Ang Awit ng Tatlong Kabataan[2] o Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata[1] (Ang Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Banal na Kabataan sa literal na pagsasalin mula sa Ingles) ay isang aklat na deuterokanonikong[1] naidagdag sa Aklat ni Daniel sa Lumang Tipan ng Bibliya. Nagmula ito sa saling Griyego at Sirio, na kapwa tiyak na nagbuhat sa orihinal na Arameo.[1] Iniligay ito sa pagitan ng Daniel 3:23 at Daniel 3:24, ang pagkakataon pagkaraang ipatapon ni Haring Nabucodonosor ang tatlong kabataan sa nagniningas na pugon.[2] Pangkaraniwan sa panitikang Apokripa na maging pangdagdag sa mga kakulangan ng mga "aklat na mapanghahawakan" o "aklat na mapaniniwalaan." Sapagkat hindi sinasaad sa Aklat ni Daniel kung ano ang kinahinatnan ng tatlong kabataan matapos na itapon sila sa nagbabagang pugon o hurno, mayroong manunulat na umakda ng salaysay na ito.[3] Ayon sa paliwanag ni Jose C. Abriol, may mga dalubhasang tumuturing na huwad o apokripo ang mga talata sa Aklat ni Daniel na magmula ika-24 na taludtod ng Kabanata 3 (pinamagatang Itinapon ang mga Kasama ni Daniel sa Hurno) hanggang sa Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata (binubuo ng taludtod bilang 25 hanggang 90).[4]

Paglalarawan ng pagsasanggalang ng arkanghel na si San Miguel sa Tatlong Kabataan - sina Sidrac, Misac, at Abed-Nego[1] - habang nasa hurno o pugong nagniningas.

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ang aklat na ito ng ganitong mga pangkat:[2]

  • Dalangin ni Azarias
  • Paglalarawan sa nagniningas na pugon
  • Ang awit ng tatlong kabataan

Tingnan din

baguhin
Mga Aklat ng Bibliya

Dalawa pang aklat na idinagdag sa Aklat ni Daniel matapos maisalin mula sa Griyego:[2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata, pahina 1326". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Awit ng Tatlong Kabataan". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Apocrypha, Bible, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Abriol, Jose C. (2000). "Panalangin ni Azarias at Awit ng Tatlong Binata, paliwanag sa pahina 1326". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin