Tokwa't baboy

pagkaing Pilipino

Ang tokwa't baboy ay isang pulutan sa Pilipinas. Binubuo ito ng tainga at tiyan ng baboy at piniritong tokwa, at inihahain ito sa pinaghalong toyo, sabaw ng baboy, suka, tinadtad na sibuyas, scallion at sili. Sinasabayan ito sa kanin o lugaw.[1] Ang tokwa ay salitang Lan-nang para sa matibay na beancurd, habang ang baboy ay salitang Tagalog; ang 't naman ay pinaikling anyo ng at.

Tokwa't baboy
Tokwa't baboy na inihain sa pinakapinong kainan
UriPampagana, minandal
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaCavite
Ihain nangMainit-init, temperatura ng silid
Pangunahing SangkapTainga at tiyan ng baboy, tokwa
Sawsawan: toyo, sabaw ng baboy, suka, sibuyas, scallions, sili
BaryasyonTingnan ang kinilaw
Mga katuladSisig

Kilala ang orihinal na putahe (na walang tokwa) bilang kulao o kilawin na tainga ng baboy sa mga Caviteño. Isa itong uri ng kinilaw. Dahil dito, minsan tinutukoy ang tokwa't baboy bilang kilawing tokwa't baboy.[2][3][4][5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ang Sarap". Nakuha noong Setyembre 13, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Kulao". Lutong Cavite. Enero 28, 2013. Nakuha noong Enero 17, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Kulao". The Kitchen Invader. Setyembre 4, 2015. Nakuha noong Enero 17, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Kilawin na Tainga ng Baboy". Mely's Kitchen. Nakuha noong Enero 17, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Kilawing Tokawa't Baboy". FoodRecap. Setyembre 24, 2001. Nakuha noong Enero 17, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.