Teresa ng Avila

(Idinirekta mula sa Teresa ng Ávila)

Si Teresa ng Ávila, tinutukoy rin na Santa Teresa de Jesus, bininyagan na Teresa Sánchez de Cepeda y Ahumada (Marso 28, 1515 – Oktubre 4, 1582), ay isang bantog na mistika mula sa Espanya, banal ng Simbahang Katolika, madreng Carmelita, nag-aakda noong Kontra-Reporma, at teologo ng mapagnilay na buhay sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal. Siya'y repormista ng Ordeng Carmelita at itinuturing na nagtatag ng Carmelitas Descalzos kasama ni San Juan de la Cruz.

Santa Teresa ng Avila
Santa Teresa ng Ávila ni Peter Paul Rubens
Santa, Mistika, Doktora ng Simbahan
Ipinanganak28 Marso 1515(1515-03-28)
Gotarrendura, Ávila, Korona ng Castilla (ngayo'y Espanya)
Namatay4 Oktobre 1582(1582-10-04) (edad 67)[1]
Alba de Tormes, Salamanca, Espanya
Benerasyon saSimbahang Katolika Romana
Simbahang Lutheran[2]
Komunyong Anglicano[3][4]
BeatipikasyonAbril 24, 1614, Roma ni Papa Pablo V
KanonisasyonMarso 12, 1622, Roma ni Papa Gregorio XV
Pangunahing dambanaKumbento ng Pagbabalita ng Anghel, Alba de Tormes, Espanya
KapistahanOktubre 15
KatangianAbito ng Carmelitas Descalzos, aklat at pluma, pinalasong puso
Patronmay sakit; karamdaman; nawalan ng magulang; mga nangangailangan ng biyaya; mga nasa relihiyosong orden; mga kinukutya dahil sa kanilang pagkabanal; Požega, Croatia; Espanya

Noong 1622, makalipas ang apat-na-pung taon mula nang siya'y yumao, siya kinanonisa ni Papa Gregorio XV at noong Setyembre 27, 1970, tinawag siyang Doktor ng Simbahan ni Papa Pablo VI.[5] Ang kaniyang mga aklat, kasama rito ang kaniyang sariling talambuhay (Ang Buhay ni Teresa de Jesus) at ang kaniyang matagumpay na gawang El Castillo Interior ay mahahalagang bahagi ng Panitikang Kastila noong Renasimiyento pati na rin ng mga gawi ng pagninilay at mistisismong Kristiyano. Isinulat din niya ang Camino de Perfección.

Nang siya'y yumao, nakilala sa Espanya ang kulto ni Santa Teresa noong mga 1620, at minsa'y itinuring na kandidata upang maging pambansang patrona. Ang santero ng Birhen ng Paglilihi na di-umano'y pinadala ni Teresa sa kaniyang kapatid sa Nicaragua ay ngayo'y pinipintuho bilang pambansang patrona sa Dambana ng El Viejo.[6] Iniuugnay rin ng mga relihiyosong Katoliko sa imahen ng Santo Niño de Praga at sinasabing si Teresa ay deboto nito at dating nagmay-ari.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bandang gabi sa pagitan ng Oktubre 4 at Oktubre 15, 1582, noong pinalitan ng Espanya ang kalendaryong Juliano ng kalendaryong Gregoriano
  2. "Notable Lutheran Saints". resurrectionpeople.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-16. Nakuha noong 2015-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Holy Days". churchofengland.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-25. Nakuha noong 2015-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Holy Men and Holy Women" (PDF). churchofengland.org.
  5. (sa Italyano) Proclamazione di Santa Teresa d'Avila Dottore della Chiesa. Hinango noong 2015-08-04.
  6. "Inmaculada del Viejo". corazones.org.