Ang The Flying House, kilala din sa bansang Hapon bilang Tondera Hausu no Daibōken (トンデラハウスの大冒険, Adventures of the Flying House), ay isang serye ng anime na may 52 kabanata na ginawa ng Tatsunoko Productions at umere sa pagitan ng Abril 1982 at Marso 1983 sa TV Tokyo,[1] at ipinapamahagi ng Christian Broadcasting Network sa Estados Unidos. Noong 2010, ginawa ng Christian Broadcasting Network na makuha at makita online ang 52 kabanata.[2] Sa Pilipinas, muli itong pinalabas at umere sa GMA Network noong 1992 at sa ABS-CBN noong 2015.

The Flying House
Tondera Hausu no Daibōken
トンデラハウスの大冒険
DyanraKristiyanong animasyon
Teleseryeng anime
DirektorMasakazu Higuchi at Mineo Fuji
EstudyoTatsunoko Productions
LisensiyaPadron:English anime licensees
Inere saTV Tokyo
Takbo5 Abril 1982 – 28 Marso 1983
Bilang52
 Portada ng Anime at Manga

Tungkol ang serye sa paglalakbay sa panahon sa pamamagitan ng isang makina o time machine na isang bahay na lumilipad. Naglalakbay ang mga bida ng serye sa kaganapan sa Bagong Tipan ng Biblia mula sa kapanganakan ni Juan Bautista hanggang sa pagbangon ni Apostol Pablo.

Mga gumanap

baguhin

Kabilang sa mga pangunahing gumanap sa serye sina (nasa panaklong ang mga nagboses sa wikang Ingles):[3]

  • Justin Casey / Gen Adachi - ginampanan ni Satomi Majima (Billie Lou Watt sa wikang Ingles); matalik na kaibigan ni Corky at Angie
  • Angela "Angie" Roberts' / Kanna Natsuyama - ginampanan ni Sanae Takagi (Sonia Owens sa wikang Ingles); nakakatandang kapatid ni Corky at matalik na kaibigan ni Justin.
  • Corbin "Corky" Roberts / Tsukubo Natsuyama - ginampanan ni Runa Akiyama (Helena Van Koert sa wikang Ingles); nakakabatang kapatid ni Angie at matalik na kaibigan ni Justin.
  • Professor Humphrey Bumble / Dr. Tokio Taimu - ginampanan ni Yoshito Yasuhara (Hal Studer sa wikang Ingles) – ang imbentor ng Flying House.
  • S.I.R. (Solar Ion Robot) / Kandenchin - ginampanan ni Kyōko Tongū (Ray Owens sa wikang Ingles) - matalik na kaibigan nina Justin, Angie, at Corky at katulong na robot ni Professor Bumble.
  • Jesus Christ - ginampanan ni Jun Hazumi (Ray Owens sa wikang Ingles)
  • Paul the Apostle - (ginampanan ni Hal Studer sa wikang Ingles).
  • The Flying House / Tondera Hausu

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "ja:トンデラハウスの大冒険" (sa wikang Hapones). Tatsunoko Productions. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-18. Nakuha noong 13 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Flying House" (sa wikang Ingles). Christian Broadcasting Network. Nakuha noong 18 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Time kyôshitsu: Tondera house no dai bôken, IMDb (sa Hapon at Ingles)