Si Haring Tibaw' , o kaya ay Hsipaw Thibaw Thebaw at Theebaw (Birmano: သီပေါ‌မင်း, binibigkas na [θìbɔ́ mɪ́ɴ]; 1 January 1859 – 19 December 1916) Ang kanyang Tunay na pangalan ay si Maung-Pyo

Thibaw
သီပေါ‌မင်း
Haring Tibaw
Thibaw c. 1880
Hari ng Burma
Prinsipe ng Thibaw
Panahon 1 October 1878 – 29 November 1885
Koronasyon 6 November 1878
Sinundan Haring Mindon
Sinundan ni (nag wakas ang monarkiya)
Punong Ministro G.Kinwun Mingyi U Kaung
Konsorte Dayang Suplaryatt
Anak 2 Anak na lalaki, 6 babae, kasama sila :
Myat Mibayagyi
Myat Phaya Lat
Myat Phaya
Myat Phaya Galay
Buong pangalan
Maung Pu (မောင်ပု)

Siri Pavara Vijaya Nanta Yasatiloka Dhipati Pandita Maha Dhammarajadhiraja
(သိရီပဝရ ဝိဇယာနႏၵ ယသတိေလာကာဓိပတိ ပ႑ိတ မဟာဓမၼရာဇာဓိရာဇာ)
Salin sa Wikang Pilipino: Ginoong (Siri) Pabara Bisaya nanta Yasarliloka dipati Pandita Lakan Darmaradya hariladya

Lalad Konbaung
Ama Mindon
Ina Dayang Prabha Devi, Dayang Laungshe
Kapanganakan 1 Enero 1859(1859-01-01)
Mandalay
Kamatayan 19 Disyembre 1916(1916-12-19) (edad 57)
Ratnagiri, India
Libingan Ratnagiri, India
Pananampalataya Theravada Buddhism

Siya ang huling hari ng Imperyong Burma sa ilalim ng Dinastiyang Konbaung. Ang kanyang paghahari ay nag wakas noong ang Imperyong Britanya ay salakayin ang Burma mula sa India, At napatalsik ang monarkiya ng matalo sa Ikatatlong Digmaaang Anglo-Burmse noong 1886.

Ang larawan ni Haring Thibaw at ng kanyang asawa at kapatid Dayang Suplayat at Supayalay (November 1885)

.

Kabataan

baguhin

Si Maung pyo ay ang Anak ni Haring Mindon sa isa sa kanyang mga Kalaguyo na si Dayang Phabara Devi ng Lungshe . Ang Ina ni Thibaw ay pinalayas mula sa Palasyo ni Haring Mindon at naging isang Bikuni (Babaeng monghe) sa nga nalalabing niang buhay.

Noong kanyang kabataan ay nag aral sia ng mga Kasulatang budhismo at naging bihasa upang makuha ang pabor ng kanyang Ama , Nakapasa siya sa Pagsusulit ng Phatambyan (Isang uri ng pagsusulit pang rehihiyon) at nakuha ng respeto at ng Reyna at ng kanyang Ama.

Isa as mga Konsorte ng Haring Mindon na Si Hsinbyumashin ay tumulong ang pag papakasal niya kay Dayang Suplaryatt at ang unang anak nila ay kambal.

Pagkakaluklok

baguhin

Noong 1878, Si Thibaw ay nag tagumpay mula sa isang madugong rebelyon at pag lilipat ng kapangyarihan Dahil sa isang masaker ng mga Maharlikang angkan na posibleng karibal ni tibaw sa trono, sa utos ni Dayang Hsinbyumashin. na mga Prinsepe at mga prinsesang kaedaran ni Maung pyo.

At sa panahon niya ang timong Burma na hawak ng kanyang amang si Mindon ay sinakop ng mga Briton, at hindi na sikreto sa mga briton ang plano ni Thibaw na muling makuha ang timong Burma, Noong 1880, Nagipag tulungan at pag bibigaypabor sa mga Pranses ang pamahalaan at isang insedente sa pagitan ng thibaw at ng mga opisyal Ingles dahil sa pinarusahan nito ang mga ingles na hindi nag alis ng pangyapak saloob ng palasyo na tinawag na "Great Shoe Question" na siyang dahilan upang lumubha ang tensyon sa pagitan ng mga Burmes at Briton . [1]

Noong Octobre hanggang Nobyembre 1878, ang pagpupulong sa Palasyong Mandalay ay napang kasunduan sa Hluttaw (Parlyamento) ang mga reporma sa mga sumusunod na kagawaran mula sa 4 ay magiging 14:[2]

  1. Agrikultura
  2. Pryoektong pampubliko
  3. Hukbong Katihan
  4. Buwis
  5. Kalinangan sa Rehiliyon
  6. Pag sasaayos ng Mga lupaing hawak ng mga Maharlika
  7. Tributo
  8. Hustisya ng pang kriminal
  9. Hustisyang Sibil
  10. Hukbong Dagat
  11. Soberanyang Panlabas
  12. Partnerships
  13. Kaayusan ng mga Lunsod at Baranggay
  14. Industriyalisayson (sa tulong ng makinarya)

Sanggunian

baguhin
  1. Thant Myint-U (2001). The Making Of Modern Burma. Cambridge University Press. p. 9780521799140.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. J. George Scott, pat. (1901). Gazetteer of Upper Burma and the Shan States. Bol. 1. Rangoon: Government of Burma.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)