Tsek-in
Ang tsek-in (sa Ingles: check-in) ay isang proseso kung saan pinapabatid ng isang indibiduwal ang kanyang pagdating sa isang otel, paliparan, daungan, o kaganapan.
Pag-tsek-in sa paliparan
baguhinAng proseso ng pagtsek-in sa mga paliparan ay nagbibigay-daan upang ang mga pasahero ay maitsek-in ang kanilang bagahe at makakuha ng boarding pass o pases sa pagsakay. Ang pasahero ay kinakailangang magbigay ng patunay na siya ay pinayagang bumiyahe, katulad ng tiket, bisa, o iba pang pamamaraang elektroniko. Bawat kompanya ng eroplano ay naglalaan ng pasilidad upang mai-tsek-in ng mga pasahero ang kanilang mga bagahe, maliban na lamang sa mga carry-on bag o mga bagaheng bibitbitin. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng mga empleyado ng kompanya ng eroplano sa mismong counter ng tsek-in ng paliparan o kaya naman ay sa pamamagitan ng isang ahensyang taga-ayos o sa pamamagitan ng sariling paggamit ng kiosk. Ang bagahe ay tinitimbang at tinatatakan, saka ito nilalagay sa conveyor na siyang nagdadala ng mga bagahe sa pangunaing sistema na nag-aayos ng mga bagahe. Ang bagahe ay napupunta sa imbakan nang mga ibang kargahe sa eroplano. Ang tauhan na taga-tsek-in ang siyang magbibigay ng boarding pass sa bawat pasahero.
Patuloy na dumadami ang mga mas mabibilis na pagproseso ng pagtsek-in, kung saan ang mga pasahero ay dumederetso na lamang o kaya naman ay nababawasan ang oras nito sa pagpila sa mga counter ng tsek-in na pinangangasiwaan ng mga empleyado. Kasama rin dito ang mga pasahero na nag-tsetsek-in sa Internet o online bago pa man dumating sa paliparan, o kaya naman ang mga gumagamit ng mga manuhang pag-tsek-in sa mga kiosk sa paliparan. Ang ibang mga paliparan ay may mga curbside sa pagtsek-in, kung saan ang pasahero ay nagpa-tsek-in ng kanyang bagahe, sa pamamagitan ng isang kinatawan mula sa kompanya ng eroplano, bago pa man ito pumasok sa paliparan at dederetso na ito agad sa seguridad.
Karamihan ng mga paliparan ay nagbibigay ng huling araw o oras para makapagtsek-in bago sila umalis. Ito ay para maibigay ng paliparan ang mga hindi nagamit na upuan sa ibang mga naghihintay na pasahero at para mailagay na ang kanilang bagahe sa eroplano at maisaayos na ang ibang mga dokumento para sa paglipad. Dapat isaalang-alang ng mga pasahero ang oras bago nila makuha ang kanilang mga bagahe sa linya ng mga tsek-in bago sila dumaan sa inspeksyon at tumuloy (minsan ay para sumakay) mula sa lugar ng tsek-in papunta sa sakayan. Minsan ito ay tatatgal ng ilang oras at nakadepende ito sa mga paliparan o kaya naman sa iba't-ibang mga taon. May dagdag na oras na kinakailangan para sa imigrasyon at adwana para sa internasyunal na mga paglipad.