Tublay

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Benguet

Ang Munisipalidad ng Tublay ay isang ika-5 klaseng bayan sa lalawigan ng Benguet, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 19,429 sa may 4,485 na kabahayan.

Tublay

Bayan ng Tublay
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Tublay.
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Tublay.
Map
Tublay is located in Pilipinas
Tublay
Tublay
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 16°28′35″N 120°38′00″E / 16.4764°N 120.6333°E / 16.4764; 120.6333
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR)
LalawiganBenguet
DistritoMag-isang Distrito ng Benguet
Mga barangay8 (alamin)
Pagkatatag1900
Pamahalaan
 • Punong-bayanRuben E. Paoad
 • Manghalalal11,311 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan102.55 km2 (39.59 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan19,429
 • Kapal190/km2 (490/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
4,485
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-5 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan8.72% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Kodigong Pangsulat
2615
PSGC
141114000
Kodigong pantawag74
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Kankanaey
Wikang Ibaloi
Wikang Iloko
wikang Tagalog
Websayttublay.gov.ph

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang Tublay noong Nobyembre 1900 sa ilalim ng pamahalaan ng mga Amerikano. Si Magastino Laruan ang itinalaga bilang unang presidente (mayor) ng Tublay. Siya ay bahagi ng pamilyang Cariño sa Benguet.

Heograpiya

baguhin

Ang Tublay ay nasa gitnang bahagi ng Benguet. Ito ay napapaligiran ng Kapangan sa hilaga, Atok sa silangan, Itogon at Bokod sa timog-silangan, La Trinidad sa kanluran, at Sablan sa hilagang-kanluran.

Kung tumutukoy sa kalayuan papunta sa siyudad, ang bayan ay matatagpuan 262 kilometro (163 milya) pahilaga ng Maynila at 12 kilometro (7.5 milya) pahilaga ng Lungsod ng Baguio, at 7 kilometro (4.3 milya) pahilaga ng La Trinidad.

Ayon sa Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, ang munisipalidad ay may lawak na 102.55 kilometro kuwadrado (39.59 milya kuwadrado)[1] constituting 3.70% na bumubuo ng 3.70% ng kabuuang lawak na 2,769.08 kilometro kuwadrado (1,069.15 milya kuwadrado) ng Benguet.

Topograpiya

baguhin

Ang topograpiya ng lugar ay halos kabundukan na may taas na 1,400 metro (4,600 talampakan) mula sa dagat. Ito ay may dalawang panahon - ang tag-init at tag-ulan na may pinakamalamig na temperatura na 6.5 °C (43.7 °F) at pinakamainit na 27.5 °C (81.5 °F).

May dalawang panahon sa Tublay, Benguet: ang tag-ulan mula Mayo hanggang Oktubre at ang tag-init mula Nobyembre hanggang Abril.

Mga Barangay

baguhin

Ang Bayan ng Tublay ay nahahati sa 8 mga barangay. Pinakamalaki ang barangay ng Ambassador (11.52 km²) at ang Tuel ang pinakamaliit (4.79 km²).

  • Ambassador
  • Ambongdolan
  • Ba-ayan
  • Basil
  • Daclan
  • Caponga (Pob.)
  • Tublay Central
  • Tuel

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Tublay
TaonPop.±% p.a.
1903 11—    
1918 2,310+42.83%
1939 4,265+2.96%
1948 5,068+1.94%
1960 5,843+1.19%
1970 7,413+2.41%
1975 8,610+3.05%
1980 9,686+2.38%
1990 11,479+1.71%
1995 13,263+2.74%
2000 13,672+0.65%
2007 15,096+1.38%
2010 16,555+3.41%
2015 17,892+1.49%
2020 19,429+1.63%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Province: Benguet". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Benguet". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin