Tuktukan, Taguig
Ang Barangay Tuktukan (PSGC: 137607014) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Barangay Tuktukan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Suranie G. Ulanday-Benamir (2018-kasalukuyan) | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1637 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinAyon sa pagsasalin-saling nagsasalaysay ng mga iginagalang na katandaan sa barangay na ito, ang pangalang Tuktukan ay nagsimula noong ang ilog na naglalagos sa nayong ito ay galing sa Lawa ng Laguna at humahantong sa bahagi ng ilog Pasig sa dakong Buting ay sakdal linis at linaw na naging paboritong labahan ng maruruming damit ng mga kababaihan.
Dahil sa kalinisan ng mala-kristal na tubig at sa kagandahan ng tanawin, ang pook na ito ay naging tagpuan ng maraming mga taong nanggagaling sa mga karatig-nayon upang ang kanilang maruruming damit ay linisin at tuktukan sa pamamagitan ng paghampas ng malalaking bato na dinadaluyan ng matuling agos ng tubig. Ito ang pamamaraang ginagawa noong araw upang linisin ang maruruming damit.
Naging pangkaraniwan ng tanawin na kaalinsabay ng nagbubukang liwayway ay makikita ang langkay-langkay na kababaihan na bitbit ang mga batya’t palo-palo patungo sa pook na ito upang magtuktok ng maruruming damit. Kaya’t naging palasak na sa mga kababaihang naglalaba na itagubilin sa kanilang mga kaanak na sila ay patungo sa “Tuktukan”.
Dinala ng nayong ito ang pangalang Tuktukan na sumasagisag sa isang mabilis na pamamaraan ng paglilinis ng damit na araw-araw nating isinusuot sa ating katawan.
Ang naging dahilan kung bakit sa kabila ng maralitang pinagmulan ng mga mamamayan ng barangay na ito, ay buong bilis na pumaimbulong sa rurok ng tagumpay, ay sapagkat dito isinilang at naninirahan ang mga dakilang mamamayan na nagbigay ng ningning at karangalan sa kasaysayan ng ating bayan.
Sa ngayon, ang mahigit na isang libong pamilyang naninirahan sa barangay na ito ay nawang mga Katoliko. Isang munting kapilya na masinop na inaalagaan ng mga mamamayan ang tahanan ng kanilang Pintakasi, patrong San Bartolome, isa sa mga dakilang martir at apostoles ng ating panginoong Hesukristo.
Ang barangay Tuktukan, na siyang kinatatayuan ng pamahalaang bayan, punong himpilan ng pamatay-sunog, lying-in at Health Center at iba’t ibang gusaling pang-lokal at pang-nasyonal ay mayroong sukat na humigit kumulang sa tatlumput isang ektarya lamang. Dito rin matatagpuan ang isang bago at modernong sabungan, pinakamalaking pagamutang pribado at mga malalaki at mumunting bahay kalakal na sumasagisag sa pagiging sentro ng kalakalan s adakong ibaba ng bayan ng Taguig.
Edukasyon
baguhinMataas na Paaralan
baguhin- Academia de San Bartolome De Taguig
- St. Chamuel
- Maria Montessori Holy Christian School Inc.
Pamahalaan
baguhinSangguniang Barangay
baguhin2023 - kasalukuyan
- Kapitan: Suranie G. Ulanday-Benamir
- Kagawad ng Barangay:
- Nenita G. Ulanday-Aquino
- John Carlo C. De Guzman
- Manuela E. Frisnedy
- Kim Edriean Cruz
- Romeo B. Flores
- Lady Love Idjao
- Juan Carlo Espiritu
2018-2023
- Kapitan: Suranie G. Ulanday-Benamir
- Kagawad ng Barangay:
- Nenita G. Ulanday-Aquino
- Janiece C. Clemente
- John Carlo C. De Guzman
- Perry Yumping
- Manuela E. Frisnedy
- Mario B. Pendre Jr.
- Apolinario Rasay Jr.
2002-2007
- Kapitan: Eduardo Tenorio Cruz
- Kagawad ng barangay:
- Suranie G. Ulanday
- Jerick B. Arriola
- Janice C. Clemente
- Edgardo S. Lacsina
- Antonio G. Cruz
- Isidro L. Profitales
- Mario B. Pendre Jr.
Sangguniang Kabataan
baguhin- Tagapangulo : Peter Gabriel Ordoñez Yumping
- Mga Konsehal:
- Marjorie G. Gregorio
- Crizel N. Guiang
- Donn P. Campos
- Patricia R. Bautista
- Pocholo C. Santos
- Roxanne G. Sanguyo
- Rowena D.M Santos
- Kalihim: Aimee G. Famis
- Ingat-Yaman: Marlyn P. Cayanan
- Administrador: Norberto C. Bulandus
- Katulong Tagapagpaganap: Ricardo M. Paulino
Tingnan rin
baguhinMga Sanggunian
baguhin- Barangay Tuktukan, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2010-01-05 sa Wayback Machine.