Leon Trotsky

Rebolusyonaryong Marxista mula sa Ukraine
(Idinirekta mula sa Trotskyism)

Si Leon Trotsky (Ruso: tungkol sa tunog na ito Лев Давидович Трóцкий , Lev Davidovich Trotsky, na ang Lev ay isinasatitik din bilang Leo, Leon, Lyev; habang ang Trotsky naman ay isinasatitik din bilang Trotski, Trotskij, Trockij at Trotzky) (Nobyembre 7 [Lumang Estilo Oktubre 26] 1879 – 21 Agosto 1940), ipinanganak na Lev Davidovich Bronstein (Лeв Давидович Бронштéйн), ay isang rebolusyunaryong Bolshevik at teoretikong Marxista. Siya ang isa sa mga pinuno ng Rebolusyong Oktubre ng Rusya, pangalawa lamang kay Lenin. Noong mga unang araw ng Unyong Sobyet, una siyang naglingkod bilang Komisaryo ng mga Tao para sa Panlabas na Ugnayan at sa kalaunan, tinatag at naging komandante ng Pulang Hukbong Katihan (Red Army) at Komisaryo ng Mga Tao sa Digmaan. Naging isa rin siya sa mga unang kasapi ng Politburo.

Leon Trotsky
Komisaryo ng mga Tao para sa Ugnayan ng Hukbong Katihan at Dagat (People's Commissar for Army and Navy Affairs)
Nasa puwesto
13 Marso 1918 – 15 Enero 1925
DiputadoEphraim Sklyansky
Nakaraang sinundanNikolai Podvoisky
Sinundan niMikhail Frunze
Komisaryo ng mga Tao para sa Panlabas na Ugnayan (People's Commissar for Foreign Affairs)
Nasa puwesto
8 Nobyembre 1917 – 13 Marso 1918
DiputadoGeorgy Chicherin
Nakaraang sinundanMikhail Tereshchenko
Sinundan niGeorgy Chicherin
Pangulo ng Sobyet na Petrograd
Nasa puwesto
8 Oktubre 1917 – 8 Nobyembre 1917
Personal na detalye
Isinilang7 Nobyembre 1879(1879-11-07)
Kherson, Imperyong Ruso
Yumao21 Agosto 1940(1940-08-21) (edad 60)
Coyoacán, DF, Mexico
KabansaanUkraniyano
Partidong pampolitikaPartidong Sosyal Demokratiko ng Paggawa ng Rusya (Russian Social Democratic Labour Party o RSDLP), Partido Sosyal Demokratiko ng Switzerland (Social Democratic Party of Switzerland o SDPS), Partido Komunista ng Unyong Sobyet (Communist Party of the Soviet Union), Oposisyong Makakaliwa, IV Internasyunal
AsawaAleksandra Sokolovskaya, Natalia Sedova
PropesyonEstadista, patnugot


Rusya Ang lathalaing ito na tungkol sa Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.