Timor-Leste sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2019

Lumahok ang Timor-Leste o Silangang Timor sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2019 (SEA Games) sa Pilipinas na nangyari mula 30 Nobyembre hanggang 11 Disyembre 2019. Nagpadala ang bansa ng pinakamaliit na delegasyon sa mga laro na may 48 mga atleta na nakikipagkumpitensya sa 10 palakasan.[1] Ang host o punong-abalang bansa sa pamamagitan ng Komisyon sa Isports ng Pilipinas ay nagbigay ng kuwarto kung saan sila ay maglalagi at mga pasilidad sa pagsasanay para sa mga delegasyon na taga-Timor-Leste na inaasahang darating[2] pito hanggang sampung araw sa Pilipinas bago ang mga aktuwal na laro. Ang kabuuang delegasyon kabilang ang mga atleta ay 221 katao.[3]

Silangang Timor sa
Palaro ng Timog Silangang Asya 2019
Kodigo sa IOCTLS
NOCNational Olympic Committee of East Timor (Pambansang Olimpikong Komite ng Silangang Timor)
sa Pilipinas
Mga naglalaro48 sa 10 isports
Medals
Nakaranggo sa ika-11
Ginto
0
Pilak
1
Tanso
5
Kabuuan
6
Mga pagpapakita sa Palaro ng Timog Silangang Asya

Mga paghahanda at pagtanggap

baguhin

Sa ikalawang pagpupulong ng mga chef de mission sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas na inorganisa ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) noong Hulyo 2019, ang lahat ng mga bansa, na kasama sa Palaro ng Timog Silangang Asya ng 2019, ay sumang-ayon sa pagiging punong-abala ng Pilipinas para sa SEA Games.[4] Sa pulong, ang Timor Leste (Silangang Timor) ay kinatawan ni Vicente C. Da Silva.[4] Pagkatapos ng pulong, nagtungo sila sa Pampanga at New Clark City sa Tarlac upang suriin ang mga lugar kung saan gaganapin ang mga laro.[4]

Humingi ng tulong ang Silangang Timor mula sa Komisyon sa Isports ng Pilipinas para sa kanilang pangwakas na paghahanda sa SEA Games.[1] Sang-ayon sa Ehekutibong Direktor ng PHISGOC na si Tom Carrasco, naaprubahan ang kanilang kahilingan ng Tagapangulo ng Komisyon sa Isports ng Pilipinas na si William "Butch" Ramirez[1] Tutulungan daw sila ng Komisyon sa Isports ng Pilipinas sa kanilang mga titirhan habang nasa Pilipinas at bibigyan sila ng pahintulot na gamitin ang mga pasilidad nang walang bayad.[1]

Tulad ng inaasahan, ang delegasyon ng Silangang Timor partikular ang koponan ng futbol ay nagsimulang dumating nang maaga noong 23 Nobyembre 2019.[5] Nang sila ay dumating, nagkaroon sila ng suliraning pang-lohistiko[5] Naghintay ang koponan ng futbol ng Silangang Timor ng halos tatlong oras para makarating ang kanilang bus at sila ay napunta sa maling otel.[6][7] Isang araw pagkatapos ng pagdating ng delegasyon, ang Ispiker ng Kapulungan ng Kinatawan at Tagapangulo ng PHISGOC na si Alan Peter Cayetano ay personal na humingi ng tawad sa mga atleta at mga tagapagsanay o coach ng mga kalahok na bansa kabilang ang Silangang Timor, na naapektuhan ng mga abala na naranasan nila pagdating sa Pilipinas.[8][9]

Noong Disyembre 3, 2019, nasa huling puwesto pa rin ang Silangang Timor sa mga talaan ng medalya at wala silang nakuha kahit anumang medalya.[10] Napansin ito ng mga Pilipinong netizen at inanyayahan ang publiko na suportahan at magsaya para sa Silangang Timor na sinasalamin ang tema ng SEA Games ng 2019, na "We win as one!" ("Manalo tayo bilang isa!")[10][11] Nagpapasalamat ang mga delegado ng Silangang Timor para sa suportang kanilang natatanggap mula sa mga Pilipino.[12] Isang opisyal ng pederasyon ng taekwando sa Silangang Timor na si Alexandrino da Costa ang nagsabi na “It’s not about just winning but how we can make friendly relations between our countries through sports.” ("Hindi ito tungkol sa pagkapanalo lamang ngunit kung paano tayo magkaroon ng mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng ating mga bansa sa pamamagitan ng palakasan."[12]

Pagsali

baguhin

Noong December 8, 2019, nanalo ang taga-Silangang Timor na atleta na si Imbrolia De Araujo Dos Reis Amorin ng tansong medalya nang siya ay napunta sa ikatlong puwesto sa 57 kg na dibisyon para sa mga babae ng taekwondo.[13][14] Sa parehong araw, nanalo din ng tansong medalya ang mga boksingero taga-Silangang Timor na sina Jose Barreto Quintas Da Silva (sa dibisyong flyweight) at Frederico Soares Sarmento (sa dibisyong light heavyweight).[13][15][16]

Buod ng medalya

baguhin

Medalya ayon sa laro

baguhin
Medalya ayon sa palakasan
Palakasan       Kabuuan
Akwatikang Paglangoy 0 0 0 0
Pamamana 0 0 0 0
Arnis 0 0 0 0
Atletika 0 0 0 0
Basketbol 0 0 0 0
Bilyar 0 0 0 0
Bowling 0 0 0 0
Boksing 0 0 2 2
Ahedres 0 0 0 0
Pagbibisikleta 0 0 0 0
Sayaw na pang-isport 0 0 0 0
Duatlon 0 0 0 0
Esports 0 0 0 0
Pag-iskeyt sa yelo 0 0 0 0
Eskrima 0 0 0 0
Floorball 0 0 0 0
Futbol 0 0 0 0
Golp 0 0 0 0
Gimnasiya 0 0 0 0
Beach Handball 0 0 0 0
Hockey na Pang-yelo 0 0 0 0
Hockey na Panlooban 0 0 0 0
Judo 0 0 0 0
Ju-jitsu 0 0 0 0
Karate 0 0 0 0
Lawn Bowls 0 0 0 0
Muaythai 0 0 0 0
Makabagong pentatlon 0 0 0 0
Netball 0 0 0 0
Karerahang may balakid o obstacle 0 0 0 0
Pencak Silat 0 0 0 0
Polo 0 0 0 0
Pagsasagwan 0 0 0 0
Rugby sevens 0 0 0 0
Paglalayag 0 0 0 0
Sambo 0 0 0 0
Sepak Takraw 0 0 0 0
Pamamaril 0 0 0 0
Skateboarding 0 0 0 0
Soft tennis 0 0 0 0
Sopbol 0 0 0 0
Squash 0 0 0 0
Surfing 0 0 0 0
Tenis na Pang-mesa 0 0 0 0
Taekwondo 0 1 3 4
Tenis 0 0 0 0
Triatlon 0 0 0 0
Balibol 0 0 0 0
Wakeboarding 0 0 0 0
Pagbubuhat ng bigat 0 0 0 0
Pagbubuno 0 0 0 0
Wushu 0 0 0 0
Kabuuan 0 1 5 6

Medal ayon sa araw

baguhin
Medals ayon sa petsa
Day Date       Kabuuan
1 1 Disyembre 0 0 0 0
2 2 Disyembre 0 0 0 0
3 3 Disyembre 0 0 0 0
4 4 Disyembre 0 0 0 0
5 5 Disyembre 0 0 0 0
6 6 Disyembre 0 0 0 0
7 7 Disyembre 0 0 0 0
8 8 Disyembre 0 0 1 1
9 9 Disyembre 0 1 4 5
10 10 Disyembre 0 0 0 0
11 11 Disyembre 0 0 0 0
Kabuuan 0 1 5 6

Mga medalista

baguhin

Sanggunian: websayt ng SEA Games 2019.[17]

Medalya Pangalan Isport Kaganapan Petsa
2  Pilak Ana Da Costa Da Silva Taekwondo Mga kababaihan na nasa ilalim ng 46kg (fin) 9 Disyembre
3  Tanso Imbrolia De Araujo Dos Reis Amorin Taekwondo Mga kababaihan na nasa ilalim ng 57kg (feather) 8 Disyembre
3  Tanso Jose Barreto Quintas da Silva Boksing Flyweight sa dibisyon ng mga kalalakihan 9 Disyembre
3  Tanso Frederico Soares Sarmento Boksing Light heavyweight sa dibisyon ng mga kalalakihan 9 Disyembre
3  Tanso Lobo Bonifacio Da Silva Taekwondo Mga kalalakihan sa ilalim ng 56kg (fin) 9 Disyembre
3  Tanso Rosa Luisa Dos Santos Taekwondo Mga kalalakihan sa ilalim ng 49kg (fly) 9 Disyembre

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Villar, Joey (1 Nobyembre 2019). "PSC grants assistance to Timorese". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Nobyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Atencio, Peter (31 Oktubre 2019). "Timor-Leste delegates earliest to arrive". Manila Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Nobyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "PH to field largest delegation in 30th SEA Games". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "PH's SEA Games hosting gets full support from other member countries". ESPN.com (sa wikang Ingles). 2019-07-11. Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Timor-Leste, Myanmar footballers suffer logistical nightmare after Philippine arrival for SEA Games". philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Sleeping on floors, no proper food, training in the street: SEA Games chaos". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 2019-11-26. Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Timor-Leste football team left stranded at airport, taken to wrong hotel by SEA Games 2019 organisers - Report". FOX Sports Philippines (sa wikang Ingles). 2019-11-23. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-07. Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Cayetano apologizes to teams affected by SEA Games 'inconveniences'". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-07. Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Fonbuena, Carmela (2019-11-27). "Southeast Asian Games in chaos as players go hungry and athletes sleep on floor". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 2019-12-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "SEA Games 2019: True sportsmanship from hosts Philippines as they cheer for Timor-Leste". FOX Sports Philippines (sa wikang Ingles). 2019-12-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-07. Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Arcadio, Ryan. "Filipinos cheer for Timor Leste in SEA Games 2019". sports.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Saberon-Abalayan, Marianne L. (2019-12-05). "Timor Leste delegates thankful for Filipinos' support". Sunstar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-06. Nakuha noong 2019-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "Taekwondo jin turns emotional after winning Timor Leste's first medal". Spin.ph (sa wikang Ingles). 2019-12-08. Nakuha noong 2019-12-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "WATCH: Philippines fans cheer for Timor-Leste athlete as she wins her first SEA Games 2019 medal". FOX Sports Asia (sa wikang Ingles). 2019-12-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-09. Nakuha noong 2019-12-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Timor Leste finally wins first SEA Games medal". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Flores-Colina, Celest. "Timor Leste finally gets its first medal in 2019 SEA Games". sports.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Results – SEA Games PH 2019" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-20. Nakuha noong 2019-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)