coverings, Especially in Areas of Significant Community-Based Transmission". U.S. Centers for Disease Control and Prevention (sa wikang Ingles). Abril 3, 2020. Nakuha noong Abril 5, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Coronavirus: Germans don compulsory masks as lockdown eases". BBC News. 27 Abril 2020. Nakuha noong 29 Abril 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ministers split over coronavirus advice on wearing face masks". The Guardian. 28 Abril 2020. Nakuha noong 29 Abril 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)