Ikalabing-tatlong Dalai Lama ng Tibet

(Idinirekta mula sa Thubten Gyatso, 13th Dalai Lama)


Si Thubten Gyatso (1876-1933) o Ngawang Lobsang Thupten Gyatso Jigdral Chokley Namgyal ay ang Ikalabing-tatlong Dalai Lama ng Tibet. Siya ang kasalukuyang pinuno ng Tibet noong panahon ng pananalakay ng Imperyo ng Britanya sa talampas noong 1903 at Dinastiyang Manchu ng Tsina noong 1910.

Thubten Gyatso
Ikalabing-Tatlong Dalai Lama ng Tibet
Namuno 1878-1933
Sinundan si Trinley Gyatso, Ikalabindalawang Dalai Lama
Sinundan ni Tenzin Gyatso, Ikalabing-apat na Dalai Lama
Pangalan sa Tibetano ཐུབ་བསྟན་རྒྱ་མཚོ་
Wylie thub bstan rgya mtsho
Pagbigkas tʰuptɛ̃ catsʰɔ (IPA)
Baybay na Tsino Romano
(PRC)
Tubdain Gyaco
TDHL Thupten Gyatso/Thubten Gyatso
Baybay na Tsino 土燈嘉措
Pinyin Tudeng Jiācuò
Kapanganakan 1876
Kamatayan 1933

Sinasabing nang namatay si Thubten Gyatso, ang kanyang mga ulo ay pumahalang sa hilagang-kanluran sa bahaging Taktser (ngayon ay Qinghai) upang bigyan ng hudyat na doon isisilang ang kanyang reinkarnasyon (na kasalukuyang si Tenzin Gyatso). Matapos maitala ng mga lama ang propesiyang ito, humarap naman ang ulo sa silangan, bilang hula na mayroong darating na malakas na kapangyarihan mula sa direksiyong ito. Sinasabi rin na ilang taon pagkatapos ang paglibing sa Ikalabing-tatlong Dalai Lama at pagpapaaral sa kahalili nitong si Tenzin Gyatso, naghahanda na ang Tsina sa muling pananalakay sa Tibet. Kasabay rin nito ang pagpapahinto ng Pambansang Football ng Tibet kung saan ikinumpara ng mga lama ang bola bilang pagsipa sa ulo ng isang buddha, gayundin ang "pagluha" ng mga rebultong gargoyle sa mga monasteryo ng Tibet sa panahon ng tag-init.

Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino.
Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik.
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tibetano.
Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Tibetano.
Sinundan:
Trinley Gyatso
Ikalabing-tatlong Dalai Lama ng Tibet
1878-1933
Susunod:
Tenzin Gyatso