The Triumph of Civic Virtue

Ang Ang Pananagumpay ng Kagalingang Pambayan, na maaari ring isalin mula sa orihinal nitong pamagat sa Ingles na The Triumph of Civic Virtue bilang Ang Pagwawagi ng Kabutihang Pangmamamayan o Ang Pagtatagumpay ng Kabutihang Pambayan ay isang estatwang naglalarawan ng isang lalaking sumasagisag sa "kagalingang pambayan" o "kabutihang pangmamamayan" na nagtagumpay at tumatapak laban sa mga sirena (mga babaeng serpentina) na ang isa ay kumakatawan sa "bisyo" at ang isa pa ay sa "korupsiyon" (katiwalian). Ang rebulto idinisenyo ni Frederick William MacMonnies - 100 mga taon na ang nakalilipas[1] - ay dating gumaganap bilang isang palatandaang pook sa liwasan ng Queens Borough Hall sa Kew Gardens, Queens, New York sa Estados Unidos, magmula pa noong 1922.[2] Inilipat ito ng pamahalaan ng Lungsod ng New York noong 2012 sa Green-Wood Cemetery sa Brooklyn, New York.[3]

Ang rebulto ng The Triumph of Civic Virtue noong nasa Queens Boulevard na malapit sa Queens Borough Hall sa Kew Gardens ng Lungsod ng New York, Estados Unidos.

Paglalarawan

baguhin
 
Panggilid na pagtanaw sa estatwa ng The Triumph of Civic Virtue noong nasa bakuran ng Queens Borough Hall sa New York.

Ayon kay Pierce Harlan, ang opisyal na pangalan ng estatwang ito ay Civic Virtue Triumphant Over Unrighteousness, na maisasalinwika bilang Pananagumpay ng Kagalingang Pambayan Laban sa Kawalan ng Katarungan o Pagwawagi ng Kabuting Pangmamamayan Laban sa Kabuktutan. Ang rebulto ay mayroong timbang na 22 mga tonelada. Naglalarawan ang rebulto ng isang halos hubo't hubad na lalaking nasa kaniyang kabataan, matangkad, malusog, at matipuno na may hawak ng isang espada, na ang paa ay tumatapak at lumuluray sa mga leeg ng dalawang mga babaeng sirena na namimilipit dahil sa paghihirap habang niyayapakan ng lalaking ito. Ang isang sirenang nagyuyumukyok at ang isa pang nagapi na ay mga representasyon ng "katiwalian at bisyo". Ang kabuuan ng lilok ay isang paghahambing para sa "pananagumpay laban sa tukso", sapagkat ang mga sirena, ayon sa mitolohiya, ay mga "tukso" na umaakit sa mga lalaking mandaragat, sa pamamagitan ng nakabibighaning musika, upang ang mga manlalayag na ito ay mapagawi sa isang pulong may mabatong dalampasigan, kung kaya't ang kanilang barko ay nawawasak. Para kay Pierce Harlan, ang estatwa ay isang sagisag ng pakikibakang kinakaharap ng mga kabataang lalaki at ng mga lalaking nasa wasto nang gulang na pinasinungalingan o pinagbintangang nanggahasa ng babae.[4]

Kasaysayan

baguhin

Ang lilok ay katha ni Frederick MacMonnies, isang mahalagang artista ng sining noong kaniyang kapanahunan. Tumanggap si MacMonnies ng US$600,000 bilang kabayaran sa paglikha ng likhang sining na ito. Ang estatwa ay unang inalisan ng tabing at inilantad sa madla sa labas ng New York City Hall (Pasilyo ng Lungsod ng New York) noong 1922. Maaaring nililok ito noong 1919 ni MacMonnies sa tulong ng mga manlililok na Piccirilli Brothers, na ang modelong lalaki ay si Edward Raffo, isang bisiklistang Amerikanong Italyano. Sa loob ng 19 na mga taon, ang estatwa ay nanatili sa harapan ng New York City Hall. Ipinalipat ito ng dating alkalde ng New York na si Fiorello LaGuardia noong 1941 at inilagay sa bakuran ng Queens Borough Hall ng New York, sa may kanto ng Union Turnpike at ng Queens Boulevard.[4]

Kontrobersiya

baguhin
 
Larawan ng The Triumph of Civic Virtue noong ito ay nasa labas pa ng New York City Hall sa pulo ng Manhattan, New York, Estados Unidos noong 1922.

Bago pa man ito alisan ng kulubong noong 1922, naging paksa na ito ng pagtuligsa ng maraming mga kababaihan at ng maraming mga pangkat ng kababaihan dahil sinasabi nilang ang estatwa ay nakapagpapababa ng dangal ng mga kababaihan. Ayon kay Francis Gallatin, isang Kumisyunero ng Liwasan sa Estados Unidos, hindi ito dapat maging kontrobersiyal sapagkat katulad lamang ito ng palagiang paggamit ng kasariang lalaki bilang representasyon ng dimonyo sa mga akdang pansining. Sa kasalukuyan, mayroong mga babae na tumatawag sa estatwa bilang "seksista" o diskriminasyon laban sa mga kababaihan, na nagpapahiwatig na ang mga babae ay masama at mapanlinlang.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Colangelo, Lisa L. Pols say selling 'sexist' Queens statue on craigslist would be a civic virtue, DAILY NEWS, New York.
  2. http://www.youtube.com/watch?v=1JM7440kodo Mocker is Back at the Statue], Pebrero 26, 2011.
  3. Lumb, David. POSSIBLE REASONS WHY THE CITY IS SNEAKING A STATUE FROM QUEENS TO BROOKLYN, July 18, 2012
  4. 4.0 4.1 4.2 Harlan, Pierce. An 89-Year-Old Statue Helps Unlock The Scorn For Men's Rights Naka-arkibo 2011-08-14 sa Wayback Machine., The Spearhead, Enero 13, 2011