Totalitarismo

(Idinirekta mula sa Totalitarianismo)

Ang totalitarismo ay isang konseptong ginamit ng ilang siyentipikong politikal kung saan hawak ng estado ang kabuuang awtoridad sa lipunan at nagtatangkang kontrolin ang lahat ng aspekto ng pampubliko at pribadong buhay hanggang sa maaari.[1] Isa itong uri ng pamahalaan kung saan ang bawat isang aspekto sa buhay ng isang mamamayan ay tinatabanan o kinukontrol ng pamahalaan.[2] Isa itong salitang ginagamit sa paglalarawan ng modernong rehimen (mga sistemang pampulitika) kung saan kuntrolado ng pamahalaan ang bawat bahagi ng ugaling publiko at pribado, pati na ang paraan ng pag-iisip, asal, at pag-uusap ng mga tao. Ang ganitong ideya ay pangunahing ginamit sa Nazing Alemanya at sa Unyong Sobyet. Madalas itong kasangkutan ng pakikilahok ng masa sa mga kaganapang katulad ng mga parada o mga rally.

Si Big Brother (literal na "Kuya" sa wikang Ingles), isang piksyonal na karakter sa nobelang 1984 ni George Orwell. Sa salaysay ng aklat, siya ang diktador ng totalitaryong estado ng Oseaniya.
Sina Mao Zedong at Joseph Stalin, pinuno ng gobyerno kapwa sa Tsina at Unyong Sobyet, ayon sa pagkakabanggit, Moscow, 1949.
Kim Il-Sung, ang "walang-hanggang pinuno" ng Hilagang Korea.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Conquest, Robert. Reflections on a Ravaged Century (2000) ISBN 0-393-04818-7, page 74.
  2. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R130.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.